Gotta Have Her (16)

1.2K 35 2
                                    


Pictorial for Mr&Ms. HSU

"Josh, labas na dyan!" Nagkulong si Josh sa banyo at pili syang pinapalabas ni Kim pero ayaw nya parin talaga.

"Magsisimula na yung pictorial nyo ni Heather!"

"Ayoko! Bakla yung photographer, bakla yung nagbibihis samin, tapos bakla din yung make up artist! Takte yan!"

"Hindi ka naman nila inaano e! Labas na!"

"Anong wala?! Yung nagbibihis samin hinawakan yung pwet ko! Hindi pa nakuntento pinisil pa! I feel so abused!" Natatawa na si Kimberly sa labas ng pinto pero di nya pinaparinig kay Joshua.

"Pag lumabas ka dyan bibilhan kita ng kwek kwek!" Paborito kasi ni Joshua yung kwek kwek.

"Ayoko paden! Bibili nalang ako ng sarili kong kwek kwek!"

"Argh! O sige ganito nalang pag lumabas ka dyan meron kang reward sakin." Pagkarinig ni Josh ng reward at galing pa kay Kim, binuksan nya agad yung pinto.

"Anong reward?"

"Secret. Now go kung gusto mo ng may reward." Nagmamaktol si Joshua ng lumabas ng banyo, kung hindi lang dahil sa reward na sinasabi ni Kim hindi talaga sya lalabas.

--
Pagpasok nila Kim at Josh sa studio nakita nila kung pano magpose si Heather.

"Hindi to pictorial for FHM magazine diba?" At hinampas ni Kim si Josh sa balikat.

"Behave! Pumunta kana dun sa fitting room, nilagay ko na dun yung susuotin mo."

"Ano muna yung reward?" Tinulak ni Kim si Joshua.

"Secret nga. Magbihis kana dun!"

"Kahit clue man lang?"

"JOSHUA PERIAL, PAG HINDI KAPA NAGBIHIS PUPUTULIN KO YANG JUNIOR MO." Nanlaki mata ni Joshua at nagbihis agad agad. Pagtalikod ni Kim pinagtitingina sya ng mga staff sa studio.

"Hehe, panakot lang po." At pumasok sya sa fitting room.

"Ahh!! Bastos!" Sigaw ni Joshua ng makita nya si Kim na pumasok sa pinto.

"Sorry! Sorry! Sorry!" At agad lumabas si Kim ng fitting room. Gusto lang naman nya kase magtago sa mga staff kaso maling pinto ang napasukan nya.

After 1hr natapos ang pictorial nila Heather at Josh. Lumabas agad si Joshua at hinanap si Kim pero wala ito sa loob ng studio.

"Josh, where are you going?" Palabas na kasi si Josh ng studio.

"Hanapin ko lang asawa ko." At lumabas na ng studio si Josh.

Hindi mahanap ni Joshua kahit saan si Kim kaya tinatawagan na nya ito.

*Ringgg!*

*Ringgg!*

*The number you dialed is unattended or out of coverage area. Please try call later.*

"Nasaan na yun?!" Sinubukan naman nyang itext at nagreply naman agad ito.

"Cafeteria." Pumunta agad ng cafeteria si Joshua at nakita nya si Kim na nilalamutak yung isang buong chocolate cake.

"Grabe ang takaw mo." At nilingon ni Kim si Josh na may mga icing pa sa bibig at pisngi.

"Surprise! This is your reward! Ang tagal ng pictorial nyo ginutom ako tapos natakam ako. Ayun sorry." Napangiti si Joshua at kinuha kay Kim yung tinidor at kumain din ng cake.

"Sarap! Madaya ka dapat inantay mo ko."

"E ang tagal nyo nga. Nakakatukso yung cake alam mo yun?" Kumakain lang sila ng binrought up ni Joshua yung pagpasok ni Kim sa fitting room.

"Kung gusto mo lang makita katawan ko dapat nagsabi ka nalang, hindi yung pinapasok mo ko habang kita yung pwet ko." Natawa si Kim dahil nakita nga nya talaga yung pwet ni Josh.

"Hahaha alin? Yung pink tapos matambok hahaha! You know what? Girls love booty too." Pangangasar ni Kim. Naglagay ng icing sa daliri si Joshua at nilagyan si Kim sa ilong.

"Ahh! Ikaw ah!" At kumuha din ng icing si Kim at pinunas sa bandang ilalim ng mata nito.

"Yan may blackeye kana! Haha!" Gumanti din si Joshua at nagpupunasan na sila ng cake sa mga mukha nila na parang mga bata.

--

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon