Gotta Have Her (96)

856 16 0
                                    

4 DAYS LATER

Nakauwi na kami ni Stan sa pilipinas at alam narin ng buong barkada ang pagpapakasal namin. Buong dalawang araw na paghahanda ng venue ang inaasikaso ng lahat. Yung kantang papatugtugin, yung flowers na gagamitin, yung dresses, invitations, guest and all lahat nakahanda na para sa kasal namin bukas. Mamayang gabi naman bachelor's party para kay Stan at bachelorette party naman para sakin. Buong araw akong natulog dahil yun ang number 1 na paalala sakin ng Mommy ni Stan, kailangan daw kasi blooming at well rested ako para sa kasal namin bukas.

Gising na ko at 8pm nadin pala, mayamaya nandyan na sila Heather para sunduin ako. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan at nakita kong may dalawang text message sakin.

"Get ready girl! We are so going to have fun tonight!"

From Chloe.

"Wait for me."

From unregistered number.

Sino to? Subukan ko sanang tawagan pero late na ko, parating na sila Heather dito mayamaya kailangan ko na maligo. Wait for me? Baka si Trixy lang yun, pabago bago ng number ang babaeng yun.

Pumasok ako ng cr, naligo, nagayos, nagbihis and after 1 hour and 30 minutes ready na ko at nasa baba nadin sila. Bumaba ako at nagpaalam kay Mama at Papa.

"Anak, ikakasal kana bukas bakit hindi kita nakikitang ngumiti kahit isang beses man lang?" Nagaalalang tanong sakin ni Mama.

"Mama, ngumiti naman po a?"

"Magulang mo kami, alam namin ang tunay na ngiti sa nagpepekepekean lang." Sagot naman ni Papa.

I sighed. This time ngumiti ako at tunay ang ngiting yun para sa mga magulang ko. Niyakap ko sila pareho at nagbabye na sakanila. Pagbaba ko ang mga babaita sa loob ng Van ang iingay.

"There she is!" Cheer nila sakin paglabas ko ng gate. Si Trixy at Tonette may torotot pa, parang mga bata. Kahit papano napangiti naman ako dahil kasama ko mga kaibigan ko ngayon.

"So, where are we going?" Tanong ko sakanila. Si Heather ang nasa driver's seat at si Chloe naman nakaupo sa tabi nya sa harapan.

"Secret! We are going to partey!" Sigaw ni Trixy sabay blow sa torotot nya nakisabay din naman si Tonette kaya ang ingay na sa loob ng sasakyan. Nagchicheer din naman sila Heather at Chloe sa harapan, umandar na yung sasakyan at walang segundong hindi kami nagtatawanan.

--

Tumigil yung sasakyan sa parang club, sa labas palang ang dami ng iba't ibang ilaw. Baba na sana ako ng sasakyan pero tinakpan naman nila ng panyo yung mga mata ko.

"Oy ano to?"

"Shh, this party is for you! Quiet kalang dyan kasama to sa party." Umirap ako sakanya hindi nya lang nakita dahil nakapiring nga ako pfft.

Inalalayan nila ako hanggang sa pagpasok ng club at puro pang party music na yung mga naririnig ko. Tinatanong ko sila kung nasaan na kami pero hindi naman nila ko marinig ng dahil sa ingay.

Mayamaya pinaupo nila ako, tatanggalin ko na sana yung blindfold ko pero pinigilan parin nila ako. Feeling ko nasa kwarto ako kasi biglang tumahimik at narinig kong may nagbukas ng pinto.

"Um hello? Pwede ko na ba tanggalin to?"

Walang sumasagot except sa footsteps na naririnig ko palapit sakin.

"That's it tatanggalin ko nato."

Pagtanggal ko ng blindfold biglang nagsimula yung Careless whisper na kanta at napapalibutan ako ng limang lalaki na mga nakauniform ng mga pang pulis.

"What the.." Pagtingin ko sa harapan nandun sila Heather at cheer sila ng cheer. Don't tell me hinire nila ang mga lalaking to? Tatayo na ko pero hinarangan ako nung isang lalaki at nagsimulang maghubad sa harapan ko.

"No no no" Pigil ko pero yun na nga dire diretso padin yung paghuhubad nya at kitang kita ko yung mga muscles nya. Mayamaya naghubad nadin yung apat pang mga lalaki, the next thing I know mga nakabrief nalang sila at nakasuot ng next tie habang nagdidirty dance sila sakin. Strip club. Sa strip club ako dinala ng mga babaitang to!

"WHOOO!! DANCE KIMBERLY! DANCE!" Cheer ni Tonette habang nagtotorotot.

"KYAAA!!! KUYA HALIKA KA DITO SAKIN DALI! SAYAWAN MO KO!" Sigaw naman ni Heather at lumapit sakanya agad yung lalaki habang sinasayawan sya.

Nainggit din sila Chloe kaya ayun at kinuha na isa isa yung mga lalaking nagsasayawan sakin hanggang sa isa nalang natirang sumayaw sa harapan ko. Kinukuha nya yung kamay ko para hawakan yung ano nya pero syempre binabawi ko yung kamay ko ayoko magkasala lord.

Ilang oras nakalipas nagkakantahan na kami sa videoke habang nagsasayawan nadin kasama ang mga lalaking sinasayawan kami kanina. Ang sarap makipagsayahan kasama ang mga malalapit na babaeng to sakin, hindi ko narin muna inisip yung tungkol sa narardaman ko basta gaya ng sabi nila para sakin ang party nato kaya dapat magsaya ako. Huling araw nato na magagawa ko to kaya magpapakasaya ako hanggang kailan ko gusto.

"LET'S PARTEY!"

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon