Gotta Have Her (5)

2K 57 1
                                    


Malapit na sila sa classroom ng hilahin naman ni Kim si Josh sa kabilang direksyon.

"Dito tayo."

"Uy sa classroom tayo malalate na tayo." Hinila naman ni Josh kamay ni Kim. Oo, naghihilahan na sila sa hallway.

"Sigurado ka papasok kanang ganyan kamao mo?" Nagpout si Josh at dun lang narealize ni Kim na cute pala ang mokong.

"Panget mo. Wag kanang pumiglas! Lilinisan ko lang yang sugat mo." Hindi na nakipagtalo si Josh at sumunod nalang sya kay Kim kung san sya dalhin nito.

Mayamaya nasa Oval sila kung saan sila palaging nagtatake ng PE class.

"Dyan kalang antayin mo ko." Umupo si Josh at umalis saglit si Kim. Ngayon lang naramdaman ni Josh yung hapdi ng kamao nya ng mahanginan ito. Hinihipan nya para mabawasan kahit papano yung hapdi, pagbalik ni Kim may dala na itong betadine, bulak at bandage.

"San mo nakuha yan?"

"Ninakaw sa clinic." Umupo si Kim sa tabi ni Josh at pinatong sa hita nya yung kamao ni Josh.

"Seryoso magnanakaw kana ngayon ng betadine?" Nakangisi sabi ni Josh ng diinan ni Kim yung sugat nya sa malapit sa buto ng kamao nya.

"Arayyy!!! Ito naman hindi mabiro e!"

"Ayaw kasing manahimik nalang e no? Sige isa pa bubuhusan ko to ng alcohol." Nagpout na naman si Josh at nakita na naman ito ni Kim.

"Wag ka ngang ngumuso dyan!"

"Inaano kaba ng nguso ko?!" Diniinan na naman ni Kim yung sugat ni Josh kaya sumigaw na naman ito at humihinga na parang manganganak. Yung mabilis huminga? Haha di ko sya maexplain basta ganun.

"AHHH!!! Ano bang problema mo? Abnormal kaba? Hindi sya masakit promise!"

"O hindi pala masakit e, then stay still and stop screaming like a baby!" Umayos na ng upo si Josh at pinunasan ni Kim ng bulak na may betadine yung sugat nito at hinayaan matuyo.

"Lagyan ko pa ba ng benda?" Tanong ni Kim pero nakita nyang nakatitig lang si Josh sakanya habang ginagamot nya yung sugat nito.

"LALAGYAN KO PA BA NG BENDA??" Bumalik sa wisyo si Josh at umiling iling ng marinig nya si Kim.

"Ha? Ah e.. Benda? Sus! Wag na!" Kinuha ni Josh ang kamao nya at nilagyan nya parin ng benda.

"Akala ko ba wag ng lagyan? Amina na ako na." Inaagaw ni Kim yung benda pero ayaw ibigay ni Josh.

"Ako na. Kaya ko naman e." Sinusubukang itali ni Josh yung benda pero lumuluwag lang ito lalo.

"Ako na! Pabebe karin eh!" At kinuha nya yung benda at kamao ni Joshua.

"Yan ok na. Tara na sa room late na late na tayo." Tumayo si Kim at Josh at naglakad palabas ng Oval. Nauuna si Kim maglakad dala yung betadine at bulak ng magsalita sya.

"Salamat."

"Para san?"

"Alam mo at alam ko kung ano ginawa mo kay Keith."

"He deserve every punch." Ngumiti si Kim sa sinabi nya.

"Sa tingin mo ba dapat layuan ko na sya?"

"Nasa sayo yan. Kung mahal mo talaga at kaya mong magpakatanga na sunod ng sunod sakanya kahit tinataboy kana nya, edi go lang kung dun ka sumasaya e. Ganun kasi ako sayo." At naunang maglakad si Joshua sakanya.

Napangiti si Kim sa sinabi nya, kinikilig na nga sya pero syempre ayaw nya pahalata. Sweet si Joshua kahit seryoso mukha nya sa mga sinasabi nya, bumabanat na nga sya at ramdam mong totoo lahat ng sinasabi nya dahil makikita mo yun mismo sa mga mata nya.

---

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon