Gotta Have Her (3)

2.4K 66 0
                                    


Kinagabihan nagtext si Kimberly kay boyfriend.

"Still mad at me? :( Sorry na please."

Message sent.

Nagvibrate phone nya akala nya nagreply si bf pero si Joshua pala.

Joshua: Break na kayo?

Kimberly: Pwede ba? Tigilan mo kame!

Joshua: Anong kame? Ikaw lang naman gusto ko wala akong pake sa boyfriend mo.

Kimberly: Please mahal ko sya, just stop ok? Ayoko syang mawala.

Joshua: E mahal din kita at ayoko ring mawala ka. Paano yan?

Kimberly: Wala akong gusto sayo!

Joshua: Oo sa ngayon hindi pa, pero pag nagtagal maaapreciate mo rin ako.

Kimberly: LECHE!

Joshua: I love you too. Goodnight

Nagpagulong gulong si Kim sa kama dahil sa sobrang inis.

"Hindi kita gusto! HINDI KITA GUSTO!!"

Nagsisisigaw sya sa kwarto kaya inakyat sya ng nanay nya.

"Anak, bakit ka sumisigaw?"

"Ma, ayaw akong tigilan ni Joshua, tapos ngayon hindi ako pinapansin ni Keith dahil kay Joshua! Nakakainis ma!"

"Aysus naman akala ko naman mabigat ang problema mo. Edi mamili ka anak"

"Si Keith ang pinipili ko ma!"

"E nasaan sya? Diba hindi ka pinapansin? E si Joshua? Simula elementary hindi ka tinantanan nyan. Pag isang araw tinigilan ka nyan at sumuko yan, maniwala ka anak. Mamimiss mo yan."

At bumaba na ang nanay ni Kimberly.

"Si Keith nga yung namimiss ko ngayon. Si Joshua? Mamimiss ko? O come on."

Nagsasalita na sya magsalita habang kausap yung stuff toy nya na pinangalan nyang 'Popoy'.

"Popoy what to do? Tell me!"

At niyakap nya ng mahigpit si popoy at pumikit.

"Si Keith lang. Si Keith lang mahal ko that's it. Bukas harapin mo si Keith and tell him how much you love him. Okay Kim? Got it!"

(Baliw sya, kinakausap ang sarili magisa. Tanong nya sagot nya, we all know that kind of person.)

--

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon