Gotta Have Her (30)

976 23 0
                                    


Graduation Practice.

"Stay in line! Wala akong makikitang pakalat kalat at wala sa pila!" Sigaw ni Mrs. Campo habang  nasa stage.

Nasa school ground ang lahat ng section ng 4th year at nagpapractice na para sa darating na graduation nila next week. Binigyan sila ng tagiisang copy ng mga kakantahin at ng schedule ng ceremony. Nakita ni Kim na may pinagtitripan si Joshua kasama ang mga kaklase nilang lalake.

"Josh!" Nilingon sya agad ni Josh at tumayo ng maayos pero natatawa parin.

"Sila kasi!"

"Umayos ka dyan isa." Hindi na lumingon si Joshua sa pinagtitripan nila magkakaklase at tumayo nalang ng maayos.

"Alright. At the end of the ceremony, kakanta kayo at sasayaw."

4th year student#1: Wag na ma'am!
4th year student#2: Oo nga ma'am ano sasayawin namin, farewell?
4th year student#3: Uptown girl?
4th year student#4: Ma'am kanta nalang!

"QUIET! Kayo ba ang teacher? Ako diba? Sinong gagraduate? Kayo diba? Walang magrereklamo o walang aakyat ng stage sa graduation nyo!" Gigil na sigaw ni Mrs. Campo sa mga estudyante dahil kanina pa syang umaga nagpapractice sa mga to.

Pinatugtog ang "Farewell at Greatest love of all" tinuruan sila ng mga steps habang nagtatawanan naman ang mga estudyante dahil nakokornihan sila sa mga steps nito.

Matapos ang maghapong magpapractice bumalik sila sa kanya kanyang room at naguwian na.

"Kayo ang gugulo nyo kanina sa pila, hindi na kayo naawa kay Mrs. Campo pag yun inatake sa puso ng dahil sainyo." Sermon ni Kim kay Josh.

"Sila Jomar kasi e haha, sorry na yaan mo bukas hindi na." Hinawakan ni Joshua ang kamay ni Kim at nginitian ito.

"Isang linggo nalang gagraduate na tayo, Isang linggo nalang aalis kana."

"Oh, isang linggo na nga lang papaalala mo pa. Wag nalang muna natin alalahanin yun ha? Smile Princess, hindi bagay sayo nakasimangot." At pinisil pisil nito ang pisngi ni Kim.

"Ginutom ako. Tara kain kwek kwek?"

"Tara! Nako gutom na gutom ako makakasampu akong kwek kwek." Hinila sya ni Josh at pumunta sa bilihan ng kwek kwek.

"Manong painit po ng 13 na kwek kwek."

"Huy! Ang dami naman nun, hanggang 3 lang ako." Pigil ni Kim.

"Oo nga, kaya nga 13, Sampung piraso sakin tapos 3 sayo."

"Ang takaw mo, masama kumain masyado ng itlog. Ang taas sa cholesterol nyan."

"Please, wala nito sa pupuntahan ko kaya lulubos lubusin ko na." Nagpuppy eyes si Josh at nagpout kay Kim.

"Hala sige. Basta kaya mo e."

"Yey!" At kumain sila  ng kwek kwek habang bumuli din sila ng palamig. Gutom na gutom si Josh na halos wala ng bukas kung kumain ito. Si Kim naman ang tagapunas ng bibig nito tuwing may naiiwang pagkain sa pisngi nito.

"Hinay hinay lang. Para kang mauubusan." Ngumiti lang si Josh at patuloy paring kumain ng kwek kwek.

Kinagabihan, hinatid ni Josh si Kim sakanila.

"Kumain ka parin ng kanin ha? Puro itlog lang yung kinain natin."

"Opo mahal na Prinsipe."

"Osige na dito na ko. Sumakay ka ha"

"Hindi na maglalakad nalang ako."

"Sumakay ka, ang dilim na sa dadaanan mo oh. Gusto mo bang magalala ako?" Sabi ni Kim habang hahawak nito ang kamay ni Josh.

"Okay okay, sasakay na po."

"Goodboy. Goodnight." Hinalikan sya ni Kim at tumugon naman ito.

"Iloveyou goodnight."

"Iloveyoutoo goodnight Princess."

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon