Gotta Have Her (91)

251 5 0
                                    

Kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko. Naparami ata yung inom ko kagabi at ang lakas ng sipa ng hangover ko ngayon. Kinapa ko yung phone ko pero wala sa ilalim ng unan ko. Napabangon ako ng di oras at hinalughog yung kama ko pero kahit baliktarin balibagin at iikot ikot yung kama ko wala talaga yung phone ko. Umupo ako sa kama ko at inalala yung nangyari kagabi.

Pano ko nakauwi? Huling naaalala ko tumira pa ko ng beer pagkatapos ko uminom ng tequila.

*KRINGG!*

*KRINGG!*

Phone ko yun! Agad kong hinanap yung phone ko at nakita ko yun sa bulsa ng pants ko na suot ko kagabi na nasa labahan na ngayon. Bigla kong napatigil at tiningnan yung suot ko. Nakashorts at sando na ko, wala naman akong natatandaang nagpalit ako.

"AHHH!!!"

Narinig kong may nagmamadaling umakyat ng hagdan.

"Anak anong problema?!" Si Papa hingal na hingal habang bitbit yung tasa ng kape nya.

"Pa! Sino nagpalit ng damit ko??"

"Boypren mo anak."

Si Stan?! Tumalikod ako kay Papa at sinilip yung panty ko. Dont...dont...oh please don't...

"AHHH!!!!!"

"Anak wag ka naman sumigaw! Ano bang problema??"

Bago na yung panty suot ko! Hindi ito yung suot ko kagabi sa party! Pinalitan nya din panty ko? Don't tell me may nangyari samin? Noooooo! I sob, pero di naman ako umiiyak. Acting lang.

"Wala po Pa, *sob* sige na po tuloy nyo na po yung pagkakape nyo sa baba."

"Sigurado kaba?"

"Opo Pa." Sabay subsob ko sa unan. Bumaba naman si Papa, pinalitan nya ko ng panty ibig sabihin nakita na nya yung...AHHHH!!!!

*KRINGG!*

*KRINGG!*

*Stanley calling..*

Ayokong sagutin. Ayokong sagutin. Ayokong sagutin.

(Reject)

I rejected the call.

*Beep.*

1 message received.

"Why did you rejected my call? Something's wrong??"

Yes. Hinubaran mo ko pati panty ko pinalitan mo!

*KRINGG!*

*KRINGG!*

(Rejected)

I rejected again.

*BEEP*

1 message received.

"If this is about you getting drunk last night It's ok. There's nothing to be shame about. I'm your boyfriend, I undestand."

Nanlaki yung mata ko. Shame about? Anong shame about?! Ano bang pinaggagagawa ko kagabi?!

I dialed his number and called him.

"Anong nangyari kagabi?! Tsaka bakit iba na yung suot ko? Blouse, shorts at panty ko? Sabi ni Papa ikaw naghatid at nagpalit sakin kagabi?! What did you do?!"

He's laughing.

"Wala ka talagang maalala?"

"WALA!"

"Hahaha! Ok um.. when you got drunk you started singing Run Away infront of everybody, pouring beer to them and shouting 'Partey!' Literally, you said PAR-TEY at pinaligo mo yung beer kaya pinalitan kita ng damit pagkahatid ko sayo kagabi."

"Oh, and you punched me in the face."

Holy mary and Jesus, what have I done?

"AHHH!!!! Nakakahiya!!"

Naririnig ko na namang tumatawa sya.

"It's ok haha, kakagraduate lang natin so kailangan magenjoy diba? And your panty, hindi ako nagpalit nyan. May wisyo kapa ata kagabi kaya sinuntok mo ko sa mukha nung panty na yung huhubarin ko sayo at pumunta kanang cr para ikaw magpalit ng panty mo sabay balik mo sa kama habang kumakanta kanta ka pa hahaha ang cute mo nga e hahaha!"

Napasampal ako sa mukha ko. NA-KA-KA-HI-YA.

"Babe, you there?"

"Ayoko na nakakahiya pinaggagagawa ko kagabi. Ayoko na lumabas!"

"Haha ok lang yun. Tsaka meron pa pala."

"MERON PA?!"

"Yes um..Bukambibig mo si Joshua habang umiiyak ka nung binibihisan kita. You even keep saying that you love him."

*SILENCE.*

*MORE SILENCE.*

*TOTAL SILENCE.*

"Um.."

He chuckled.

"Haha It's okay. Alam kong lasing kalang nun, dala lang yun ng alak diba?"

"Um.."

"Hindi mo na sya mahal hindi ba?"

"Um.."

"It's okay I understand. Anyway pack your things, we're going to visit my parents. I've already scheduled our flight tonight. See you babe I love you."

"I um...love you too."

*Call ended*
Sya na nagpatay ng phone.

Sinabi ko yun? Umiiyak pa? Tapos sa harapan nya pa? *Subsob sa unan* Wala na kong mukhang maihaharap sakanya.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon