Gotta Have Her (32)

886 28 0
                                    


The next day, hindi pumasok sila Joshua at Kimberly para sa graduation practice. Maghapong nagkulong si Kim sa bahay samantalang maghapon namang nanonood ng movies si Josh. Kahit may away silang dalawa hindi nya maikakaila na namimiss nya ito dahil ni isang text o tawag man lang ay hindi nagparamdam si Kim.

"Pao, pumasok ba si Kim ngayong araw?"

Message sent.

Agad namang umilaw ang phone ni Josh at nagreply agad si Pao.

"Nope. Parehas kayong absent, akala nga namin magkasama kayo e."

"Fvck." Tumayo agad si Joshua, nagbihis at umalis ng bahay.

---

Inakyat na ng mama ni Kim ang anak dahil buong araw na tong hindi kumakain.

"Anak, gabi na kumain kana."

"Hindi ako gutom ma." Malamig na sagot ni Kim habang nakahiga sa kama at nakatalikod sa ina.

"Ikaw ang bahala, pero pag nagutom ka may pagkain sa baba ok?"

"Opo."

"Sigurado kabang ayaw mong pagusapan natin yang problema mo anak?"

"Hindi na ma ayos lang ako. Matulog na po kayo." Nagbuntong hininga ang ina nito at bumaba na.

Nakatitig lang si Kimberly sa bintana buong araw ng biglang may bumato dito. Tumayo sya at dumungaw sa labas ng makita nyang nasa baba si Joshua.

Bumaba sya at lumabas ng gate.

"Anong ginagawa mo dito." Malamig na tanong ni Kim.

"Hindi ka pumasok ngayong araw."

"Graduation practice lang yun hindi importante ang attendance." Lumapit sakanya si Josh at niyakap sya.

"I'm sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko, I didn't mean to yell at you." Bumitaw sa pagkakayakap nya si Kim at nagsalita.

"Ok lang naiintindihan ko."

"Hindi ka galit?"

"Hindi."

"E ba't hindi ka nagtext, tumawag o nagparamdam man lang sakin buong araw?"

"We had a fight. May pride ako at mataas yun masyado para ibaba ko. Plus, ikaw ang nanigaw satin hindi ako. Ikaw rin nangiwan satin at hinayaan akong umuwi magisa at hindi ako."

"At hindi ka galit?"

"Malamang galit ako! Ano ba nangiinis kaba?"

"Tinanong kita sabi mo hindi ka galit." Nakaramdam ng inis si Kim at tinalikuran si Josh at papasok na sa gate ng pigilan sya nito.

"Nagselos ako ok. Nung nakita ko kayong magkasama, nainis ako. Hindi nga inis yung naramdaman ko e, galit. Tapos pinupuno pa ako ng gagong yun para patulan ko sya, dalawang beses nya kong binunggo at sinabing parang babae ako sumuntok. Kaya hindi ko napigilan sarili ko, I'm sorry I yelled at you. I'm really sorry." Humarap si Kim at naglakad palapit sakanya.

"Apology accepted." Ngumiti sya at niyakap si Joshua na sya namang niyakap din sya.

"Wag mo na kong sisigawan ulit, nagmura kapa. Ako ba yung minura mo o sadyang galit kalang?" Bumitaw sa pagkakayakap si Josh at hinawakan ang pisngi nya.

"Galit lang ako nun, at hinding hindi kita mumurahin no. Yung mura na yun para yun sa walang kwentang ex mo na walang ibang ginawa kundi guluhin tayo." Napangiti si Kim at hinawakan ang kamay nito.

"Namiss kita. Aalis kana nga sa isang bukas tapos sinayang pa natin tong araw nato." Sumimangot si Kim at tumungo.

"Don't worry. Bukas may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Surprise yun. Babawi ako sayo dahil inaway kita."

"Hindi tayo papasok?" Ngumiti si Josh at hinalikan si Kim.

"Susunduin kita bukas ng maaga para maaga tayong makarating dun okay?"

"Hindi tayo papasok?"

"Ikaw na nagsabi, graduation practice lang yun hindi importante ang attendance." Hinalikan sya ni Joshua sa noo, sa magkabilang pisngi, sa ilong at nagstay sya sa labi ng ilang segundo tsaka sya bumitaw.

"Matulog kana, at kumain ka alam kong wala kang kain kanina ko pa naririnig na nagrereklamo yang tyan mo. I'll pick you up at 6. Magdala kanang mga panglamig na damit okay? Iloveyou goodnight my princess." Naglakad palayo si Joshua at iniwang nagtataka si Kim.

"Damit na panglamig?" Sa isip isip nya at pumasok na sya sa loob ng bahay at kumain gaya ng sinabi ng mahal nyang prinsipe.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon