Gotta Have Her (65)

724 14 0
                                    


Stanley's POV

Mahigit isang oras din syang umiyak, wala akong magawa kundi damayan sya. She cried herself to sleep, awang awa ako sakanya. Naninigas yung kamao ko kanina habang humahagugol sya sakin, hindi ko sya kayang makitang umiiyak ng ganun. Ako yung nasasaktan para sakanya, gusto kong sugudin yung taong nagpaiyak sakanya pero ayokong umalis sa tabi ni Kim ngayon kung kailan higit na kailangan nya ko. Nakatulog sya sa kakaiyak, kanina ko pa tinawagan yung driver ko para maihatid ko sya sa bahay nila malamang hinahanap na sya sakanila.

Tinititigan ko sya habang mahimbing syang natutulog sa mga bisig ko. Ang amo amo ng mukha nya para umiyak ng ganun, hayaan mo Kim yan ang huling iyak mo. Simula ngayon hindi hindi na ko makakapayag na saktan ka ulit ni Joshua o ng kahit na sino. Hinahaplos haplos ko yung pisngi nya at hinalikan ko sya sa labi.

Hinding hindi na ko makakapayag na malapitan o mahawakan ka ni Joshua kahit isang hibla ng buhok mo hindi nya mahahawakan pangako yan. I will always be your Knight in Shining Armor Snow White ko.

Ilang minuto pa dumating na yung driver ko kaya binuhat ko na sya na parang bagong kasal at dahan dahan syang isinakay sa kotse. Pinakuha ko pa sa driver ko yung gitara at mga gamit namin sa tuktok ng bangin bago kami umalis, yung isang driver ko naman ang bahala sa motor ko.

"Adrian, kila Sanchez tayo."

Pinaandar na ni Adrian yung sasakyan at tumungo na kami papunta kila Sanchez. Alam namin ang bahay nila Kim dahil sa gabi ay pumupunta kami sa tapat ng bahay nila para titigan sya sa bintana nila habang nagbabasa sya. Matagal ko na syang sinusubaybayan, lahat ng hilig nya pag nasa bahay sya alam ko narin. Stalker na kung stalker, mahal ko na kasi yung inisstalk ko e.

Pagdating sa bahay nila, buhat buhat ko parin si Kim hanggang sa pagbuksan kami ng gate ng Mama at Papa nya. Agad silang tumakbo nung nakita nilang buhat buhat ko ang anak nila.

"Anong nangyari sa anak ko?!" Natatarantang tanong ng Mama nya.

"Natutulog lang po sya wag po kayong magalala Mrs. Sanchez."

Huminahon naman ang Mama nya sa sinabi ko, pero yunh Tatay nya mula ulo hanggang sa papa ang titig sakin.

"Osha pumasok ka muna iho sa loob gabing gabi na mahahamugan kayo nyan, pasok na pasok na sa loob."

Kinuha sakin si Kim ng Papa nya at dinala sya sa kwarto nya. Nanatili naman ang Mama nya sa kwarto mya para palitan sya ng damit. Magpapaalam na sana ako dahil ligtas ko naman ng naihatid si Kim pero tinititigan ako ng Papa nya na parang gusto nya kong interviewhin.

"Nakatulog lang po sa kakaiyak si Kim, wag po kayong magalala mahal ko ang anak nyo wala akong masamang intensyon sakanya."

Nagulat ang Papa nya sa diretsuhan kong pagsasalita sakanya. Hindi ako natatakot, sasabihin kong lahat sa mga magulang nya kung kinakailangan para pagkatiwalaan nila ako sa anak nila.

"May boyfriend na si Kim iho, alam kong mah--"

"Kakambal ko po si Joshua."

Kalalabas lang pala ng Mama ni Kim sa kwarto nya ng mabagsak nya yung maliit na planggana sa sinabi ko.

"M-may kakambal si Joshua?" Tanong sakin ng Mama nya.

"Opo, mahabang storya po pero ang totoo po ay hindi makakabalik si Joshua para kay Kim dahil inarranged marriage po sya ng mga magulang nya sa iba. Hindi pa po yun alam ni Kim dahil mas minamabuti ko pong si Joshua ang magsabi sakanya."

"P-pero sabi mo mahal mo ang anak namin?"

"Opo. Mahabang kwento rin po pero nung mga bata pa po kami nila Joshua at Kim, kilala na po namin ang isa't isa. Nagkataon lang pong iisang babae ang nagustuhan namin ni Joshua. Pero ngayon po nandito ako, hindi ko hahayaang masaktan sya ulit ipinapangako ko po yan sainyo."

Nagtinginan ang mga magulang ni Kim na parang hindi sila makapaniwala sa pinagsasabi ko pero sa lahat ng panahong naging maloko ako, ngayon lang ako nagseryoso ng ganito para sa isang babae.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon