Gotta Have Her (42)

892 24 5
                                    


*KRINGG!!*

*KRINGG!!*

Nakapikit pa ko at kinakapa kapa kung nasaan yung alarm clock ko. Pinatay ko yun pero may tumutunog padin.

*KRING!!*

*KRING!!*

"Ahh!! Natutulog pa yung tao eh!" Tinanggal ko yung kumot na nakabalot sa buong katawan ko at napatingin ako sa tablet ko.

"Goodmorning princesa ko. Mukha kang suman balot na balot ka sa kumot hahahaha"

Nakauniform na sya at kumakain ng breakfast habang nakaharap sa laptop nya. Hinahanap ko sa paligid kung san yung tumutunog ng itinaas ni Josh yung alarm clock na hawak nya.

"Argh. Patayin mo yan antok pa ko." Nagkumot ako ulit at sinubsob sa unan yung mukha ko.

"Princess, bangon na. First day nyo kaya ngayon at late kana."

Pagkasabi nya ng late tinanggal ko agad yung kumot sa katawan ko tiningnan yung phone ko.

"Oh no. Late na ko!" Bumangon ako agad at kinuha yung tuwalya at toothbrush ko at pumasok ng cr. Maghuhubad na sana ako ng maalala ko si Josh. Lumabas ako ulit ng cr at humarap sa tablet.

"Shrek, tawagan kita mamaya pag nasa school na ako okay? or imessage kita bago ako tumawag. I love you!"

"Okay Fiona, iloveyoutoo! Pasok narin ako. Wag makikipagkaibigan sa lalaki a! *Kiss sa screen*"

Kiniss ko rin sya pero hindi lapat sa screen yung labi ko. Sakanya lapat eh hahaha!

Naligo, nagayos, kumain at umalis na sa bahay papuntang school. Pagdating ko nakita ko agad si Aragon na naglilipstick.

"Hoy Sanchez! Ang usapan 8am, 10am na! Ganda ng orasan mo, bili kita ng bago?"

May iniinom pa syang slurpee habang naglilipstick.

"Baka gusto mong ubusin muna yang iniinom mo bago ka maglipstick diba? Nagsasayang kalang."

"And so? Marami akong pambili no. Gusto mo bilhan din kita."

Isang bagay lang hindi nagbago sakanya. Mayabang parin sya, at hindi bestfriends ang turunginan namin. More like bitches. Tinawag ko kasi syang bitch one time at gumanti sya sakin, hanggang sa yun naging tawagan namin.

"Tara na mamaya kana magpaganda, walang papansin sayo dun!"

"Ex-cuze Me. Bulag lang ang hindi makakapansin sa ganda kong ito."

Inirapan ko sya ng maaninag ko si Keith na papalapit samin.

"Bitch! Keith approaching 2 o'clock."

Tiningnan nya yung sinabi kong direksyon at agad na tinago nya ako sa likod nya.

"Hi Keith, you miss me?"

"Uhh no. Kim?"

Dinudungaw nya ko sa likod ni Heather pero tinatakpan padin ako ng magaling kong kaibigan. Ayan tinawag ko na syang KAIBIGAN. BIGDEAL.

"Pwede ko ba syang makausap?"

Kinurot ko yung pwet ni Heather at nagulat pa sya. Alam na nyang sign ko yun para tanggihan si Keith.

"AY!"

"Bakit?"

"Este um...*pinalo palo pa nya yung kamay ko sa likod nya* Kailangan ko magpasama sayo e, may kailangan akong ipasa sa dean's office alam mo ba kung san yun?"

"Hindi bago palang tay--"

"Ay pareho tayo hindi ko rin alam tara alamin natin kung nasaan!"

Hindi na natapos ni Keith yung sasabihin nya dahil hinila na sya ni Heather papasok ng building.

Inayos ko naman yung buhok ko dahil nagkanda sabit sabit na sa sanga nung halaman. Nagsuklay ako ng konti at nagsimula naring maglakad papasok ng building.

Napagusapan na namin ni Heather na pag gusto akong lapitan o kausapin ni Keith ay ilalayo nya sakin si Keith. Diversion ba, at habang nililinlang sya ni Heather dun naman ako tatakas. Nasabi sakin ni Heather na hindi naman talaga naging sila ni Keith. It's just their plan para daw magselos ako. Tinawanan ko nga sya nun dahil parang hindi naman ako nagselos  that time.

And because she's my bitch (Which means para samin ay FRIENDS kami) tutulungan nya kong ilayo kay Keith.

Pagpasok ko sa loob ng building, ang una kong napansin ang daming GWAPO! May maputi, moreno, cute, may mukhang masungit, suplado pero gwapo parin at---

"Bitch, he's gone. What are you doing? Our room is at the top of room 31---O.M.G bitch, he's cute! At yun pa! Pati yung isang yun! Ay wait bakla yung isa, pero yung nasa likod nya pasado! Omg, I want them all!"

Nakaw eksena talaga tong babaeng to, ako unang magsight seeing eh! Kaso may Joshua na nga pala ako, okay abort! abort! Hinawakan ko sya sa kamay at hinihila na sya paakyat dahil kulang nalang tumulo yung laway nya sa pagnanasa sa kanilang lahat.

"Ano kayang pangalan nung pinaka matangkad sakanila? Kailangan kong malaman kung anong pangalan nya bitch!"

"Hala sige alamin mo. Wala namang gwapo dun."

"Yeah right. Kaya pala titig na titig ka dun at wala kang balak umalis kung hindi pa ko dumating. Excuses!"

Inumpog nya yung pwet nya sakin na mahilig nyang gawin sakin at gumanti naman ako. Subsob sya sa pader e, mas malaki ata pwet ko sakanya. Nagtawanan lang kami at gumanti naman sya at gaganti ako at gaganti naman sya tapos gaganti ulit ako, gantihan lang sanay na sanay na kami sa mga trip naming dalawa. Sinong makakapagsabi na magiging kaclose ko ang babaeng to?

-

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon