Gotta Have Her (53)

743 21 0
                                    


"Gabi na ba't nagiisa kapa?"

Para gusto ko syang sagutin na 'Ang tagal ng panahon ah, ba't buhay kapa?' Pfft, bitter.

"Um.. naglalakad lakad lang ikaw ba?"

Ngumiti sya at sumandal sa sasakyan nyang nakaw pansin sa sobrang kintab.

"Pauwi na sana ako ng makita kita dito. Pauwi kana ba? Hatid na kita."

"H-hindi na kaya ko naman magtaxi."

"Wala ng taxi ngayon, masyado ng gabi. Halika na sumakay na."

"Hindi na salamat nalang."

"Kim, wala akong gagawing masama sayo ok? Gusto lang kitang maihatid ng ligtas sainyo that's it. Please?"

Pagkatapos nyang magsalita nilahad nya yung kamay nya at binuksan yung pinto ng kotse nya. Ok narin siguro to, tipid ng pambayad ng taxi.

Ngumiti ako sakanya at inabot yung kamay ko sa kamay nya. Inalalayan nya ko papasok ng kotse at sinarado yung pinto. Umikot sya at umupo narin sa driver's seat. Nginitian nya ko bago nya pinaandar yung sasakyan.

*Silence*

"So, um..kamusta kana?" Panimula nya.

"Ayos lang, ikaw?"

"Eto nagaaral kung pano magmanage ng business nila Papa. Alam mo naman yung business namin diba? Atat sila Papa na makatapos na ko para ako na mamahala."

Car business ang meron sila Keith, mayaman ang pamilya nya though lahat ng kapatid is nasa states at sya lang ang bunso kaya sya nalang ang natitirang mamamahala ng business nila. Nagnod lang ako sa mga sinasabi nya, wala ko masabi eh kayo ng mayayaman diba?

"Kamusta kayo ni Joshua?"

Ayun LDR kami, 4years syang maglalagi dun habang ako nandito nagaantay sakanya.

"Ayos lang din." Ayoko magkwento sakanya.

"Ah."

*Awkward Silence*

"Balita ko nasa states sya."

Napalingon ako sa sinabi nya. Alam naman pala nya ba't tanong pa sya ng tanong kung kamusta relasyon namin ni Josh?

"Alam mo naman pala ba't nagtatanong kapa." Lumingon ako ulit sa labas ng sasakyan, ayoko syang titigan.

"Wala lang, gusto ko lang naman malaman kung kaya mo maghintay sakanya ng ganung katagal."

"Kaya ko."

"Hindi mo kaya."

"Kaya ko."

"Kim, hindi mo kaya. Remember nung tayo pa? 2years naging tayo tapos konting pagpapapansin lang sayo ng Joshua na yan hindi mo man lang nagawang layuan? What more ngayon na 4years syang mawawala at nakaabang sayo si Stan na kapatid nya?"

Bigla akong napalingon sa sinabi nya.

"Alam mo!?"

"Kaibigan ng kuya ko sa states si Stan kaya nakwento nya sa kuya ko lahat ng tungkol sa kakambal nyang nandito sa pinas."

Hindi ko alam sasabihin ko. Alam nya yung tungkol sa dalawang kambal at pwede nyang sabihin anytime kay Stan.

"Itigil mo yung sasakyan."

"No."

"Itigil mo sabi eh!"

Pagkasigaw ko sya namang tinigil nya yung sasakyan. Lalabas na sana ko ng magsalita sya ulit.

"Kim, lumayo ka sa magkapatid sisirain mo sila. Magkakagulo sila ng dahil sayo."

"Anong alam mo Keith?!"

"Lahat Kim. Lahat alam ko! Dati na masaya tayo nung tayong dalawa lang nung hindi pa tayo ginugulo ni Joshua! Masaya tayo noon Kim, marami tayong pangarap! Balak nating magcollege sa parehong university diba?! Sabay tayong magtatapos at papakasalan kita! Pero ano nangyari ha? Konting landi sayo bumigay ka!"

*PAK*

Sinampal ko sya. Hindi ko kaya yung mga pinagsasabi nya, parang pinapalabas nyang kasalanan ko lahat. Sya yung nambabae samin, sya yung nahuli ko sa akto na nakikipagladian ng patalikod sakin tapos sakin nya isisisi lahat?!

"Wag mong isisi sakin lahat Keith, alam mo at alam ko kung paano tayo nasira. Noon pa man malandi kana, ilang beses na kitang nahuli diba? Nagkataon lang na kasama ko pa si Josh nung huling beses na nahuli kita. Ikaw sumira ng relasyon natin Keith, ikaw nagpabaya, irresponsable at naging mahina saten. Wag na wag mong ipapasok sa usapan natin nato si Joshua dahil kung tutuusin, mas lalaki pa sya kesa sayo!"

Lumabas ako at binagsak yung pinto ng sasakyan nya. Nagkataong may dumaang taxi kaya pinara ko yun at sumakay pauwi sa amin. Hindi ko mapigilan yung luha ko, naninikip na naman yung dibdib ko. Josh, kung kailan kailangan kita ngayon tsaka kapa nawala sa tabi ko.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon