Gotta Have Her (82)

791 21 1
                                    

"So, nandun sa bahay mo yung magkapatid nung sabado?"

"Oo."

Nasa cafeteria kami ngayon, kausap ko si Heather habang nagoorder ng pagkain sila Clyde.

"Details! Anong naangyari? Tsaka ba't nandun si Joshua? E si Stan? Edi ang saya sa bahay mo nun! Love triangle! Hahaha" Tumatawa tawa pa sya habang ako pakiramdam ko ayoko ng maulit dahil pinuyat ako ng dalawang yun.

"Basta pumunta si Josh para magsorry at out of nowhere dumating si Stan at yun, walang ibang ginawa yung dalawa kundi magbangayan."

"Hindi naman nagsuntukan?"

"Bakit sila magsusuntukan?"

"Anong bakit? Dalawang magkapatid yung nagaagawan para sayo! Sino ba pipiliin mo?"

"Si--"

Naputol yung sasabihin ko ng dumating na sila Stan dala yung mga pagkain namin.

"Ano pinaguusapan nyo?" Usyoso ni Trixy.

"Wala. Ang tagal nyo nama--"

Natigilan ako ng makita ko Joshua at Violet na nasa likod nila Stan at may dala din ng pagkain nila.

"Um..Kim they wanted to join us, Is it ok?" Tanong ni Chloe.

"S-sure. Ba't naman hindi?" Ngumiti sila sakin at sabay sabay na silang umupo. Tahimik ang lahat habang kumakain at walang umiimik.

*Silence*

"So! Um.. Walang mawawala sa party ko a!" Heather broke the silence.

"Oo ba! Syempre lahat kami invited wala talagang mawawala dun." Dagdag ni Clyde.

"Joshua and Violet, you guys are going right?" Tanong ni Tonette.

Tumingin naman agad ako sakanila at inantay yung magiging sagot nila.

"Yeah! of course. Joshua and I are going, right babe?" Sabay tingin ni Violet kay Josh. Nagnod naman sya habang sumusulyap sulyap sakin.

After naming kumain wala na kaming klase kaya naisipan naming tumambay sa court. May dalang bola yung boys at dala naman naming mga babae yung bola ng volleyball. Nagpalit kami ng mga jersey at nagsimulang maglaro. Si Joshua nakipaglaro din kila Stan, hindi ko alam na naglalaro din pala sya ng basketball. Hinati silang mga boys sa dalawa at 3 players by team. Magkalaban si Stan at Joshua, hindi kami masyado makapaglaro ng volleyball dahil nagiging mainit yung laban ng mga boys. Tumigil kami sa paglalaro at naging cheerleaders nalang sa kakacheer sakanila.

Na kay Stan yung bola at si Joshua naman ang nakaabang sakanya at inaagaw yung bola.

---

Stanley's POV

"Ano kaya mo pa?" Tanong ko kay Joshua habang pilit nyang inaagaw sakin yung bola.

"Ienjoy mo lang hangga't nasa sayo pa, wag mong antayin bawiin ko sya ulit sayo." Sumeryoso yung mukha ko, alam kong hindi na bola ang pinaguusapan namin dito.

I chuckled habang dinidribble yung bola.

"Oh? ba't di mo maagaw ngayon? Mahirap ba?" Nginisian ko na sya habang pilit nyang inaagaw sakin yung bola.

"Wag ka magalala, nagsisimula palang ako." Biglang bumilis yung galaw nya at naagaw nya sakin yung bola na agad ko namang hinabol sakanya at naagaw ulit sakanya yung bola sabay three point shot ko at shoot!

"Whoo!! Stanley! Stanley! Stanley!" Cheer nila Tonette sakin pero si Kim pumapalakpak lang. I wonder kung sinong chinicheer nya samin.

Round two nasa akin na naman yung bola at inaagaw sakin ni Josh yung bola.

"Ano pagod kana? Sumuko ka nalang Josh, hindi mo na sya maaagaw sakin." Nakita ko pang tumawa sya sakin.

"Sigurado ka?" Bumilis na naman yung kilos nya at naagaw sakin yung bola sabay pasa nya ng bola kay Jiro at nashoot naman ni Jiro yung bola.

"KYAAA!!!! GO BABY JIRO KO!!! WAAH!!" Sigaw ni Heather, syempre boyfriend nya yung nakashoot e.

"Wag kang pakampante, lahat ng bagay naaagaw sayo." Bulong pa nya sakin.

"Kaya ba kahit may asawa kana nakikipagagawan kapa? Hindi mo ba naisip na baka sya mismo ayaw ng magpaagaw sayo?" Natigilan sya sa sinabi ko at humiwalay na sakanya at nilapitan si Kim. Inabutan nya ko ng tubig at face towel sabay apir sakin.

"Ok lang yan, lamang naman kayo e cheer up!" Natuwa ko sakanya kaya nung yayakapin ko na sya lumayo sya sakin dahil puro basang basa ako ng pawis.

"Oy! Isa Stan, basang basa kanang pawis wag kang lalapit sakin!" Hinahabol ko parin sya at takbo parin sya ng takbo habang nagtatawanan na kami.

Sumulyap naman ako kay Joshua na kasalukuyang nakatingin ng masana samin habang pinupunasan sya ng pawis ni Violet.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon