Gotta Have Her (94)

748 15 0
                                    

FAMILY DINNER

Bumaba kami ni Stan dahil kinatok na kami ng Maid nila. Nagpalit ako ng damit bago kami bumaba at ganun din si Stan. Pagbaba namin iba't ibang putahe yung nakahain sa lamesa, hindi ko nga alam kung anong tawag sa mga pagkain na yun. Bihira ang kanin sakanila kaya purong meat ang kakainin namin. Inurong ni Stan yung upuan ko at inurong nya din yung upuan sa tabi ko para magkatabi kami. Sa dami ng pagkain, hindi ko alam ilalagay ko sa plato ko kaya si Stan na umasikaso ng pagkain ko.

"Aww, you look good together. Hindi na ko makapagantay sa kasal nyong dalawa. Saan nyo ba napagdesisyunan na magpakasal?" Panimula ng Mom nya. Napatingin naman sakin si Stan kasi actually wala pa kaming napaguusapan patungkol sa kasal.

"Actually Mom, wala pa kaming napaguusapan about sa wedding but I think sa pilipinas kami magpapakasal dahil nandun ang family ni Kim at mga kaibigan namin." Sagot ni Stan habang tahimik naman akong sumusubo ng beef na hindi ko maintindihan yung lasa basta slice lang ako ng slice.

"Ganun ba well kung ganun ngayong nandito narin kayo, ako na ang bahala sa lahat ng preparation sa kasal at lalong lalo na sa wedding gown na gagamitin ni Kim." Pumalakpak pa ang Mom nya halatang halata na excited sya sa paghanda ng kasal namin. Ngumiti naman ako sakanila, wala akong masabi kundi sang ayon lang ako ng sang ayon sa pinaguusapan nila.

"Bukas na bukas, pupunta dito ang wedding planner at ang magsusukat para sa wedding gown. At kayong dalawa I don't want you both to stress yourselves. Your Father and I will handle everything." Nakangiting sabi ng Mommy nya. Tumingin sakin si Stan at hinawakan yung kamay ko. Ngumiti naman ako sakanya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Usap parin sila ng usap about sa kasal, anong klaseng design ng wedding gown, yung magiging venue, yung susuotin ng mga flower girl and such. Napagusapan pa kung sino yung best man ni Stan, hindi ako makapaniwalang hindi si Joshua ang napili nya kahit kakambal at kapatid nya si Josh. Bestfriend nya yung napili nya which his name is Glenn. Yung sakin syempre sila Heather, Chloe, Trixy and Tonette. Hindi sila pwedeng mawala sa kasal namin ni Stan pati narin syempre sila Jiro, Clyde, Keith and Michael. They didn't even know na engaged na kami ni Stan, sasabihin ko palang sakanila.

After ng dinner namin lumabas muna ko at nagpunta ng garden. Gusto akong samahan ni Stan but I refused. Gusto kong mapagisa at isipin ang lahat. Ang ganda ng mga bulaklak, kahit hindi pa ko ganun nakakalapit sa garden amoy na amoy mo na yung bango roses. Sinubukan kong hawakan yung isang roses pero natusok ako ng tinik. Nagdudugo yung daliri ko pero tinitingnan ko lang yun, hindi ko sinisipsip o pinupunasan. Pinagmamasdan ko lang yung dugong tumutulo sa damuhan. Somehow kahit na ang lalim ng pagkakatusok nung tinik sa daliri ko parang hindi ko sya nararamdaman. Hindi sya masakit, actually parang wala lang, ba't wala akong maramdaman? Simula ng sagutin ko yung pagpopropose sakin ni Stan naging ganito na ko.

Malalim yung iniisip, nagiging manhid at pakiramdam ko palaging may mali. May kulang na parang sa lahat ng pintong nakikita ko, may tao akong inaantay na pumasok at itakbo ako palayo sa sitwasyon nato.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon