Gottaha Have Her (36)

861 27 0
                                    

Graduation Day. Part 1

"You look handsome bro!" Bati ng kapatid na babae ni Josh. Ngumisi lang sya at kinuha ang phone nya para itext si Kim.

"Paalis na ko ng bahay Princess, I'm ready. Are you ready?"

Message sent.

--

One message received from Joshie ❤

"Paalis na ko ng bahay Princess, I'm ready. Are you ready?" Napatitig si Kim sa message ni Josh. Masaya sya dahil gagraduate sya at valedictorian pa, ready na ready sya para dun. Pero ang araw nadin nato ay ang araw na ihahatid nya sa airport si Josh.

"Sa graduation oo ready na ko. Sa pag-alis mo hindi." Bulong ni Kim habang tinititigan ang message ni Josh. Nagreply din sya dito agad agad.

"Yep. Ready na ko :)"

Message sent.

*Inhale,exhale*

"Kakayanin ko to. Hindi ka iiyak Kim, hindi ka iiyak ok? Wag kang madrama, hindi ka artista hindi ka mananalo ng award dyan so don't cry. Tsaka kana umiyak pag nakasakay na sya ng eroplano, wag mong ipapakita sakanya na umiiyak ka dahil baka di sya matuloy ng dahil sayo. Wag maarte, kaya mo yan. Valedictorian ka diba? kayang kaya mo yan. Sus, sisiw! Hindi ako iiyak! Aja!"

Kinakausap na ni Kim ang sarili habang tumatalon para wala ang kaba at bigat ng pakiramdam nya, shinishake pa nya ang ulo at kamay nya na parang naghahanda lang manapak. Inaalis nya rin muna sa isip nya si Josh dahil sa tuwing naaalala nya ito ay nagtutubig agad ang mga mata nya.

"Anak handa kana ba?" Tanong ng Mama ni Kim sakanya.

"Bat lahat kayo nagtatanong kung ready na ba ko? Ready na ko! Kaya ko na!" Nasa isip isip ni Kim.

"Opo Ma! I'm so ready!" Pinilit na lokohin ni Kim ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagngiti sa ina at niyakap nya ito.

"Ma, ikaw aakyat ng stage mamaya ha? Wag mong papaakyatin si Kuya." Sabi ni Kim habang yakap yakap ang ina.

"Oo naman anak haha. Halika na bumaba na tayo at may regalo ako sayo." Bumitaw ng pagkakayakap si Kim at tiningnan ang ina.

"Regalo? Ma, alam nyo namang ayoko ng surprises diba?"

"Graduation mo ngayon at Valedictorian pa, exemption ngayong araw ang surprises ok?" Nginitian na lamang ni Kim ang kanyang ina at bumaba na sila. Pagbaba nila wala namang pagkain o mga regalo na nakikita si Kim. Normal na ayos lang naman ang mga gamit sa sala, parang wala namang surprise.

"Mama talaga sabi may surprise e wala nama--" Napatigil si Kim sa pagsasalita ng makita nyang pumasok ang kanyang Ama at nagaayos ng polo nito.

"Ayos na ba tong suot ko anak? Gusto ko nakapolo ako sa graduation ng matalinong kong anak." Ngumiti ito sakanya at ganun din ang kanyang ina sakanya.

"PAPA!!" Agad na binitawan ni Kim ang kanyang bag at tumakbo papalapit sa kanyang Ama. Kinarga naman sya ng Papa nya at niyakap sya ng mahigpit. Ipinangako ni Kim na hindi sya iiyak ngayong araw pero ang makitang muli ang kanyang Ama matapos ang 5 taon na pagtatrabaho nito sa ibang bansa e hindi na nya napigilan ito.

"Papa!" Hindi mapigilang humagulgol ni Kim dahil miss na miss na nya ang kanyang ama na dati'y kinakausap nya lamang sa telepono.

"Oh oh oh, wag kang umiyak nasisira ang make up sayo ng mama mo oh!" Sabi ng Papa nya habang pinupunasan ang mga luha ng kantang anak.

"Thankyou Mama, ito na ang best gift na natanggap ko." Yumakap din sya sa Mama nya na lumapit din sakanila.

"So, kayo lang nagyayakapan ganon?" Sabat ng kuya ni Kim na kararating lang din galing byahe mula sa cavite.

"Kuya!" Tumakbo na naman si Kim papunta sa Kuya nya at natumba sila pareho dahil natapilok ang kuya nya sa pagtakbo nya.

"Grabe, dati binubuhat lang kita ngayon kaya mo na kong patumbahin!" Nagtawanan naman ang Mama at Papa nila sakanila.

Hindi mapaliwanag ni Kim ang sayang nararamdaman nya dahil kumpleto ang pamilya nya sa araw ng pagtatapos nya. Wala ng sasaya pa sa estudyanteng magtatapos na nandyan ang pamilya para sumuporta, ngunit isang bagay pa ang naalala ni Kim. At yun ay ang pag-alis ni Joshua, nakaramdam naman sya ng biglaang lungkot ng maalala yun.

"Anak balita ko may boyfriend ka?" Tanong ng Papa nya sabay akbay nito sakanya.

"Ok lang po ba Pa? Hindi naman po ako nagpapabaya sa pagaaral. Kita nyo nga Valedictorian pa ako." Pinisil naman ng Papa nya ang pisngi ng anak.

"Hindi naman kita papagalitan. Nasabi rin sakin ng Mama mo sakin na nagkulong ka sa kwarto ng malaman mong sa ibang bansa sya magaaral ng kolehiyo." Tumingin agad si Kim sa Mama nya at nagglare sya dito.

"Oh wag mo kong titigan ng ganyan, Papa mo yan kailangam updated sya sa mga nangyayari sainyo ng kuya mo."

"Pfft. Opo sa states daw sya magaaral dahil kagustuhan yun ng mga magulang nya." Napatungo si Kim sa mga sinabi nya.

"Edi kung ganun may regalo ako sayo." Biglang hinarap ni Kim ang Papa nya at tinitigan ito.

"Regalo? Hindi pa ba ito yung main gift?" Natawa ang Papa nya sa reaksyon ng anak.

"Hindi pa anak. Bat hindi mo na ihanda ang mga gamit mo? Gagraduate kapa diba?"

"Eeeh? Ano po yung regalo?" Pagpupumilit ni Kim sa Ama.

"Wag ka makulet. Tara na gagraduate kapa, gutom na gutom na ko." Reklamo ng kuya nya at nagsitawanan na lamang sila.

"Ang arti, may pa mystery effect pa. Hmm...ano kaya yung regalo? Nakakacurious." Nasa isip isip ni Kim at umalis na sila ng bahay papuntang school.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon