Gotta Have Her (91)

791 18 0
                                    

Hindi ko magalaw yung pagkain na nakahain sa harapan ko. Iniisip ko yung sinabi ni Stan, sinabi ko ba talaga yun? Na mahal ko pa si Josh?

Mahal ko pa ba talaga sya? O sadyang lasing lang ako nun? Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko sa lamesa para lumabas ng bahay.

"Oh anak, san ka pupunta? Hindi mo ginalaw yung pagkain mo."

"Magpapahangin lang po ako sa labas Pa."

"May problema ba?"

"Wala naman po Pa. Labas po muna ko." Nagnod sakin si Papa at lumabas na ko. Kailangan ko ng hangin, kailangan ko magisip kung papakilala na ko ni Stan sa pamilya nya that means totohanan na kami. Kung mahal ko si Joshua dapat itigil ko na, nagiging unfair na ko kay Stan.

Tumambay ako sa playground, ang daming batang naglalaro. Buti pa sila walang problema, masaya lang silang naglalaro. Sige magsaya kayo after 10 years poproblemahin nyo narin yung pinoproblema ko. Magmamahal kayo tapos masasaktan kayo, iiyakan nyo yung taong yun kasi iniwan kayo. Magiging matapang kayo, magiging manhid. Lahat ng pagiisip nyo magiging negatibo, tapos kung kailan nakalimutan nyo na sya tsaka babalik yung mga taong minahal at umiwan sainyo. Ganyan yan sila, kung kailan nakawala kana sa bigat na nararamdaman nyo tsaka sila magpaparamdam. Tapos babalik sila may asawa na pala, bakit pa sila bumalik diba?! Tapos nakilala mo yung kapatid nya, minahal, inalagaan, at naging malapit sya sainyo kaya tingin nyo mahal nyo na sya pero ang totoo nagiging panakip butas lang sya. Mahal nyo pa yung isa pero may asawa na kaya kailangan nyong lokohin yung sarili nyo na mahal nyo yung kapatid nya. Tapos kung kailan naging kayo na ng kapatid nya at tumagal kayo ng dalawang taon tsaka babalik yung isa at divorced na sa asawa nya. Single na sya ngayon, at kayo naman yung taken. Kayo na naman ulit yung mahihirapan kasi kayo naman yung nakatali. Oo gustong gusto mo sya kasi perpekto at walang bagay na hindi mo magugustuhan sakanya pero wala. Hindi mo sya ganun kamahal di katulad ng kapatid nya na tatlong taon ng nakalipas pero yung pagmamahal mo sakanya hanggang ngayon may lamat pa!

"Kung galit ka sa mundo, wag mong idamay yung mga damo."

Nakahawak na pala ako sa damuhan at pinagtatanggal sila, lumingon ako sa nagsalita, sya pala.

"Tuwing nanabunot ako ng damo palagi kang to the rescue sakanila." Sabi ko habang pinapagpag yung kamay ko at umusog para makaupo sya.

"Haha tinatawag daw nila pangalan ko e kaya dumarating ako agad." Kinindatan nya ko sabay hawak ng kamay ko.

"Do you still love him?" Nakatitig sya sakin, malungkot yung mga mata nya, ano ba tong ginagawa ko.

"H-hindi ko alam Stan. Naguguluhan na ko." Sagot ko sakanya habang nakatingin ako sa mga batang naglalaro.

"Mahal mo ba ko?" Seryosong tanong nya sakin.

"Sa dalawang taon na naging tayo, tingin mo ba hindi kita minahal?"

"Yes or No."

"Mahal kita Stan."

"Pero mahal mo rin sya." Yumuko sya habang hawak parin yung kaliwang kamay ko. He's crying.

"Ayoko na syang mahalin, nahihirapan na ko Stan." Naiiyak nadin ako. Ang sama sama ko sakanya.

Biglang syang humarap sakin at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan nya yung luha ko gamit yung kamay nya. Seryoso nya kong tinitigan sa mga mata ko bago sya nagsalita ulit.

"Marry me Kim. Ilalayo kita sakanya, I'll make you forget everything about him. Tutulungan kitang makalimot. Just please, let me."

Umalis sya sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan ko. May kinuha syang singsing sa bulsa nya.

"Dapat sa harapan pa ng pamilya ko ako magpopropose pero kailangan na ata ngayon. Kimberly Sanchez, will you marry me?"

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon