Extra Chapter

851 20 0
                                    

"B-brother??"

"Yes! He's actually my twin brother."

TWIN??? Bigla kong inalala yung itsura ni Stan.

"E hindi naman kayo magkamukha eh!"

"Twin brother ko sya pero magkaiba kami ng tatay."

WHUT? Pwede ba yun???

"Pwede ba yun? Kambal kayo tapos magkaiba kayo ng tatay?"

Hindi pwede yun diba? Pag kambal means sa isang tatay lang dapat sila nagmula diba?

"Hindi ako nagbibiro. May nakaone night stand ang mama ko nung ipinagbubuntis nya ko, mahirap man paniwalaan pero totoo sinasabi ko. Hindi sya tanggap ni Papa dahil hindi nya kadugo si Stan kundi ako lang ang lumabas na kadugo ni Papa kaya ako lang tinanggap nya. Pinaampon ni Papa si Stan kahit labag kay Mama, ang alam ko nasa amerika sya ngayon pero bakit nandyan sya?!"

Processing..

Processing..

Processing..

"Okay, so kapatid mo sya talaga?"

"Hindi ko sya tinuturing na kapatid."

"Bakit? Mukha namang mabait si Stan, Josh. Ba't parang takot na takot kang mapalapit ako sakany--"

"Nakasama ko syang lumaki hanggang sa mag10 years old kami. Palagi ko syang kaaway sa atensyon ni Mama, ayaw na ayaw nyang nakukuha ko atensyon ni Mama kaya lahat ginagawa nya para lang masolo si Mama. Binubully nya ko at may iba pa syang ugaling hindi mo magugustuhan. He even pointed a knife towards me at sinabing layuan ko si Mama. Yun ang naging rason kung bakit pinaampon sya ni Papa sa ibang pamilya dahil natatakot sya na kung ano pang kayang gawin ni Stan sakin dahil sa pagseselos nya sakin."

"Wow. Pero ang bait nya tala--"

"HINDI SYA MABAIT OK?! Ano sa tingin mo kaya nyang gawin pang nalaman nyang may kaugnayan ka sakin at girlfriend pa kita?! Fvck!! *narinig kong may tinumba syang mga gamit* Kailangan ko umuwi dyan."

"Hindi pwede kakasimula pa nga lang ng first sem. Don't worry lalayuan ko sya."

He chuckled.

"Kilala kita Kim, ganyan din sinabi mo kay Keith nung kayo pa tapos ginugulo kita diba? Anong nangyari? Nalayuan mo ba ko? Diba hindi?"

Bigla akong nawalan ng gana sa sinabi nya. Bakit kailangan nyang ibrought up yun?

"So, wala kang tiwala saken?"

"Meron pero iba si Sta--"

"Edi magtiwala ka! Walang pero pero! Lalayuan ko naman sya gaya ng sinabi mo, hindi mo na kailangang gawing example yung tungkol satin nila Keith dahil magkaiba ang sitwasyon na yon. Matutulog na ko, aasikasuhin ko pa si Heather sa labas. Goodnight."

"Pri--"

*Call ended*

Sya naman binabaan ko. Napakagat labi ko sa mga sinabi nya, hindi ako makapaniwalang yung tungkol samin ni Keith ang naisip pa nyang gawing example. Grabe. Parang sinabi nya naring madali akong matukso.

Binato ko sa kama ko yung phone ko at lumabas sa sala. Nandun parin si Heather at nagpapatugtog sa musicbox ko.

Lumapit ako sakanya at pinatay yung musicbox.

"Hey!"

Natigil sya sa pagsasayaw at tinaasan ako ng kilay. Umupo ako sa sofa at nilapag ang mga paa ko sa lamesa.

"May kambal si Josh."

Maikling sabi ko at tumalon naman agad si Heather patabi sakin halatang good news para sakanya yung sinabi ko.

"Seryoso!? OMG! Sino??? I want to meet him! Waah! Tag-isa na tayo ng Joshie! KYAA!!"

Tili sya ng tili habang nakakapit sa braso ko. Nilayo ko naman ulo nya sakin gamit dalawang daliri ko.

"Yung seatmate ko."

"Sinong seatmate?"

"Sya yung kakambal ni Josh."

Naeewan parin yung reaksyon ni Heather na parang hindi nya magets sinasabi ko.

"Teka sino bang katabi mo?"

Tumayo ako at napakamot ulo.

"Ay nako Aragon, bukas na nga lang. Gabi na umuwi kana hatid paba kita?"

"Eeeeh sino muna yung kakambal ni Josh??"

"Bukas na nga lang makikita mo kung sinong katabi ko, sya yung kakambal ni Josh ok? Hahatid paba kita o hindi na?"

"Excited na ko pumasok bukas! HAHAHA! Patay ka sakin Joshie's twin brother! You're mine! HAHA! Wag mo na ko ihatid natext ko na driver ko papasundo nalang ako. Anyway thanky sa damit! Seriously, ano to pambahay o pangalis? Can't tell the difference."

Napanganga ko sa sinabi nya. Pang-alis yung binigay ko sakanya tapos sasabihin nyang pambahay at can't tell the difference?!! E kung sipain ko kaya sya pauwi sakanila??

"Lumayas kana nga dito! Kung ayaw mo gamitin yan amina!"

Inaagaw ko sakanya yung damit ko pero ayaw nya bigay.

"It's a joke! Hahahaha! I have to go na nandyan na si George. Bye!!"

Nagwave sya sakin at nagkunwari na namang nagbeso beso sakin sa hangin. Sinara ko yung pinto at tumalon ako sa sofa.

Ganun ba talaga ka-sama si Stan? Parang ang over naman ng kwento ni Josh. Tsaka paano ko lalayuan yun e seatmate ko nga sya?

--

Gotta Have HerWhere stories live. Discover now