Gotta Have Her (83)

768 19 0
                                    

Kimberly's POV

Ngayon ang araw ng activity namin. Dalawang linggo din kaming nagpractice ni Stan para dito. Palagi syang nasa bahay nung mga nakaraang araw para turuan ako sa chords at sa pagplay ng piano. Naisip naming pareho kaming tutugtog sya sa gitara ako sa piano habang duet naman kami sa pagkanta. Sad Song yung title na kakantahin namin, duet sya ng lalaki at babae kaya yun yung napili namin ni Stan, plus maganda yung message ng song.

Nasa music room na silang lahat habang kami ni Stan kakarating palang namin sa campus dahil kinuha namin yung gitara nya at piano ko. Pagdating sa music room pinagtinginan kaming lahat at nagsisimula na pala yung activity. May mga sumasalang na sa harapan, naupo muna kami ni Stanley habang hinahanap naman ng mata ko si Josh. May hawak syang gitara, at malamang si Violet yung kakanta. Nagkakatitigan kami pero may naramdaman akong bago sakanya. Hindi ko alam na mararamdaman ko yun sakanya matapos ang lahat.

"Sanchez and Tahara." Tinawag na kami ni Sir kaya bumaba na kami at nagulat silang lahat ng ilabas ko yung piano at umupo sa tapat nito. Inayos naman ni Stan yung mic at inantay yung signal ni sir kung magsisimula na kami.

Nakatitig sakin si Joshua, ayaw nya kong lubayan ng titig nya nakakaramdam tuloy ako lalo ng kaba.

"Ready?" Tanong sakin ni Stan habang nginitian ako. Napanatag naman yung loob ko ng ngitian nya ko.

Sinimulan ko yung intro which is pagpapiano.

NP: Sad Song
By: We The Kings

Stan's verse:

♬You and I we're like fireworks and symphonies exploding in the sky. With you I'm alive, like all the missing pieces of my heart they finally collide. So, stop time right here in the moonlight, cause' i don't ever wanna close my eyes.♬

Habang nagppiano ako puro memories namin ni Joshua yung naaalala ko. Yung unang beses ko syang sinabihan ng Iloveyou at biglang dumating si Keith, nung duguan yung kamao nya dahil binugbog nya si Keith para sakin, nung araw ng fieldtrip at nangyari yung first kiss namin. Nung araw ng Valentines day na sobrang kinaiinisan ko sya pero at the end of the day sinurpresa nya ko at nagtapat sya sakin. Nung mga araw na kami na at puro kasweetan yung pinaramdam nya sakin. Lahat ng masasayang araw namin parang unti unti ng naglalaho, yung mga araw na nakangiti kami pareho at palagi akong nasa tabi nya lalo na nung pageant ng Mr.&Ms. HSU, hanggang dun nalang siguro talaga kami dahil kahit sabihin nating mahal ko pa sya, nakatali na sya may asawa na sya.

Natapos na ni Stan yung chorus at  sinimulan ko namang kumanta na ikinagulat ng lahat.

♬With you I fall, It's like I'm leaving all my past and silhouettes upon the wall. With you I'm a beautiful mess, It's like we're standing hand and hand with all our fears upon the edge. So stop time right here in the moonlight cause' I don't ever wanna close my eyes.♬

Bawat salitang binibigkas ko nakatitig lang ako kay Josh. Ang lungkot lungkot nung kanta, pero para sakin parang yun narin yung ginawa kong way para mamaalam kay Joshua. Marami kaming napagdaanan, lahat naman yun nalagpasan namin maliban sa away pamilya na kinasangkutan nya. Siguro nga hanggang dito nalang kami.

Duet:
♬You're the perfect part of me, the girl standing next to me I've got nothing to fear♬

Nilipat ko na kay Stan yung tingin ko at kanina pa pala nya ko tinitingnan habang nakatingin naman ako kay Josh. Nasasaktan ko na sya, kahit hindi nya yun pinapakita sakin alam ko yun. He didn't deserve this, he deserves more than this. Handa na ko, bubuksan ko na ulit yung puso ko para magmahal ulit.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon