Gotta Have Her (58)

707 15 0
                                    


Kimberly's POV

Ang sakit ng ulo ko para pumasok, puyat na puyat ako kakaantay ng tawag ni Josh pero 3am na hindi parin sya tumatawag. Sabi nya antayin ko sya, tapos wala naman pala kong dapat antayin. Dagdag pa tong sipon ko, naubos ko na yung apat na rolyo ng tissue kagabi hindi parin sya nauubos!

"Oh hindi kaba papasok anak?"

Bumaba ako at umupo sa lamesa sabay tungo.

"Ma, may gamot ba tayo sa sakit ng ulo? Para kong masusuka."

Lumapit si Mama para hawakan noo ko at nakapa nyang mainit ako.

"Aba e may lagnat ka, kaya mo bang pumasok?"

"Kaya naman Ma, penge nalang ako ng gamot para sa sakit ng ulo please."

Ngumiti pa ko ng parang bata kay Mama para di na sya magalala, aalis kasi sya pupuntahan nya si Kuya sa Cavite. Pwede namang hindi ako pumasok, kaso magisa lang ako dito sa bahay maboboring lang ako.

Pagkatapos kong magayos at magbihis ng uniform, kahit isang segundo hindi ko nilubayan ng tingin yung tablet ko. Umaga na ba't hindi parin tumatawag si Josh, usually ganitong oras nakikita ko syang natutulog sa tablet ko. Sumampa ako sa kama ko at kinuha yung phone ko para itext sya.

"Magparamdam ka nagaalala ako sayo."

Message sent.

Ngayon lang sya hindi tumatawag sakin ng ganyan, kung ano ano na iniisip ko. Baka nabundol yun? O baka nakidnapped, o baka nanakawan? Pano pag napaaway yun tapos napagtulungan sya? Hala baka may sakit yun ngayon tapos nasa ospital sya? Ay shet baka nasa hotel yun ngayon at natutulog na may katabing babae! Sa inis ko sinasakal ko na pala yung unan ko. Ano ba Josh, may rules tayo diba? Hindi tayo mawawalan ng communication kasi nakakabaliw magisip ng kung ano ano! Mabuti sana kung close kami ng Ate nya para matanong ko kung ano ng kalagayan nya e hindi eh. Yung parents nya kaya? Nako ayaw na ayaw naman sakin ng Mama nya. Remember nung sa Airport? Ang taray ng Mommy nya sakin. Letse. KAYA AYOKO NG LDR E!

AYOKONG! *PUNCH*

NAGIISIP! *PUNCH*

NG! *PUNCH*

KUNG! *PUNCH*

ANO! *PUNCH*

ANOOOO! *PUNCH* *PUNCH* *PUNCH* *PUNCH!*

Bigla akong nanghina kakasuntok sa unan ko. Napaupo ako sa kama ko, kung kailan nakabihis na ko lahat lahat tsaka ko tinamad pumasok. Ayoko na pumasok. Kaso nakabihis na ko nakakatamad naman maghubad ulit, oo na ako ng pinakatamad na taong nakilala nyo.

I grabbed my bag at tumalon talon bago ako bumaba at pumasok sa school para mawala yung katamaran ko.

"Bye Ma!"

"Mainit ka wag kanang pumasok nak"

"Ma, okay lang ako don't worry! Ingat kayo dun ha? Batukan nyo si Kuya para saken pakisabi snobber sya hindi nya ko nirereplyan. Byee!"

Humalik ako sa pisngi ni Mama bago tumakbo palabas ng bahay. Life is too short to think about him, siguro busy lang sya kaya ganun. Tatawag din sya mamaya, tiwala lang.

--

Pagdating ko sa school, bago ko buksan yung pinto ng classroom namin may naririnig akong naggigitara habang kumakanta.

♬ And I'd give up forever to touch you, 'Cause I know that you feel me somehow. You're the closest to heaven that I'll ever be, and I don't want to go home right now. ♬

Boses alam mo ng si Stan yung kumakanta. Dahan dahan akong pumasok ng classroom at marahang ko ring sinasarado yung pinto kaso biglang hinangin at yun. Bumagsak sya ng pagkalakas lakas, and I caught everyone's attention.

"Oops."

Napakagat labi ako, so much for attention eh Kim?

"Oh Kim! Nandyan kana pala halika"

Bati sakin ni Clyde at pinaupo nya ko sa harap ni Stan.

"Ano gusto mong kanta?"

Tanong sakin ni Stan habang nakangiti sakin na parang bata. Oo na cute kana.

"Um..ano bang kinakanta mo kanina?"

"Iris. Gusto mo yun?"

"Ok lang, sige yun nalang."

Ngumiti ulit sya sakin bago sya nagsimulang tumugtog. Nasa pinakaharap nya ko so nagmumukhang hinaharanahan nya ko habang kumakanta sya.

♬And I don't want the world to see me, 'Cause I don't think that they'd understand. When everything's meant to be broken, I just want you to know who I am. ♬

Somehow nafefeel ko yung kanta nya. Pakiramdam ko malungkot sya, bigla pumasok lahat sa utak ko na lumaki syang itinataboy ng sarili nyang pamilya dahil hindi sya kadugo ng mga to. Kahit yung kwento sakin ni Josh nagmumukha syang masama pero kahit ganun hindi naman talaga sya masamang tao. Mabait sya, siguro nga lang nagiisa sya at kailangan nya ng taong iintindi sakanya.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon