Gotta Have Her (35)

1K 32 0
                                    

"Wow." Namangha si Kim sa nakitang mansion na papasukan nila.

"Master nandito na tayo."

"Ipasok mo nalang sa gate yung kotse Paul. Then pakisabi kila Manang Odelle na maghanda ng pagkain para satin, sumabay kana rin samin sa loob." Nagnod si Paul at kusang bumukas yung gate ng mansion.

"Wait. Sainyo to?" Tanong nya habang tinitingnan nya yung garden na nadadaanan ng kotse.

"Sa akin."

"Ha!?" Bigla nyang nilapit yung mukha nya sakin na halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Sa akin nakapangalan ang mansion nato." Nakatingin lang sya sakin na parang ayaw nyang maniwala.

"No way."

"Yes way."

Tumigil yung sasakyan sa porch at nakapila lahat ng maids and other staff ng bahay. Pinagbuksan ko sya ng pinto at sabay sabay kaming binati ng mga maids.

"Welcome back Master Josh." Nagbow sila sakin ng makita kong nakibow din si Kim sakanila.

"Huy bat ka nagbabow?" Sita ko sakanya.

"Nakakahiya e." Hinawakan ko yung kamay nya at pinakilala sya sa lahat.

"This is my girlfriend Kimberly, treat her right because she will be my soon to be wife."

"S-soon to be w-wife??" Nagbow kay Kimberly lahat ng maids at nanlaki na naman mata nya. Itong babaeng to konti nalang parang cartoon character na.

"Ah..eh..hehe..Hello! hindi nyo na kailangan magbow sakin, sakanya nalang kayo magbow." Naghahandgesture sya sa mga maid at nagtawanan sakanya lahat pati kaming dalawa ni Paul.

Hinawakan ko bewang nya at pumasok na kami sa loob ng bahay. Namangha sya sa laki ng bahay at sa laki ng hagdan na nakita nya.

"How come na ang Highschool student na katulad mo ay nagmamayari ng bahay na katulad nito?"

"Material things lang to, kumpara sayo na tunay na nagpapasaya sakin."

"Acheche sa laki nito, buhay hari ka dito." Ngumiti ako at humarap sakanya.

"Well in that case, I am the King and you are my Queen." Hinalikan ko sya saglit sa lips pero nahihiya sya. Bumulong pa nga sya sakin.

"Josh, wag dito nahihiya ako sa mga maids." Tumawa ako at nakita kong nakatingin nga sila samin.

"Pakihanda na po kami ng makakain Manang Odelle." Agad na nagsikilos ang mga maid at pumunta ng kusina.

"Tara sa taas." Hinahawakan ko kamay nya at pumunta sa kwarto ko. May nadaanan kaming 5 kwarto bago makarating sa mismong kwarto ko.

"Para san yung 5 kwarto?"

"Sa mga magiging anak natin." At kinindatan ko sya.

"Lima gusto mong maging anak!?"

"Bakit hindi? Mas marami mas masayang pamilya." Hawak ko na yung doorknob ng kwarto ko ng tumingin ulit ako sakanya.

"At ito ang magiging master bedroom natin." Binuksan ko yung pinto at nauna pang pumasok sakin si Kim sa nakita nya sa loob.

"Omg mas malaki pa tong kwarto mo sa mismong bahay namin!" Natawa ko sakanya at humiga ako sa kama.

"Uy. Ano matutulog kana?"

"Napagod ako."

"E-eh nagpahanda kanang pagkain diba?"

"Nagluluto pa sila."

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon