Gotta Have Her (64)

728 15 0
                                    


Pagkatigil ng motor ni Stan bumaba agad ako, nasa kalagitnaan kami ng gubat. Magtatanong sana ako sakanya pero bigla nyang tinakpan ang mga mata ko gamit yung mabango nyang panyo. Este yung panyo nyang may karaniwang amoy....na mabango. Ay ewan basta yun nababangohan ako sa panyo nya. Pati sya mabango sya este...yung panyo.

"Uy, ba't may ganito ganito pa? Tinatakot mo ko."

Biglang nagsitayuan yung mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko yung labi nya sa tenga ko sabay bulong nya sakin.

"Shh..do you trust me?"

Ang husky ng boses nya, para akong dinaanan ng kuryente sa buong katawan. Nagnod ako sakanya as response ng magsimula kaming maglakad habang hawak nya yung mga kamay ko at ginaguide ako. Ramdam ko yung pag-ihip ng malamig na hangin sa katawan ko kaya nakaramdam ako ng lamig, nagsimula naring lumamig yung mga kamay ko. Paakyat na yung lupang inaapakan namin ng bigla kaming huminto at binitawan nya yung kamay ko.

"S-stan?"

"Stanley??"

Walang sumasagot.

"Uy, Stan natatakot na ko tatanggalin ko nato a?"

"Eto na tatanggalin ko na talaga to ha? Bala ka dyan."

Pagtanggal ko ng panyo nya sa mata ko malabo yung paningin ko pero nung unti unti na tong luminaw, namangha ako sa nakita ko. Nasa bangin kami ngayon, sa sobrang taas na bangin. Imbes na matakot, namangha ako sa mga nakikita ko mula dito. Kitang kita ko yung mga ilaw sa siyudad, pati yung hilera ng mga saksakyan na may mga pulang ilaw sa likudan nila.

"Do you like it?"

Nilingon ko sya at nakita kong naglalatag sya ng maliit na tela sa damuhan.

"Wanna lay here?"

Nginitian nya ko sabay lahad nya ng kamay nya sakin. Hindi naman ako nagdalawang isip na iabot yung kamay ko sakanya at humiga kami sa tela.

"Ang ganda."

"Kasing ganda mo diba?"

Siniko ko sya at nagtawanan kami saglit.

"Matagal kanang tumatambay dito?" Tanong ko sakanya.

"Hindi naman, nadiskubre ko lang to nung araw na gusto kong mapagisa. Tapos natanaw ko tong bangin nato, ayun. Palagi akong nandito pag nagiisa ako."

"Kung may motor lang din siguro ako palagi rin akong magpupunta dito."

Baka nga araw arawin ko pa.

"Kung gusto mo palagi kitang dadalhin dito, gawin natin tong tambayan."

"Totoo?"

"Oo. Kung gusto mo e, bakit hindi?" Nagkatinginan kami saglit na parang nagtatangka kaming maghalikan pero bumitaw agad kami sa tinginan namin. Kumakabog yung dibdib ko, sa sobrang tahimik at dilim dito baka nga naririnig na ni Stan yung pagtibok ng puso ko sa kaba.

Bigla syang bumangon at kinuha yung gitara nya ulunan namin. Umayos sya ng upo na parang naghahanda syang maggitara habang nakahiga parin ako at tinititigan yung mga bituin sa taas.

♬I don't know what he does to make you cry, but I'll be there to make you smile. I don't have fancy cars to get to you, I walk a thousand miles. I don't care if he buys you nice things, does his gifts comes from the heart? I don't know but if you were my girl, I'll make it sure we'll never be apart. ♬

Hindi ko alam pero parang yung pagkamatigas ko biglang nawala, nanlambot ako, yung iyak na pinipigilan ko noon pa biglang lumabas. Hindi ko na sya mapigilan nung pumasok sa utak ko si Josh, yung bigla nyang hindi pagpaparamdam. Yung dalawang buwan na wala akong magawa kundi antayin yung tawag nya na hindi ko pa nga sigurado kung tatawag pa ba sya.

♬Sometimes I wonder, why I'm still waiting. Sometimes I'm shaking, that's how you make me. Sometimes I question why I'm still here. Sometimes I think I'm going crazy.♬

Tinakpan ko na yung mukha ko habang umiiyak. Ang sakit sakit, naninikip na yung dibdib ko, hindi ko alam kung san ko sya hahanapin, hindi ko alam kung ok lang ba sya, hindi ko alam kung ano ng lagay nya ngayon. Ni hindi ko rin alam kung meron pa bang kami, o ako nalang ba tong nagaantay samin. Hindi ko na mapigilan yung pagiyak ko, gusto ko syang pigilan dahil nahihiya ako kay Stan pero sobra akong nanghihina ngayon gusto ko lang iiyak lahat lahat ng nakakapagpasikip ng dibdib ko.

Mayamaya naramdaman ko nalang na may bumubuhat sakin at niyakap ako ng mahigpit habang hinahawak hawakan yung buhok ko. Pinapaiyak nya lang ako sa dibdib nya, wala syang pakialam kahit mabasa ko sya ng mga luha ko.

"Ilabas mo lang lahat, wag ka magalala nandito lang ako para sayo."

"Bigla syang nawala ng walang pasabi Stan. Nasasaktan na ako, nahihirapan narin ako, pagod na pagod narin ako ngumiti kahit ang totoo sasabog na ko sa sobrang lungkot ko."

Lalo nyang hinihigpitan yung pagkakayakap nya sakin sa bawat hagulgol ko. Sa tagal ng pagkimkim ng bigat na nararamdaman ko ngayon lang ako naginhawaan ng ganito.

---

Gotta Have HerWhere stories live. Discover now