Gotta Have Her (38)

790 25 0
                                    


Kimberly's POV

"Pa, bilis!" Sigaw ko kay Papa sa pagmamadali.

"Dala mo na ba lahat? Wala kanang nakalimutan?"

"Opo pa! Tara na po! Baka hindi ko na po maabutan si Josh!"

Nakaimpake ako, dala ko mga damit at gamit ko. Ayokong magisa dito at magantay ng apat na taon para antayin ang pagbabalik nya. Masyado yun matagal, hindi ko kaya. Gusto ko syang makita araw araw, ayokong malayo sya sakin kahit isang araw o linggong hindi ko sya nakikita parang taon na sakin yun. Sabi ng Mommy ni Josh kung talagang mahal namin ang isa't isa makakapag antay kami. Yes, I can wait dahil mahal na mahal ko sya, pero ngayong may opportunity na pwede akong sumama at sa states narin magaral ng college, why wait? Yun ang surprise sakin nila Papa nung pagbaba ko ng stage kanina. Sabi ni Papa matagal na nyang balak na dun ako pagaralin dahil alam nyang maganda pag sa ibang bansa nakapagaral at matagal daw nyang pinagipunan yun. Sobrang saya ko nung nalaman kong magkakasama kami ni Josh sa pagkokolehiyo. Agad kaming umuwi nun para maihanda ang mga gamit ko, hindi na ko sumayaw para sa ending ng ceremony sa school at hindi narin ako nagpaalam kay Joshua dahil balak ko susurpresahin ko sya sa airport dala ang mga gamit ko. I can't wait to see his reaction pag nalaman nyang magkasama kaming aalis ng bansa.

"Ok na ba lahat? Kim, anak pumasok kana dito hahabulin pa natin si Joshua!" Pagmamadali ni Papa sakin at pumasok ako sa Taxi na pinara ni Papa para sakin.

"Ma, iloveyou! Kuya, iloveyou! Thankyou! Thankyou! Thankyou! Palagi akong tatawag pangako. Kuya bantayan mo si Mama, wag mo syang pababayaan kundi lagot ka sakin! Bye!!" Yun na ang huling mensahe ko sakanila at pinaandar na ni Papa sa driver yung Taxi.

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko dahil magdadalawang oras nadin ang nakakalipas nung umalis ako ng school. Tiningnan ko yung phone ko at nagkataon pang lowbat ako.

"Pa! lowbat na ko nadala ba yung charger ko?"

"Oo anak nasa mga bagahe mo yun."

Nagnod nalang ako kay Papa at palingon lingon sa labas. Traffic pa! 20 mins. pa ang layo namin sa airport!

"Pa, baka di ko na sya maabutan." Napayuko ako at naramdaman kong itinaas ni Papa yung baba ko para tingnan sya.

"Maabutan mo sya, wag kang magalala anak. Ako ang bahala." Pagkasabi ni Papa nun tinanggal nya ang seatbelt nya.

"Pareng Wensy, ako muna magdadrive pwede ba?"

Nagsalubong ang kilay ko sakanila dahil hindi ko alam na magkakilala sila. Agad na tinanggal din ni Manong Wensy ang seatbelt nya at lumipat sa kinauupuan ni Papa habang lumabas naman si Papa para umikot at umupo sa driver's seat.

"Pa, sigurado ba talaga kayo dyan? May lisensya po ba kayo?"

"Wala anak." At ngumiti sakin si Papa. Bigla kaming umatras at patalikod na umaandar yung taxi sa kabilang kanto.

"Pa!!" Kapit na kapit na ko sa inuupan ko habang nakapikit dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Papa. Umikot ang Taxi at dumaan kami sa ibang kalsada. Medyo traffic din pero mas maluwag naman dito kesa sa kanina na walang malulusutan. Nakatingin lang ako sa relo ko ng makita kong 9pm pasado na. Napapakagat labi na ko, 9:30 ang flight ni Joshua.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon