Gotta Have Her (44)

802 20 0
                                    

"Pwedeng umupo?"

Nagnod ako sakanya at umupo naman sya agad. Inayos nya yung gitara nya na para bang maggigitara sya.

"Akala ko nakauwi kana."

"Papahangin lang."

"Ah."

*Silence*

*More silence*


*Total silence*

"San ka nagelementary?"

Naweweirduhan na ko sakanya, kung ano ano tinatanong nya sakin.

"SSES." Matipid na sagot ko.

"SSES?"

"St. Shepperd Elementary School."

Hindi sya nagsalita after ko syang sagutin kaya tumingin ako sakanya. Paglingon ko naman sakanya nakatitig lang sya sakin na parang gulat na gulat.

Winave ko yung kamay ko sa mukha nya para syang inatake sa itsura nya.

"Huy, ok kalang?"

"Ah eh um.. oo! Hehe! a-alis na ko, may ga-gawin pa pala ako hehe! B-bye!"

"O-okay?"

Nagkandapa-dapa sya sa pagmamadali, pati yung gitara nya bumunggo bunggo na sa puno wala syang pakialam. Problema nun?

Sumandal ako sa puno habang ipinikit ko ang mga mata ko. Sarap talaga ng hangin, ito na nga gagawin kong tambayan. Kinuha ko yung ballpen ko at inukit sa puno yung pangalan ko.

K--I--M

"Yan. Mr. Puno nakikita mo ba yan? Akin kana ngayon ha? Wag kang magpapaupo ng iba dito okay?"

Ok baliw na kung baliw. Hindi na mainit kaya napatingin ako sa relo ko at nakita kong mag aala singko na. Tumayo ako at nagpaalam kay Mr. Puno.

Nilabas ko yung earphone ko, nilagay sa tenga ko at nakafull volume din yung phone ko.

Last year, pag ganitong oras madalas akong hilahin ni Josh sa bilihan ng kwek kwek at ihahatid nya ko pauwi. Ngayon, wala ng humihila sa kamay ko sabay halik sa pisngi ko. Wala na ring maghahatid sakin pauwi, wala naring kiss goodbye bago ako pumasok ng gate. 3months palang nakakalipas, 45 months to go! Langya ang tagal, feeling ko ngayon taon na kaming hindi nagkikita. Kaya ayoko ng LDR e, hindi ko sya nakikita, hindi ko sya nababantayan. Ngayon may kasama syang babae, kung nandun lang siguro ako natarayan ko na yung babae. Feeling ko hawak hawak nya yung braso ni Josh ngayon at feel na feel kasama ang boyfriend ko. Nakakaloka, sarap manapak!

Paglabas ko ng gate nakita ko ulit si Stan, sumakay sya sa--Wow. Limousine, sumakay sya sa limousine. May nagbukas pa nga para sakanya ng pinto. Ay.. ikaw na mayaman koya. Pagandar nung limousine napansin kong may maliit na flag pa sa harapan, bat may flag yun? Parang sasakyan ng mga royal families, bongga.

Tinanggal ko na yung tingin ko sa limousine, at naglakad na ulit palabas ng makita kong may nagsasabunutan sa kabilang kalye.

"Uy pre may away! Tara punta tayo dun!"

Narinig kong sabi nung isang kapwa ko studyante sa likod ko.

"Away babae daw! Tara mga freshmen daw!"

Oh? kabatch ko pa? Gusto ko sana makiusyoso kaso wala ko sa mood, diretso akong naglakad ng marinig kong nagsisigawan na yung nagaaway dun.

"Walanghiya ka! Malandi ka! Kebago bago mo palang nilalabas mo na agad yang pagkamakati mo! Pati boyfriend ng iba pinuntirya mo!"

*Students murmur*

Nagsabunutan ata ulit kasi nagcheer yung mga studyanteng nakikiusyoso. Mga lalaki pa nanonood hindi nila pinipigilan, tuwang tuwa din sila e. Away babae ba naman.

"Excuse me bitch! He didn't say that he has a girlfriend! He kissed me first! Kasalanan ko bang hindi loyal sayo boyfriend mo?! Tsaka mananalamin ka ha? Kitang mas maganda ako sayo!"

Napatigil ako sa huling nagsalita, parang kaboses ni-- Lumingon ako sakanila at tinitigang mabuti yung kasabunutan nung isang babae. Ang gugulo na ng buhok nila at ng maaninag ko ng mabuti yung mukha nung huling nagsalitang babae...

"Aragon???"

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon