Gotta Have Her (46)

821 23 0
                                    

Aragon Colleges Academy.

Kinabukasan sa school, nakaupo na ko sa upuan ko at inaantay ang pagdating ni Stan. Si Heather naman patingin tingin sa pinto kung nandyan na sya, itong babaeng to mangbabakuran agad nasa isip.

Mayamaya dumating na yung grupo nila Stan pati yung whatsoever so called kalandian ni Heather kahapon na si Tangkad. Hindi ko pa alam pangalan nya eh.

Tumayo agad si Heather at sinalubong si Stan. Nagopen arms naman si Tangkad dahil akala nya yayakapin sya ni Heather pero kay Stan ito lumapit at sumabit sa braso nito.

"Hi! I'm Heather by the way, we didn't get the chance to introduce yesterday. Stanley right?"

Ay nako Aragon, tinalo mo pa yung linta sa sobrang dikit mo sakanya.

"Um..Hi?"

Nagulat ata si Stan sakanya kaya di nya alam sasabihin nya.

"Wow. So, that's it? Kahapon sakin ka dikit ng dikit, ngayon kay Stanley naman?"

Malakas na sabi ni Tangkad.

"Shut up Clyde. You didn't even told me that you already have a girlfriend. How is she by the way? Pakisabi hindi pa ko sakanya ha? Nang dahil sakanya nasira yung nail polish ko. Baka hindi nya alam mas mahal pa yung pagpapamanicure ko kesa sa buhay nya."

"Whoa" Gulat na reaksyon ng mga kaklase namin.

Sabay irap nya kay Tang--Clyde. There, may name na sya hindi na tangkad.

Umupo na si Stan sa tabi ko at nginitian na naman nya ako. See? Mabait naman sya, ba't ganun yung kwento ni Joshua sakin parang ang layo naman sa katauhan ni Stan.

"Hi."

Bati nya sakin.

"Hi."

Bati ko rin sakanya.

"HELLO."

Sabat ni Heather. Third wheel ka Heather, alis! Shoo!

"Kim, palit tayo upuan."

"Ba't naman?"

"Hindi ba obvious? Gusto kong makatabi si Stan."

Nakataas kilay nya sakin habang nagsasalita, nagkunwari namang may kukunin si Stan sa bag nya at sinenyasan akong huwag pumayag sa sinabi ni Heather.

"Um..uh...ayoko sa harapan e."

Nagsalubong naman kilay sakin ni Heather na parang pinipilit akong lumipat sa harapan.

"Ikaw nalang Stan lumipat, ayoko sa harapan eh."

Nagulat si Stan sa sinabi ko kaya nalipat naman sakanya yung tingin ni Heather habang nagpapuppy eyes ito.

"Uhhh...ayoko rin sa harapan."

Nagmaktol si Heather saming dalawa at tiningnan ng masama yung babaeng nasa gilid ni Stan sa kabilang row.

"Bea right?"

"O-oo?"

"Good." Tumayo sya at kinuha yung bag ni Bea at nilipat sa upuan nya harapan at binitbit yung gamit nya.

"Dun kana ngayon sa harapan uupo. Move!"

Mataray na sabi ni Heather kaya tumayo naman si Bea na nakataas nadin ang mga kilay nito.

"Bakit ko naman susundin yung gusto mo? Sino kaba ha?"

Magkaharap na sila ni Heather habang nakatingin naman kaming kahat sakanila. Mukhang mapapaaway na naman to si Aragon, pipigilan ko ba? Ayoko parin magulo buhok ko eh pfft.

"Sino ako?"

Humakbang pang ulit si Heather papalapit kay Bea.

"Oo sino ka, bingi kaba? Wag kang naghahariharian dito."

Nakita kong tumaas na yung kilay ni Heather. Wrong move, Bea. Wrong move.

"Pipigilan ba natin sila?"

Tanong sakin ni Stan na halatang natatakot sa dalawa.

"Nope, hayaan mo sila madadamay kalang."

Nagnod nalang sya sakin at tiningnan ulit sila Heather.

"Aba nagmamatapang ka? For your freakin' information, ako ang may ari ng eskwelahang kinatatayuan mo ngayon. Kung gusto mo pang pumasok at manatili dito, aalis ka sa upuan na yan o papaalisin kita sa eskwelahan KO."

Lahat kami nakanganga sa sinabi nya. Wait, sila ang may ari ng school nato?

"A-aragon ang ibig sabihin ng A sa abbreviation ng ACA?" Nabubulol na sagot ni Bea.

ACA, name ng school namin. Which means ngayon ko lang din nagets na Aragon Colleges Academy pala ang ibig sabihin.

"Pumapasok ka sa eskwelahan nato tapos ni hindi mo alam ibig sabihin ng abbreviation ng school na pinapasukan mo?!"

Hindi na nakaimik si Bea sakanya at umalis na sa upuan nya. Pumunta sya sa harapan at umupo sa dating upuan ni Heather.

Nakangiting umupo si Heather sa katapat ng upuan ni Stan habang nagpapacute naman sya dito.

"She's kidding right? Sya talaga may ari ng school nato?"

"Nope. I think she's not joking Stan."

at sabay naming nilingon pareho si Heather na nagmamake up sa upuan nya.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon