Gotta Have Her (17)

1.1K 32 0
                                    


Araw ng pagrampa.

"Kailangan pa ba talagang may bulaklak tong bahag ko? Bahag na nga lang parang tinubuan pa ng bulaklak." Topless si Joshua at magrarampa sila sa harap ng maraming estudyante. Si Heather naman feel na feel maging Eve. Adam and Eve kasi ang theme nila.

"Wag kanang mareklamo ok? Malalaglag tong mga bulaklak, bawas points yun!" Si Kim ang palaging nasa tabi ni Josh para ayusin ang mga damit nito at moral support narin para kay Josh.

"Ayan kayo na! Goodluck guys!" Cheer ni Kim kila Josh at Heather at lumabas sila ng kurtina.

"From Section Sapphire 4-A, Mr. Joshua Perial and Ms. Heather Aragon." Naghiyawan ang lahat ng estudyante at sinisigaw ang pangalan nila Josh at Heather. Proud na proud si Kim habang naglalakad si Josh, sya ata gumawa ng bahag nito haha.

Naunang makabalik si Joshua sa backstage dahil nagpapacute pa si Heather sa mga audience.

"Josh! Iniwan mo partner mo!" Sermon ni Kim.

"Langya ngumunguso pa sa mga judge eh! alangang ngumuso din ako?" Binatukan ni Kim si Josh at pinagbihis na nya ito.

"Wala ng klase, san na punta natin?" Tanong ni Kim.

"Para gusto kong pumunta ng Zoo. Tara?"

"Tara! Gusto ko makakita ng sawa! Hawakan natin ah?" Nagtatatalon si Kim habang sumasakay sa likod ni Josh.

"Hawakan mo magisa hate ko ang ahas no. Tapos sawa pa, balita ko nangangain sila ng gwapo ng buo." Binatukan naman sya ni Kim.

"Nako kawawa naman yung ahas pag kinain ka. Baka magkakabag sa sobrang hangin ng katawan mo!" At tumakbo si Kim dahil sinimulan na syang habulin nito.

--

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon