Gotta Have Her (56)

734 19 0
                                    


The next day pagdating ko sa school, lahat ng makakasalubong kong estudyante kung hindi ako nginingitian, kinakawayan at nakikipagapir sila sakin. Weird.

Pagdating ko sa 4th floor walang tao. May program ba ulit? Tapos na intramurals eh. Naglakad ako papunta sa room at pagbukas ko ng pinto..

"SURPRISE!!"

Lahat ng kateam ko sa volleyball at mga kateam ni Stan sa basketball ang bumungad sakin. Yung iba nakaparty hat pa at may tororot ba yun. May mga confetti pa silang sinaboy sa pagpasok ko at may cake sa harapan na hawak naman ni Stan, lumapit silang lahat sakin at sinuotan pa ko ng party hat ni Clyde.

"Anong meron?"

"PARTY! Hindi ka nakadalo sa victory party namin kagabi para sayo kasi diba naknockout ka?"

Sagot sakin ni Tonette kateam ko sya sa volleyball. Nandito din si Keith pero hindi ko makita si Heather. Sya pa naman yung gusto kong makita.

"Ay sorry naman daw diba?" Sarcastic na tanong ko at tawanan silang lahat sakin.

"Oh mamaya sa cafeteria natin titirahin tong cake ah? walang mawawala sa mga nandito ngayon guys!"

Sigaw naman ni Jiro (kateam ni Stan) na parang nagaannounce. Nagsiupo na kami sa kanya kanyang upuan dahil parating nadin prof namin.

"Nagustuhan mo ba surprise namin para sayo?" Tanong sakin ni Stan.

"Ikaw may pakana nito?"

"Naman. Para sa Snow White ko to no."

Nagglare ako sakanya.

"I mean, para to sa pagkakaknockout mo kahapon. Ang tindi eh hahaha!"

Ah ganon? Inapakan ko yung sapatos nya sa ilalim ng desk.

"Uy! Bago kaya yang sapatos ko."

"Oh? Edi pagmukhain nating luma!"

Pinagaapakan ko yung sapatos nya pero hindi ko mahuli kasi nilalayo nya. Nagtatawanan lang kami habang nagaapakan ng sapatos hanggang sa nakita kong dumating na si Heather.

"Aragon!"

Hindi nya ko pinansin, inirapan nya lang ako sabay upo sa dati nyang upuan sa harap.

"Problema nun?" Bulong ko pero narinig pala ako ni Stan.

"Sya nagbato ng bola sa batok mo kaya ka nahimatay kahapon. Hindi nga bato ginawa nya eh, spike."

Ano?! Tatayo na sana ako para lapitan sya pero hinawakan ni Stan yung kamay ko at pinigilan akong sumugod.

"May prof na, kausapin mo nalang mamaya."

Nagnod nalang ako sakanya at bumalik sa upuan ko. Nagcrossed arms at buong klase akong nakatitig sa upuan ni Heather. Ba't nya gagawin sakin yun? To think na bestfriend na ang tawag nya sakin diba? Ganun ba yung meaning ng bestfriends sakanya? Babatuhin mo ng bola? Tapos lalakasan mo pa talaga para sureball na manaknockout mo yung bestfriend mo?

Pagkadismiss samin ng prof namin kinuha ko agad yung gamit ko at sinundan si Heather sa baba. Pagkababa namin hinila ko sya sa restroom.

"Ikaw alam ko ng maldita ka at inborn na sayo yan pero ang batuhin ako ng bola kahapon? Anong problema mo?"

Panimula ko sakanya pero nakapamewang lang sya sakin at tinataasan ako ng kilay.

"What? You deserved it you traitorous bitch."

Wow. Normal na sakin yung sabihan nya ko ng bitch, pero  traitorous?

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Nasa sayo na si Joshua diba? Pati ba naman si Stan hindi mo man lang mabigay saken! Alam mong may gusto ako sakanya diba!"

"Bakit inaagaw ko ba sayo si Stan? Ako pa nga naglalapit sakanya sayo!"

"Wow really? Kaya pala ikaw ang chinicheer nya at hindi ako, at tuwang tuwa ka namang malandi ka!"

Akmang lalapit na sya sakin para sabunutan ako pero may pumasok sa pinto at pinigilan si Heather.

"S-stan?" Gulat na tanong ni Heather.

"Tama na Heather. Hindi ako nilalandi ni Kim at alam mo yan. Naghahanap kalang ng masisisi mo dahil sya yung napapansin ko at hindi ikaw. Hindi mo ba alam na sya pa ang nagtutulak sakin na idate ka? Mabait syang kaibigan, nung araw ng try out nyo naalala mo ba nung lumapit sya samin? Humingi sya ng pabor sakin na icheer ka para galingan mo sa try out dahil pansin nyang malungkot ka."

Hindi makapaniwala si Heather sa mga sinabi ni Stan kaya napatingin sya sakin at akmang lalapitan ako.

"I'm sorry Bitc--"

Lumabas ako ng restroom bago pa sya magkapagsalita. Uuwi nalang ako. Nang dahil sa lalaki nagkakaganyan sya, kaya nyang tiwalagin yung kaibigan nya ng dahil don? I had enough.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon