Gotta Have Her (63)

690 17 0
                                    


Kimberly's POV

Naglelesson yung bakla naming prof ng kalabitin ako ni Stan.

"Uy, ang sabi magsulat, hindi magdrawing."

Inssketch ko na naman kasi si Josh, magdadalawang buwan na syang walang paramdam sakin. Araw araw ko syang sinusubukang tawagan pero cannot be reach or unattended sya. Hindi ko alam iisipin ko, wala na ba kami? Sabihin naman nya hindi yung umaasa ako araw araw na uuwi sya at babalikan nya ko.

"Kahit naman hindi ako magsulat nagegets ko yung lesson ni Sir." Sagot ko sakanya sabay silip nya sa binder ko kung ano yung dinodrawing ko.

"Sino yan?"

Tinakpan ko agad yung binder ko sabay tingin sa board.

"W-wala. Magsulat kana dyan, tsaka ayusin mo yung sulat mo parang kinahig ng manok yang sulat mo."

"Wow ah! Pasalamat nga yang si Sir nagsusulat pa ko e."

Nginitian ko nalang sya. Mayamaya may binulong sya sakin.

"May papakita ako sayo mamaya pagkadismiss natin."

"Ano yun?"

"Mamaya na, magsulat kana muna dyan para hindi ka mapagalitan ni bakla." Hinampas ko sya pero mahina lang at nagtawanan kami.

Hindi parin nagbabago yung tingin ko kay Stan. Kapatid parin sya ni Josh kaya hinding hindi lalagpas sa pakikipagkaibigan ang tingin ko sakanya.

Pagkadismiss ng klase, kinuha ko yung gamit ko pero hinila na agad ako ni Stan palabas.

"Uy! Dahan dahan naman!"

"Bilis Kim, tumakas ako sa practice!"

"Ano? Wag kanang tumakas bumalik kana dun!"

"Ayoko, may papakita pa ako sayo diba? Halika na dali!"

Hindi na ko umapela sakanya at sumunod nalang sa takbo nya. Hawak hawak nya narin pala yung kamay ko ng hindi ko namamalayan. Paglabas namin ng campus, may motor syang nilapitan at tinanggal ang pagkakalock nito sa gate.

"Sayo yan?"

"Oo. Angkas kana."

"Marunong kabang magmotor?!"

"Oo, kaya nga may motor ako diba? Aangkas kana o bubuhatin pa kita para sumakay ka dito?"

Agad akong umaangkas sa likod nya ng dahil sa huling sinabi nya. Nabuhat na nya ko once, hindi na mauulit yun. Pinaandar nya agad ng mabilis palabas ng gate ng campus yung motor at pinaharurot nya ito ng makarating na kami sa kalsada.

"Stan, slow down!"

"Kumapit ka kasi sakin, nahihiya kapa hahaha"

Sa upuan kasi ako nakakapit at hindi sa bewang nya.

"Tsk. Basta bagalan mo."

"Kaya nga tayo nagmotor para mabilis tayong makarating dun. Kapit na malalaglag ka nyan sige ka."

Mayamaya bumagal yung pagpapatakbo nya kaya huminahon naman yung pakiramdam ko kaso bigla nya ulit pinaharurot kaya napakapit ako sa bewang nya.

"See? Kakapit karin pala e hahaha!"

Kinurot ko sya sa tagiliran kaya nakiliti sya ng konti.

"Uy! Hahaha! Mababangga tayo nyan uy!"

Tinigil ko rin yung pagkikiliti ko sakanya at dinama yung hangin na humahaplos sa mukha ko ng magsalita sya.

"Kapit kalang sakin wag kang magalala, akong bahala sayo. Hinding hindi kita pababayaan."

Ako lang ba o parang may laman yung sinabi nya?

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon