Gotta Have Her (62)

733 20 1
                                    


Stanley's POV

FOODFEST

Usapang kanin at ulam sa campus ngayong araw. Labanan ng mga feeling chef na katulad namin ang meron ngayon. Sumali kaming lahat ng mga kateam ko sa basketball sa foodfest dahil sumali din yung team nila Kim sa volleyball. Syempre hindi kami papatalo.

Sinigang na Hipon yung napili naming lutuin. Si Keith ang pinagsearch ko kung pano yun lutuin at kung ano ano ang mga sahog na gagamitin. Si Clyde naman ang namalengke saming lima dahil may-ari naman sila ng Supermarket.

"Pre! Ang daming buhok nung mga hipon! Ginugupit ba yon??"

"Tanga! Sa dami nyan gugupitan mo yan isa isa?!"

"Bakit kase may mga oxygen pa tong mga to?! KAKAININ NATEN TO HINDI AALAGAAN HINAYUPAK KA!"

"TANGA! PARA FRESH!"

Si Jiro naatasang asikasuhin yung mga hipon pero kanina pa sila nagsisigawan ni Clyde ng dahil sa hipon.

"Dapat kase nagbaboy nalang tayo, sino ba kasing may sabing maghipon tayo?"

Nagtinginan silang lahat sakin at pinagbabato ako ng pechay.

"LOKO! IKAW MAY GUSTONG HIPON DIBA?!"

Ay ako pala hahahaha. Ang gulo ng table namin samantalang pagtingin ko sa table nila Kim, ang ayos ayos lahat. Hindi sila nagsisigawan at tahimik lang silang naghihiwa ng mga gulay. Kare kare yung napili nilang lutuin. Nakasalang na nga yung kanila samantalang kami nagsisigawan pa.

"Ang tagal nyo naman! Gutom na ko!"

Paglingon ko bumulaga sakin si Michael na kanina pa natataranta at binato ako ng sibuyas.

"Tangina mo kase tumulong ka! Hiwain mo yang sibuyas!"

Natawa ko sa expression ng mukha nya, galit na galit eh haha kinuha ko yung sibuyas at kumuha ng kutsilyo.

Una kong tinanggal yung unang layer ng sibuyas tsaka ko sya hiniwa sa gitna. Naaamoy ko palang yung sibuyas sumasakit na yung mata ko. Shit naiiyak ako! Tumalikod agad ako sakanila sabay punas ng panyo sa mata ko.

"Stan! Yung sibuyas ok na ba? Kailangan ko na!"

"Magintay ka nagaapron pa ko!" Palusot ko.

"Loko! Maghihiwa kalang hindi mo kailangang magApron!"

"E gusto kong magApron bakit ba!"

Nagsisigawan na naman kami ni Michael ng sumabat naman si Jiro na may panyo na sa ulo na parang magsasaka at nakasuot nadin ng apron.

"TANGINA NYO WALA KAYONG KARAPATANG SUMIGAW DAHIL HINDI KAYO YUNG NAMOMORBLEMA SA MGA BUHAY NA HIPON NA TO! SABIHIN NYO NGA PANO KO PAPATAYIN ISA ISA YON?!"

Nagtawanan kaming lahat kay Jiro ng magsilapitan naman samin yung team nila Kim at pinagtawanan ang mga itsura naming mga nakaApron na pink.

"Ang cucute nyo! Hahahaha!"

Sigaw ni Tonette sabay tawanan na naman nila samin.

"Amina nga, hirap na hirap ka dyan eh hindi kasi dapat ganyan yung paghihiwa ng sibuyas."

Kinuha sakin ni Kim yung kutsilyo at mabilis nyang nahiwa ng sunod sunod yung mga sibuyas.

"Girls, tulungan na natin sila baka mamaya pa matatapos ang mga to."

Nagnod sila kay Kim at kanya kanyang tinulungan kami sa pagluluto. Si Heather tumulong kay Jiro. Si Tonette kay Michael tumulong, si Chloe kay Clyde at si Trixy naman kay Keith. Si Kim? Syempre sakin, hindi ko papayagang sa iba sya tumabi no.

Mayamaya nakasalang na yung sinigang na hipon, inaantay nalang naming kumulo.

"Hindi pa ba luto?"

"Hindi pa."

"Ang tagal naman, pwede patikim?"

Natawa sakin si Kim kaya inabot nya sakin yung sandok at kumuha ako ng sabaw sa kaldero.

"Sarap!"

"Talaga?"

Kumuha pa ko ng sabaw para ipatikim kay Kim yung sabaw hinipan hipan ko muna bago ko ipatikim sakanya pero ayaw nya, lumalayo sya kaya nagpout ako sakanya na hindi naman nya natiis kaya tinikman nya rin.

"ANG ASHIM!!!"

"Maashim?" Tanong ko pa habang natatawa ako sakanya.

"MAASHIM!"

Nagtawanan kaming lahat sa reaksyon ng mukha ni Kim. Tsaka ko lang din napansin na by partners na kaming lahat at busy sa kanya kanyang partner.

"Picture picture tayo guys!"

Inabot ni Tonette yung camera sa kaklase namin at pinapictureran kaming lahat na magkakapartner habang nakaakbay kaming mga boys sa mga girls at nakawacky kaming lahat na humarap sa camera.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon