Gotta Have Her (26)

1K 25 0
                                    


Saturday, Laundry day.

Maagang gumising si Kim para maglaba at gawin lahat ng gawain nya tuwing sabado. Nakita nyang nagvibrate yung phone nya at tumatawag si Josh. Kinuha nya ito at sinagot ang tawag.

"Goodmorning my Princess."

"Hello *Yawn* Goodmorning." *Yawn*

"Mukhang antok na antok kapa, tulog ka muna kaya ulit?"

"Nah, tatanghaliin lang ako kailangan ko na maglaba. Wala kasi si Mama."

"San nagpunta?"

"Bumisita kay Kuya sa cavite."

"Ow."

"Osha maglalaba na ako marami rami din yun."

"Punta ako dyan tulungan kita."

"Weh?"

"Oo nga. Wait magbibihis na ko."

"Sige. Antay kita, loveyou!"

"I love you more Princess."

*Call ended*

After 45mins. nakarating na si Josh at tinulungang magkusot ng mga damit si Kim.

"Hindi ka naman marunong magkusot e." Sita ni Kim dahil parang nilulubog lang ni Josh yung damit tapos piga.

"Kaya ko. Watch." Sinusubukang magkusot ni Josh at nakukuha naman nya pero mabagal.

"Ang bagal mo magkusot, nakatatlong damit na ko oh. Ikaw nandyan ka parin sa face towel."

"Hindi minamadali ang art." Sagot ni Josh habang pinipiga yung face towel at dahan dahan na nilagay sa mga nakusot na.

"Grabe ang hinhin, pwede namang ibato nalang pagkatapos tulad nito." at binato nya sa isang planggana yung damit na kakatapos nya lang kusutin.

"Tingnan mo to sinusuot mo yun tapos binabato mo. Mamaya magtampo yan."

"Josh, tela yan. Gawa sa sinulid, wala yang buhay at hindi yan humihinga." Nagpout si Josh pero dahan dahan nya parin ilagay sa planggana yung mga nakusot nya.

"Ubos na yung akin. Bat wala akong nakikitang panty?" Namula si Kim at tiningnan si Josh.

"Bakit gusto mong labhan?!"

"Naglalaba na tayo eh, ano yun hindi mo lalabhan? Tsaka yung mga bra mo." Winasikan ng tubig ni Kim si Josh.

"Hala uy wag! Ayan basa na tuloy ako." Gumanti si Josh at tuluyan na silang nagbasaan ng tubig.

Nang matapos silang maglaba, pumunta sila sa bakuran at nagsampay. Si Josh ang tiga-abot ng damit at si Kim naman ang taga-sampay.

"Bakit kaya ang bra may design pa, e hindi naman yun nakikita kasi natatakpan naman yun ng damit diba? Siguro para maganda tingnan pag sinampay." Nilingon ni Kim si Josh at tinitigan ito.

"Kung hindi panty, bra naman pinagkakainteresan mo."

"Oyyy hindi ako manyak ah. Just asking." Sabay abot nya ng damit kay Kim.

"Wag mo ng intindihin yung bra namin, yung brief nyo nga na may bulsa hindi namin tinatanong kung para saan yun e."

"Hahaha! Kahit kami hindi namin alam kung para san yun eh hahaha! baka lagayan."

"Ang liit liit nun anong ilalagay nyo dun? Asin?" Napatingin sakanya si Josh at kiniliti sya nito.

"Bad ka ah! Porket may itlog kami, lagayan na ng asin yung bulsa ng brief namin?" Hindi tinigilan ni Joshua si Kim hanggang sa magsisisigaw na ito.

"HAHAHA! JOSH! HAHA! STOP!! HAHAHA! MAMAMATAY NA KO! HAHA!" At tinigil ni Josh ang pangingiliti nito at nakahandusay sa damuhan si Kim.

"Give up?" Asar pa ni Josh.

"Wala na naubusan na ko ng energy." Natawa si Josh at binuhat si Kim na parang bagong kasal at pumasok sila sa bahay. Pinaupo sya ni Josh sa upuan at pinainom sya ng tubig nito. Pagkatapos nyang uminom nagkatitigan sila ni Josh at lumapit ito sakanya para halikan sya.

Ramdam na ramdam ni Kim ang malambot na labi nito at ang bawat galaw na ginagawa nya. Hindi mapigilan ni Kim ang nararamdaman nya kung kaya't tumayo sya at napatayo din si Josh at naghahalikan sila habang paatras ng paatras si Kim hanggang sa pader nalang ang nasa likod nito. Bumibilis ang halikan nilang dalawa ng maramdaman ni Josh ang kamay ni Kim sa loob ng tshirt nya. Bumitaw si Josh at humakbang palayo kay Kim.

"We can't."

"Ba-bakit?"

"Hindi sa ayaw ko Princess, pero pinoprotekhan kita. Ayokong ibigay mo sakin yan ng hindi ko pinaghihirapan. I love you but doing that won't prove anything. May tamang panahon para dun okay? And I wish na ibibigay mo lang yan sakin pagkatapos mong ikasal sakin." Natouch na naman si Kim sa sinabi nya kaya inayos nya ang sarili at niyakap ni Josh.

"Ikaw talaga palagi mo kong pinapabilib sayo." Ngumiti si Josh at hinalikan nya si Kim sa pisngi at binuhat papuntang kusina.

"Now, anong lulutuin natin mahal kong asawa?"

"Ano bang gusto ng asawa ko?"

"Hmm...Ikaw." Bumaba si Kim at binatukan si Josh.

"Magluto nalang tayo ng Sinigang. Gusto mo ba nun?" Tanong ni Kim.

"Wow. Marunong ka magluto nun?"

"Ako pa ba?" Nginitian sya nito at nagtulungan silang magluto. Si Joshua taga hiwa ng mga gulay at si Kim naman ang nagluluto.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon