Gotta Have Her (71)

691 16 0
                                    


Pagdating namin sa bahay nauntog muna sya sa pinto bago makapasok.

"Ano ba Stan tuwing pumupunta ka dito palagi ka nalang nauuntog dyan."

"Kasi naman! Ganun ba ko katangkad? Tsk ang hirap maging tall, dark and handsome."

Mahangin parin sya, wala tayong magagawa dyan.

"Kapal, Tall kalang!"

"Kaya pala ang daming nagkakandarapa sakin." Sabay kindat nya sakin.

Feeler. Oo maraming nagkakagusto sakanya, lahat naman sila sa team nila lahat sila crush ng mga babae sa campus.

"Dyan kalang cr lang ako."

Pumasok ako ng cr at paglabas ko wala na sya sa sala.

"Stan??"

Pumunta ako sa kusina pero wala sya dun, dumungaw ako sa labas pero din sya dun. Pagsilip ko naman sa kwarto ayun ang kumag nakahiga sa kama ko. Pinalo ko yung paa nya kasi nakapikit na sya at feel na feel yung pagkakayakap sa unan ko.

"Oy! Sinong nagsabing pwede ka dito? Labas!" Hinihila ko yung paa nya pero hindi ko sya kaya.

"Ang bango ng unan mo, anong shampoo gamit mo?"

Nakayakap parin sya sa unan ko at nakatanday naman yung paa nya sa hotdog ko. Yung mahabang unan?

"Pag sinabi ko ba aalis kana?"

"Nope."

"Labas na Stan!"

"Humihiga lang naman, damot." Sabay nagtalukbong sya ng kumot. Parang bata tong lalaking to.

"Fine, basta hanggang dyan kalang wag kang gagawa ng kung ano ano."

"Yehey! Gusto mo tumabi sakin?"

"Gusto mong maforce evicted?"

"Ay hindi po master."

"Good."

Nakahiga lang sya sa kama ko ng umupo naman ako sa binta para magbasa habang nakaheadset.

"Anong binabasa mo?" Tinanggal ko yung headset at sinagot sya.

"Twilight."

"Ah crush ko dyan si Bella."

"Walang nagtatanong."

Bigla nya kong binato nya ko ng unan.

"Sungit!" Ngumisi lang ako at nagbasa ulit.

"Ikaw sino crush mo dyan?"

"Wala akong crush."

"E bat mo binabasa yan kung wala kang crush dyan?"

"Gusto ko yung story."

"E ba't di mo nalang panoorin yung movie nyan?"

"Mas gusto kong basahin."

"So, mas gusto mong nahihirapan ka?"

"Oo."

"No wonder kung bakit ka nasasaktan." Bigla akong napatingin sakanya sabay talikod naman nya sakin at niyakap ulit yung unan ko.

"Pinagsasabi mo dyan?"

"You always choose the hard way kaya ka nasasaktan."

"Meaning? I mean like what?"

"Mas pinipili mo si Josh na nasa malayo naman at hindi na nagpaparamdam sayo kesa sakin na nandito na sa harap mo pero binabalewala mo parin."

Napatigil ako saglit sa sinabi nya. Tama naman sya, pero mali parin sya. Ang gulo, basta may reason naman kasi ako kaya ko inaantay si Josh. Mahal ko e, diba pag kahit na ano pang sitwasyon na mali ang ginagawa mo, hahayaan mo lang kasi nagbabaka sakali ka paring pwede syang maging tama. Kahit magmukha kanang tanga sa paningin ng iba babalewalain mo parin sila kasi nga, mahal mo sya at wala kang pakialam sa iniisip nila basta aantayin mo sya. Kahit walang kasiguruhan, magaantay at magaantay ka parin sakanya. Mahal mo eh.

Bumaba ako sa bintana at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Mayamaya lumabas din sya at sumunod sakin sa kusina.

"Sorry." Sabi nya habang nakatungo.

"Nah, tama ka naman e. Nagaantay lang ako sa wala"

"Paano pag nakita mo sya ulit?"

"Ewan. Tatanungin ko sya bat hindi sya nagpaparamdam."

"Tapos?"

"Anong tapos?"

"Ano ng mangyayari sainyo?"

"Ewan ko. Ba't ba tanong kanang tanong?"

"Kasi habang inaantay mo sya, nagaantay naman ako sayo Kim. Ayokong masaktan ka sa huli sa kakaantay mo sakanya. Basta lagi mo lang tandaan na nandito lang ako para sayo pag kailangan mo ko."

Sabay talikod nya at palabas na sya ng pinto bago sya magsalita ulit.

"Kim, nasasaktan din ako tuwing ako naman ang nasa harapan mo pero si Joshua ng si Joshua ang hinahanap mo."

Pagkatapos nyang sabihin yun lumabas na sya ng pinto at tuluyan na syang umalis.

Tama pa ba yung ginagawa ko? Kailangan ko na bang sumuko kay Joshua?

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon