XXXVII. Sasaeng

21 0 0
                                    

"Kyungsoo, nakapalit ka na ba?" Tanong ni Suho kay D.O na kasalukuyang nagpapalit. Si Suho naman nag-aayos ng mga dadalhin nila sa university.

"Wait lang, hyung. Ayusin ko saglit 'yong gamit ni Jongin. Nakakalat kase 'yong ibang gamit niya." Sagot naman ni D.O. Habang hinihintay niya ni Suho si D.O, inilabas niya ang kanyang phone sabay nag-send ng message sa kapatid niya.

   

Hyung

Hyung, sasabay ako kay Kyungsoo papunta diyan. Kaya wag ka na munang aalis diyan.

  

Pagka-send niya no'n, lumabas na rin si D.O mula sa kwarto. Sumakto rin naman na lumabas si Kris. "Kris hyung, ikaw munang bahala dito. May pupuntahan lang kami ni D.O." Sabi niya kay Kris.

"Arasseo," sagot lang ni Kris.

Nakalayo sila sa building na kinaroroonan ng dorm nila saka sila sumakay ng taxi. "Sa Seoul University po."

Habang on the way sila papunta roon, binasag ni D.O ang katahimikang namuo do'n sa loob ng taxi. "Hyung, sino bang pupuntahan mo do'n?" Tanong ni D.O.

"Basta. Malalaman mo mamaya." Sagot naman ni Suho. Tahimik pa rin silang naghihintay hanggang makarating sila sa university. Pagkababa nila, dumaan sila sa may guard. Pagkatapos no'n, inalis ni D.O ang disguise niya saka pumasok kasama si Suho.

"Hindi na po kailangan, sir." Sabi ng guard. "Sabi po kase ni Jun Ho-ssi, papasukin daw po kita."

"Gamsahabnida." Sambit ni Suho.

"Jun Ho?" Tanong naman ni D.O habang naglalakad sila sa loob ng university. "Kapatid mo si Kim Jun Ho? Iyong Vice President ng USC?" Tanong niya.

"Oo kaya sa USC din ang punta ko," sagot ni Suho sa kanya. Habang paakyat sila sa may building, pinagtitinginan sila. Bagong view kase nando'n si Suho. Marami rin namang ibang mga nag-aaral do'n na idols at artista. Tulad ni Minzy ng 2NE1. Do'n din si Taemin pero bihira na siya nakakapasok dahil nagpo-promote sila ngayon.

Nakarating sila doon at naabutan nila ang President at Vice President na nag-aayos. "Annyeonghaseyo." Bati nilang sabay. Napatingin naman 'yong dalawa.

"Oh, Junmyeon!" Nagyakapan sila, "Kamusta ka na?" Jun Ho asked. "Mas lalo ka pa yatang pumuti."

"Nagdala kami ng pagkain." Sabi ni D.O.

"Yehet~ ikaw nagluto, oppa?" Masayang tugon naman ni Chan Ki.

"Napapadalas ka na yata dito, Kyungsoo-ah." Salita ni Jun Ho.

"Pumupunta siya dito?" Tanong naman ni Suho.

"Minsan. Last time, dito siya nag-lunch kasama si Chan Ki." Pambubulgar ni Jun Ho.

Napangiti naman ng loko loko 'tong si Suho habang nakatingin sa kanya. "Doon muna kami sa room ko, dalhin ko nalang mga aayusin at pipirmahan." Salita ni Jun Ho.

"Sige, sunbae." Sagot naman ni Chan Ki.

"Di ko aakalaing siya pala 'yong kapatid ni Suho hyung." Sabi ni D.O habang tinitignan sila.

"Sabi na eh," sabi naman ni Chan Ki.

"Ano na, hyung? Alam kong wala ka rin alam tungkol do'n." Salita agad ni Suho habang inilapag niya ang dala niyang pagkain para sa kapatid niya.

"Alam mo namang hindi ko sila pinapakialaman. Pero ngayon, makikialam na tayo." Sambit niya.

"Bakit naman kase siya pumayag? Ayoko sa politics," aniya.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now