Sidestory #2 pt. 27

34 0 0
                                    

Pt. 27 - I'm Really Glad It's You

Pagkatapos no'n, bumalik si Eun Jae sa bahay nila para i-empake ang mga gamit ni Min Joo. Umuwi na muna sila Young In at Mi Young para sabihin din sa kanilang mga magulang ang magandang balita. Habang si Min Joo at Kai naman ay nagtungo sa SME building. Mamaya pa kaseng mga 7pm aalis ang lahat papunta sa pagdarausan ng kanilang concert. Iyong iba, nauna na ro'n.

"Saan ba kayo nagpunta?" Tanong sa kanilang dalawa ng makarating sila do'n. Napansin din ng members na masyadong maingat 'tong si Kai pagdating kay Min Joo.

"May kailangan ba kaming malaman?" Chanyeol asked kaya napatigil silang dalawa.

"Balak na rin naming sabihin sa inyo kahit ngayon lang namin nalaman." Sambit ni Kai. Min Joo is still hesistant kung sasabihin na ba nila o hindi pa. Biglang nalungkot ang kanyang mukha kaya nakaagaw ng atensyon 'yon.

"Ano ba talagang nangyari?" Seul Joo asked.

Bago pa man masabi ni Kai, biglang pumasok si Kangta ro'n, "All set na ba? Pupunta na tayo ro'n." He said.

"Okay na po lahat." Sambit naman ni Ms. Yang na nag-aasikaso sa kanila.

"Okay, you can go!" Utos niya saka nagsilabasan na nga sila. Naiwan do'n sila Kai kaya nagtaka si Kangta.

"Jongin, hindi pa ba kayo aalis?" He asked.

"Sun--I mean, sajangnim." Salita niya. "May gusto sana kaming sabihin sa inyo. Ngayon lang po kase namin nalaman at alam kong kailangan niyo rin pong malaman."

"Ano ba 'yon?" Tanong ni Kangta sa kanya.

"Nasaan na raw ba sila Kai? Naiwan pa ba sila do'n?" Tanong ni Luhan.

"Naiwan pa. Kausap si Kangta sajangnim." Sambit ni Kris.

"Hayaan niyo na. Susunod naman sila."Sambit ni Baekhyun.

Nang matabihan ni Baekhyun si Chanyeol sa loob ng kanilang van, "So, galing sila sa doctor?" Pabulong na tanong ni Baekhyun.

"Parang. Pansin naman eh pero mukhang hindi nahalata no'ng iba." Bulong din ni Chanyeol.

"Magiging malaking issue 'to for sure." Bulong niya ulit. "Okay lang kaya na gano'n? For sure, ikakasal sila ng wala sa oras."

"Oo nga eh. Ano na kayang mangyayari kung gano'n?"

"Hoy, kayong dalawa diyan!" Tawag ni D.O sa kanilang atensyon. "Kanina pa kayo nagbubulungan."

"May pinag-uusapan lang." Sagot naman ni Chanyeol.

"A-Ano?" Sambit ni Kangta. Nagulat siya sa kanyang nalaman. "Eh pa'no 'yan?"

"Hindi nga rin po namin alam eh." Sambit ni Kai. "Pero sinabi po ng kapatid ko na by next month, ikakasal na kami ni Min Joo."

"Kung gano'n..." aniya, "ikasal muna kayo bago nating sabihin na buntis si Min Joo."

"Iyon nga rin po 'yong naiisip ko kaso maghihinala pa rin po ang media. Kung sasabihin naman po namin, sasabihin din namin by next month na kami ikakasal."

"Both choices are possible." He said. "Kung gusto niyong in-announce ngayon, pwede rin. It's your decision."

"Pero sajangnim--"

"Ganito. I-announce ninyo mamaya 'yong about sa pagbubuntis niya at sa kasal niyo next month. Ako nang bahala sa supporting details. Wala kayong sasagutin na mga interview tungkol do'n. Dadaan lahat sa 'kin at akong sasagot." Suhestiyon niya.

"Sigurado po ba kayo?" Kai asked.

"Yes, I'm sure. That's my decision."

"Thank you, sajangnim." Thank you ni Min Joo.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now