Gotta Have Her (51)

766 23 0
                                    

"Kim"

Kanina pa ko sinusundan ni Stan pero hindi ko sya pinapansin. Diretso lang ako sa paglalakad.

"Kimberly please!"

Ang lakas ng pagkakasabi nya kaya pinagtinginan kami ng mga estudyante sa hallway.

"Ano?"

"Sorry nung isang araw. Alam ko mali yung ginawa ko pero seriously ng dahil dun hindi mo ko pinapansin? Dalawang araw ng nakakalipas."

Oo dalawang araw ko na syang hindi pinapansin. Nayabangan kasi ako sakanya, akala ko pa naman mabait sya pinaglaban ko pa sya kay Josh no.

"Ok na ok? Wag mo na ko sundan."

Sabay talikod ko ulit ng sumigaw naman sya.

"HINDI MO BA TALAGA AKO NATATANDAAN?!"

Napatigil ako sa paglalakad bukod sa lakas ng pagkakasigaw nya eh anong ibig sabihin nyang matatandaan ko sakanya?

"ANO?"

Nakita kong huminga sya ng malalim bago nagsalita ng mahinahon sakin.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?"

"Anong matatandaan pinagsasabi mo?"

"Grade 3. Snow White play. Apple?"

I tilted my head. Anong pinagsasabi nya??

"PAGONG???" dagdag pa nya.

Pagong pinagsasabi nitong lo--PAGONG? Wait.

"Ikaw yung Prince Charming ko nung play ng Snow White?!"

Ang laki ng ngiti nya sa sinabi ko at lumapit sakin na para bang yayakapin ako.

"Yes. That was me."

"T-talaga??"

"Yes Kim. I was your Prince Charming."

Papalapit sya ng papalapit sakin na parang nagtatangkang halikan ako.

"I-ikaw yung--"

"Yung payat na palagi mong hawak hawak kasi mabagal akong tumakbo. Ang saya ko naaalala mo na ko Snow White ko."

Isang hakbang nalang nya mahahawakan na nya ko ng magsalita naman ako.

"Ahhh. OK."

Sabay talikod ko at diretso lang sa paglalakad.

"KIM! What the-- KIM! Aren't you going to hug me or something? Hindi mo man lang ba ako namiss?!"

"Nah."

Kumaway ako sakanya habang naglalakad parin patalikod sakanya. Sya pala yun, oh well. Si Joshie din yung batang niligtas ko noon, so patas lang. Tsaka nadissapoint na ko sakanya, mabait pa sya nung bata sya eh dapat di na sya lumaki.

Nasa overpass na kami pero sinusundan nya parin ako. Pinagtitinginan kami ng ilang estudyante wala akong pakialam.

"KIM! We have to talk! Please!"

Nasa hagdan na ko pababa ng tumigil ako at nilingon sya mula sa taas. Ngumiti naman sya ng nakakaloko nung tumingin ako sakanya.

"Nah, we don't have to."

"Kimberly naman!"

at tumalikod ako ulit at dumeretso pababa ng hagdan sabay sakay ng Jeep. Umandar na agad yung jeep pagkasakay ko, buti naman. Nakita ko pang nakayukong naglakad pabalik ng campus si Stan. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Ang sama ko ba masyado sakanya? Nayabangan ako sakanya, tama naman yung ginawa ko diba? HAY!

"Manong, para po!"

Tumigil naman agad yung jeep at pababa na sana ako ng pigilan ako ni Manong.

"Ineng hindi kapa nagbabayad."

"Manong, sa kanto nyo lang naman ako naihatid!"

"Bawas gasolina parin yun neng."

Anak ng tokwa. Kumuha ako sa wallet ko ng bente at iniabot kay manong.

"Keep the change."

Sabay ngiti sakin ni Manong. I'm being sarcastic Manong wag mo ko ngitian! Nakangiti parin sya, anak ng. Bumaba nalang ako ng jeep at tumakbo papuntang ACA.

"Stan!"

Naabutan ko sya bago pa sya makapasok ng building.

"K-kim? Kim!"

Tumakbo sya papunta sakin at niyakap ako. Ok, strike 1.

"E-ehem"

Agad naman syang bumitaw.

"Ay sorry heh he! Natuwa lang ako hehe, ba't bumalik ka? Bati na tayo?"

Titigan ko sya ng mabuti at ngayon nakikita ko na talaga si Josh sakanya. Magpagupit kalang Stan, kamukhang kamukha mo na yung Joshie ko.

"Oo bati na tay--"

"YES!!"

Lumapit na naman sya at akmang yayakap na naman sakin ng pigilan ko sya.

"Hephep! In one condition."

"Aww." Yumuko sya na parang nadissapoint pero ngumiti ulit.

"Ititigil mo yang pakikipagflirt mo sakin. Never na may magyayaring DATE saten, at magiging mabait ka kay Heathe--"

"WHAT!"

"Hindi pa ko tapos!"

"Ay sorry, go on."

"You will take her on dates."

"No way."

"Yes way, kung gusto mong magbati tayo."

Yumuko sya at tinitigan ako habang nakapamewang naman ako.

"Fine."

"Makikipagdate kana kay Aragon?!"

"Oo na!"

Napatalon ako sa tuwa na parang gusto ko na agad sabihin kay Heather yung good news ko para sakanya.

"Hanggang date lang ah."

Nagglare ako sakanya.

"What? Pano kung hindi ko talaga sya nagustuhan ipipilit mo parin ako sakanya?"

"Fine. But be nice to her, she's not that bad okay."

"Opo Snow White ko."

Ano daw? Snow White...KO?!

"And don't call me that. May boyfriend na ko."

"So? Boyfriend palang naman ah. Hindi pa asawa, naaagaw pa hahahaha!"

"Bye."

Sabay talikod ko sakanya.

"Uy! Joke lang eh!"

"Goodbye Stan, wag mong kalimutan yung deal naten."

"Aalis kana talaga?"

"Oo. at this time, it's for sure."

Narinig ko pang tumawa sya at nagbabye sakin pero di ko na sya nilingon. Atleast, malinis na konsensya ko natulungan ko pa si Aragon.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon