Gotta Have Her (39)

797 24 0
                                    


Joshua's POV

Bakit hindi man lang sya nagpaalam sakin? Apat na taon akong mawawala, huli na ba yung ngiti nya sakin kanina sa stage? Yung kaway at mga tingin nya sakin? Yun na ba yung paraan ng pamamaalam nya? Kanina ko pa sya tinatawagan pero unattended ang phone nya. Tangina hindi ko kayang umalis ng ganito!

"Joshua! Where are you going?!" Sigaw sakin ni Mama.

"Ma, I'm sorry but I can't leave like this. I have to find her. I'll be back I promise."

"Joshua!!" Tuluyan na kong tumakbo palayo kila Mama bago pa nila ako mapigilan. Hindi ko sya kayang iwan ng ganito, kailangan ko syang makita.

--

Kimberly's POV

Pagdating namin ng Airport hindi na maayos ang pagkakaparking ni Papa pero lumabas na agad ako ng Taxi.

"Pa! Mauuna na muna ako hahanapin ko muna si Josh!"

Nagnod si Papa habang kinukuha ang mga maleta ko sa likod ng Taxi. Tumakbo agad ako papasok ng airport at tiningnan ang sched ng flights sa taas.

11:00 -Vegas
1:30 -New York
10:00 -California

Ok. 10 o'clock pa flight nila makakahabol pa ko! Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 9:50 na. Shit!! Pumunta ako sa launge kung nasaan ang mga passengers ng makita ko si Heather. Wait what, Heather Aragon???

"Now, look who we have here."

"Nakita mo....ba si Joshua?!" Hingal na hingal na ko pero wala akong balak magpahinga hangga't hindi ko sya nakikita.

"Joshua? He's here? Where??" Lumingon lingon pa sya sa kanan at kaliwa na parang hinahanap nya si Joshua.

"So, hindi mo sya nakita?!"

"No. At bakit ba dito kayo naghahanapan? Ito na ba bagong dating place nyo? Wow, so romantic." Sarcastic nyang sabi at inirapan pa ko. I don't have time for this. Tumakbo ako ulit at nasanggi ko sya kaya natapilok sya.

"Bitch!"

"Sorry!" Hindi ko na sya mabalikan para tulungan pa syang tumayo dahil sinayang na nya ang 5 minutes na dapat na ginamit ko sa paghahanap kay Josh.

Sa dami ng tao hindi ko na alam kung paano ko sya makikita pero paglingon ko sa kanan, nakita ko ang Mama at Papa pati ang Ate nya na nakaupo sa bench pero wala sya. Lumapit ako agad sakanila para tanungin kung nasaan si Josh.

"K-kim?" Nabubulol pang tanong sakin ng Ate ni Josh.

"Hello po....*inhale,exhale* Nasaan po si Joshua?"

"Hindi mo ba sya nakita? He went back for yo--" Naputol ang sasabihin nya ng tumayo si Mrs. Perial at humarap sakin.

"Nasaan ka nung graduation nyo kanina?"

"N-nasa bahay p--"

"Alam mong ngayon ang alis namin hindi ba? Inuna mo pang maginarte at mas minabuti mong hindi magpaalam sakanya?"

Nagulat ako sa sinasabi nya, pero ... Ano bang pinagsasabi nya? Maginarte???

"Hindi po ganun Mrs. Per--"

"Alam mo gusto naman kita para kay Joshua iha, matalino ka, maganda at mabait. Pero ang attidude mo na ganyan at maging hadlang sa pagaaral ni Joshua sa ibang bansa ang hindi ko magugustuhan saiyo. Para to sa future nya, o sabihin na nating para sa future nyong dalawa. This is for his own good too, so please do me a favor iha, let him be. Alam kong mahal mo sya, pero wag mong papairalin ang pagiging makasarili mo pag kinabukasan na nya ang pinaguusapan."

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon