XV. Astraphobia

45 1 0
                                    

Nakabili na ng pagkain niya si Min Joo at hinanap na sila Hee Rin pero hindi niya nahanap sa cafeteria kaya pumunta nalang siya kanila Seul Joo.

"Oh, Min Joo!" Tawag ni Min Young. "Hinahanap ka kanina ni Hee Rin pero sabi niya may pupuntahan siya kaya hindi siya makakasabay."

"Saan daw siya pupunta?" Tanong niya at inilapag na ang pagkain niya sa lamesa.

"Hindi niya sinabi eh. Atsaka, babalik din siya dito mamaya. May aasikasuhin lang daw?" Dagdag ni Min Young.

"Saan na naman kaya pupunta 'yon?" Tanong niya sa sarili niya. Binuksan niya ang phone niya at may message galing kay Hee Rin.

  

Hee Rin-ah

Annyeong, Min Joo. Pasensya. Hindi ako makakasabay ngayon. Basta, bukas ha? Wag mo kalimutan, pupunta kayong bahay. Paki-inform si Suho oppa. Thank you~

  

"Suho oppa." Tawag niya kay Suho na katabi ni Sehun. "Wag daw nating kalimutan na pupunta tayo sa bahay nila Hee Rin bukas." Paalala niya.

"Oo naman," sagot naman niya.

"Paano si Lay hyung?" Tanong ni Chanyeol. "Hindi na siya umuuwi sa dorm atsaka tapos dito nalang natin siya sa Academy nakikita. Ngayon naman hindi siya pumasok... Saan pumunta 'yon?"

"Hindi ko nga rin alam eh." Sagot ni Suho.

"Hindi pa ba niya tapos ayusin 'yong mga gamit niya sa apartment niya?" Tanong ni Xiumin. "Ilang araw na 'yon do'n ah."

"Tawagan mo kaya, Suho hyung." Suhestiyon ni Chen. Napatingin naman sa kanya si Suho dahil sa sinabi nito at biglaan na lamang niyang inilabas ang kanyang phone. Tatawagan niya si Lay.

"Nasaan pala sila D.O hyung?" Tanong ni Sehun.

"Oo nga. Wala rin si Chan Ki." Dagdag din ni Min Joo. "Pati si Sung Mi," and she eyed on Chanyeol suspiciously.

"Hoy! Bakit ka ganyan makatingin sa 'kin?!" Turo ni Chanyeol kay Min Joo gamit ang tinidor.

"Min Young-ah... say Ah~" Biglang sambit ni Luhan. Bigla namang nasamid 'tong si Min Joo na nasa harap lang ng dalawa. Pinagpag niya sa bandang dibdib niya at uminom ng tubig.

"H'wag naman sa harap ko!" Sabi niya sa kanilang dalawa.

"Okay ka lang, Min Joo?" Tanong ni Seul Joo. Tumango nalang siya ng makainom na ng tubig.

"Piliin niyo nga kase kung saan kayo maglandian." Panenermon din ni Chanyeol.

"Chanyeol oppaaaaa~!!" Sigaw ng isang boses sa di kalayuan. Kumaway 'to sa kanya at naglakad papunta ro'n. Napatingin naman sila kay Chanyeol na biglang bagsak ang mukha.

"Nandito na naman siya," sambit niya.

"Hay nako. Masasanay ka rin." Salita ni Baekhyun. "Si Sung Mi kase, pinaghalong Min Joo at Kai." Dagdag ni Baekhyun. Min Joo glared at him kaya natahimik si Baekhyun.

"What the fuck, kailan ba ako naging gano'n ka-energetic, oppa?" Tanong ni Min Joo sa kanya.

"Mmm... Never?" Sagot niya saka tumawa.

"Yeoboseyo, Lay? Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Suho. Napatingin naman sila sa kanya. Kausap na pala niya si unicorn.

"Ah, hyung... kagagaling ko kase ng village. May binisita lang ako. Bakit ka napatawag?" Tanong naman niya. Nakasakay na siya ng taxi sa ngayon at papunta sa isang restaurant.

"Gusto ko lang sabihin na aalis muna tayo sa dorm simula bukas ng hapon..." Saad ni Suho. "Do'n daw muna tayo titira kanila Hee Rin."

"Oh, okay. Sige." Sagot naman niya. Siya ngang unang nakaalam eh. "I'll hang up. May pupuntahan pa 'ko eh."

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now