EPILOGUE

1.9K 36 2
                                    

6 YEARS LATER

Kimberly's P.O.V

"Xander, please stay still." Pagmamakaawa ko sa 5 years old kong anak na lalaki. Pangalawang beses ko na syang pinapaliguan ngayong umaga dahil dumi sya ng dumi tuwing pagkatapos ko syang pakawalan sa kakapunas ko sakanya.

"Ayan tapos na, wag na makulit ha? Kundi paliliguan ulit kita, kiss na si Mommy." Ngumuso naman sya sakin at kiniss nya ko sa lips. Binalot ko sya sa blue fluffy towel nya at naglakad naman sya agad palabas ng banyo.

"Xander, wait for your sister." Pigil ko pero nakalayo na ata sya sa banyo.

"Mommy, where's daddy?" Tanong naman sakin ng limang  taong gulang ko ring anak na si Sammy. Kambal sila ni Alexander, matanda lang ng 5 minutes si Xander sakanya.

"Daddy's at work baby. Come here." Daddy's girl si Sammy. Palagi nyang hinahanap ang daddy nya lalo na pag nagaaway sila ni Xander, nagsusumbong sya agad kay Josh. Sya naman ang pinupunasan ko at binuhat sya palabas ng banyo.

"What color do you want to wear, Sammy? Blue, yellow, purple or Pink?"

"Pink Mommy! Pink!" Sagot nya habang nakataas pa ang kamay nya habang hubo't hubad pa sya. Natawa nalang ako sa bunso ko, pinulbuhan ko sya at pinahiran ng baby lotion saka sya binihisan.

Tinalian ko ang kulay mais nyang buhok bago ko sya pinakawalan dahil atat na atat na syang maglaro.

"There. Wag magdudumi okay? Darating na si Daddy later."

"Yes Mommy." Niyakap nya ko sabay ngumuso sya sakin, kiniss ko sya at hinayaan na syang maglaro sa baba.

Bumalik ako sa banyo para ayusin yung mga pinaggamitan ko sa pagpapaligo sa dalawa ng maalala ko si Xander na hindi ko pa pala nabibihisan. Binitawan ko agad yung mga shower duck na hawak ko at hinanap si Xander.

"Xander, where are you?" Tumingin ako sa kwarto nilang magkapatid pero wala sya dun. Nasaan na ang hubad na bata na yun.

Bumaba ako sa hagdan at nakita ko namang buhat buhat na ni Stanley si Xander.

"Here's little troublemaker. Tumakas ka na naman sa mommy mo no?"

"No, Tito Stan. I was just playing." Malambing na sagot ni Xander.

"While naked?"

"Mommy said I can play so I ran." Nagtawanan naman kami ni Stan sa sagot ni Xander. Binihisan ko si Xander habang buhat buhat sya ni Stan at ng matapos ko na syang bihisan tumakbo na ulit sya para maglaro.

"Ano kaya mo pa?" Natatawang tanong ni Stan sakin.

"Araw araw na kasama ang dalawang kambal? Nako kayang kaya. Haha, gusto mo ba ng juice? Napadalaw ka dito nasaan si Camille?" Who's Camille? She's Stanley's wife. Makalipas ang isang taon na nangyari nun sa simbahan, nakilala nya si Camille na isa mga kaibigan ni Jiro. Nagkamabutihan, naging sila at makalipas ng dalawang taon nagpakasal din sila. Kami ni Joshua? Nagpakasal din kami nung araw ng kasal din dapat namin ni Stan, may alam syang simbahan nun na nagkakasal on the spot kaya kahit walang mga bisita o ano pa man nagpakasal din kami nung araw na yun. Ilang taon din nakalipas bago kami magkaayos ayos na tatlo, natagalan pero atleast ngayon masaya na kami.

Naglakad kami papunta sa kusina at pinagtimpla sya ng juice.

"Ayun may kailangang asikasuhin kaya umuwi muna ng Canada. Si Josh?" Sagot ni Stan habang ikinukuha ko sya ng baso.

"Nasa trabaho, pauwi narin siguro yun. Mango o Orange?"

"Mango." Sagot nya sabay ngiti sakin.

"Lakas din ng dugo namin ni Josh no? Kambal din naging anak nyo. Kamukhang kamukha namin ni Josh si Xander hahaha!" Tama magkakamukha talaga silang tatlo. Para ngang anak nila ni Xander, one time nga nung pinasyal nila ni Josh si Xander, napagkamalan silang gay couple at si Xander daw ang anak nila. Simula nun hindi na sila umulit na silang tatlo lang magkakasama, natrauma na sila ni Josh na matawag na gay couple haha.

Gotta Have HerWhere stories live. Discover now