Gotta Have Her (89)

790 16 0
                                    

"Hindi ko magawang kalimutan ka, sabihin mo lang kung ayaw mo na sakanya babawiin kita."

Last words from him and then he left. Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi nya, pag ayaw ko na kay Stan? Paano ko magagawang ayawan si Stan? He's so damn perfect. Wala kang makikitang hindi mo magugustuhan sakanya, but still hindi nya magawang palitan si Joshua sa puso ko.

"Kim?" Kanina pa pala ako tinatawag ni Stan. Nandito na kami sa bahay nila Clyde at sa dami ng tao dito, nagmumukha ng club yung bahay nila. Nasa may swimming pool naman kami nakatambay ni Stan at nagpapahangin.

"Y-yes?"

"You okay?"

No.

"O-oo, ano nga yung sinasabi mo ulit?"

"I'm wondering if you would go with me to visit my parents in Canada. Gusto kana talaga nilang makilala."

Don't get me wrong mahal ko si Stan, at hindi ko sya kayang saktan.

Ngumiti ako bago ko sya sagutin at hinawakan ang mga kamay nya.

"Sure, kailan ba?"

"Well, kung handa kana bukas eh di bukas haha."

"Agad agad?"

"Why wait?"

Nagnod ako sakanya sabay halik na naman nya sakin. He really love kissing, kahit public hindi sya nahihiyang halikan ako. Well, hindi rin naman ako nahihiya dahil mahal ko naman yung humahalik sakin.

"Oh Kim, is that water? Come on, once in your life drink a real beer or wine whatsoever! You should have fun! Here." Binigyan ako ni Clyde ng tequila, ganyan yan pag nalalasing nagiingles ng di oras.

Tiningnan ko naman si Stan bago ko kunin yung baso at nagnod sya sakin. Nagsmile ako at ininom sa isang lagukan yung tequila.

"Whoo!" Nakataas pa yung kamay ko pagkatapos ko uminom. Ito yung kailangan ko.

Nagtawanan sila sakin at humingi pa ulit ako ng ilang shots. Gusto ko magpakalasing gaya ng sabi ni Clyde, we should have fun right?

"Puntahan ko lang si Heather ha?" Paalam ko kay Stan.

"Kaya mo ba?" Oo may tama na ko pero alam ko pa naman ginagawa ko. Nagnod ako sakanya sabay pasok ko sa sala nila Clyde.

"Hi bitch!" Bati sakin si Heather habang tinataas nya yung basong may lamang beer.

"Yeah right, Hi. Um.. Jiro can I borrow your girlfriend for a minute?" Paalam ko kay Jiro dahil hawak hawak nya sa bewang si Heather.

"Yeah sure." Inikot nya muna si Heather at hinalikan nya to sa harapan ko. No worries sanay na ko sakanila pero tumatagal na yung kiss nila.

"E-ehem." Tumigil naman sila at ngumiti sakin. Hinila ko agad si Heather paakyat sa taas para dun kami magusap. Sa balkonahe kami pumunta sabay sarado ko ng pinto at nagsalita agad ako.

"Joshua and I kissed."

*BOOGSH!*

Nabuga nya yung iniinom nyang beer.

"What?!" Dumungaw naman ako sa baba kung may nabasa sya sa baba, buti wala naman.

"When? Where?!"

"Kanina pagkatapos nung graduation ceremony." Pagkasabi ko nun hinampas nya ko habang tumatawa sya.

"You dog! Akala ko ba tapos na kayo?"

"Akala ko rin e, tapos bigla nyang binrought up na babalik na sya ng states which is yun na nga nandun na sya sa states ngayon."

"And? Baka naman natukso lang kasi nga aalis na sya at kailangan ng goodbye kiss?" Sya naman hinampas ko.

"It's not just a freakin' kiss!"

"Fine fine. So, you guys kissed at kayo padin ni Stanley. It's been 2 years since naging kayo, pero may something ka padin kay Josh?"

"Yes. Well hindi lang naman ako sya din sakin! Pero umalis padin sya! Anong ibig sabihin ng kiss na yun?!"

"Ewan ko, para sayo ba anong ibig sabihin ng kiss na yun?"

"Everything. It means everything."

She sighed.

"Do you love him?"

"Yes."

"Does he love you?"

"The last he said hindi nya daw ako makalimutan at sabihin ko lang daw sakanya at handa nya kong bawiin kay Stan."

"God, it's like highschool all over again. Ganyan din sinabi nya sayo nung kayo pa ni Keith right? Anyway, follow your heart Kim. Hindi kita kayang diktahan kung si Stan o si Joshua ang piliin mo, nasa sayo yan at hindi ka dapat nanghihingi ng opinyon ng iba kung sino ba dapat piliin mo sa dalawa. Puso mo yan, ikaw dapat magdesisyon. Pero minsan baka malay mo kiss lang talaga yun at ikaw lang nagbibigay ng meaning. But then AGAIN, kinukulong mo na naman yang sarili mo sa sitwasyong matagal ng tapos, paano ka makakamove on?" She pat my shoulders and left.

Natauhan ako sa mga sinabi nya, tama sya eto na naman ako sa sitwasyon na kailangan kong pumili sa dalawa. Kiss..baka nga nagooverreacting lang ako. Kung talagang mahal nya ko dapat hindi sya aalis diba? He keep saying things pero hindi nya kayang pangatawanan. Maybe, just maybe It was just a kiss.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon