Gotta Have Her (43)

857 21 0
                                    


Pagpasok namin sa room, puro kababaihan palang kaya napili naming sa likod umupo sa tabi ng bintana dahil mahangin dun.

May spare time pa kaming 20mins. kaya minissage mo muna si Joshua.

"Nasa room na kami ni Aragon, magkaklase kami sa isang subject kaya magkasama kami ngayon. Ang daming gwapo!"

Message sent.

Wala pang ilang minuto may reply na agad sya.

"Ako lang ang gwapo! Pikit mo mga mata mo ako lang dapat gwapo sa paningin mo."

Natawa naman ako kaya napangisi ako at siniko ako ni Heather.

"Kung kinikilig ka dun ka sa labas! Nakakatakot ka bigla bigla kang ngumingiti dyan!"

Tinawanan ko lang sya. at nireplyan si Joshua bago ko pa itago phone ko.

"Sus, inggit kalang kase wala kang lovelife at napunta sakin si Josh."

"Huh! Sayo na yan, sa dami ng gwapo dito baka hindi pa nga ko makapili hahaha!"

"Tanong, pipiliin kaba nila?"

Binunggo nya ko ng balikat nya at natawa lang ako sa reaksyon ng mukha nya. Mayamaya may mga pumasok sa loob ng room at nakita namin yung mga lalaking gwapo este- yung mga lalaking pinagsanasaan ni Heather sa baba.

"How do I look? I think I look pale!" Kinakabahan na naman sya para katulad lang nung pageant sa Mr.&Ms.HSU sa former school namin.

Umupo sa kabilang desk yung limang lalaki sa may gilid namin. Mga tatlong upuan lang ang pumapagitna samin.

Ginigitgit ako ni Heather at ngumunguso sakin.

"May sakit kaba? Ba't nagaala donald duck ka dyan?"

Mukha talaga syang donald duck sa ginagawa nya pramis.

"Palit tayo upuan dali tabi na dyan!"

Tong babaeng to, ako kasi nakikita nung mga lalaki at natatakpan ko sya kaya gusto nyang makipagpalit ng upuan. Inirapan ko sya at tinatapik pa nya yung legs ko.

"Bilis Sanchez!"

"Sandali Aragon!"

Kinuha ko yung bag ko at nagpalit kami ng upuan. Simula ng umupo sya don wala na syang ginawa kundi magpapansin dun sa pinakamatangkad na lalaki sa kabilang desk.

Ang gaga nagkunwaring nalaglag ang ball pen nya at yumuko na nakaluwa ang cleavage nya.

"Seriously Aragon? Cleavage ang galawan mo dyan?"

Siniko naman nya ko habang dahan dahan syang bumalik sa pagkakaupo. Slowmo ang gaga.

Napansin ko namang nakatingin na pala samin yung limang lalaki at ayaw kaming lubayan ng  makakapal nilang mga kilay.

Nagkatinginan kami nung isang lalaki na may hawak ng gitara at bigla akong ningitian.

Ngingiti ba ko pabalik? May BOYFRIEND na ko e, suplada dapat.

Hindi ko sya nginitian pabalik at bumalik nalang sa dinodrawing ko sa likod ng notebook ko.

"Aragon, tumigil ka nga dyan."

Nakikipagtitigan na sya dun sa matangkad na lalaki at nagkakagat labi pa sya.

"Aragon, galawang pokers?"

Nilingon nya ko sabay sabing dun sya uupo sa tabi nung mga lalaki.

"Hindi ka naman nila pinapaupo tapos tatabi ka dun?"

"Sanchez, kanina pa kami nagkakatitigan. Nagiibigay na sya ng sign! Aarte pa ba ko? Dyan kana kita tayo sa cafeteria mamaya. Byiee!"

Nagkunwari syang nakipagbeso beso sakin sa hangin habang malanding kumekendeng at tumabi na sya dun sa mga lalaki.

At iniwan nya kong nagiisa, talande talaga.

Ilang minutong nakalipas nakita ko ng nakikipagbiruan na si Heather sakanila. Tumutugtog na yung lalaking may gitarang nakipagtitigan sakin kanina.

Naririnig ko boses nya kahit malayo ako sakanila. Buong buo at ang gwapo ng boses nya. Sana naging boses nalang sya.

Dumating narin ang prof namin at dun na talaga umupo si Heather sakanila, yung babaeng yun kahit kailan iniiwan ako para sa lalake.

"Sitting arrangement tayo, ayoko ng mga katabi nyo ang iingay nyo."

Sabi nung bakla naming prof. Gay sya halatang halata kase sa lipstick nya at nakaeye shadow. Seryoso, allowed yun sa mga prof? Haha

Pinatayo kami lahat at isa isang umuupo pag tinatawag yung pangalan nila. Alternate ang ayos ng upuan, lalake at babae.

Sino naman kayang makakatabi ko dito? Inikot ko yung mata ko kung sinong qualified sakin para maging katabi ko. Paglanding ng mata ko sa dulo nahuli ko na namang nakatingin sakin yung lalaking may gitara.

"Sanchez, Kimberly."

Agad na bumalik ako sa wisyo ko at tumingin sa bakla naming prof. Umupo ako sa tinuturo nyang upuan ng tawagin na nya yung pangalan ng magiging katabi ko.

Kinabahan ako bigla, parang alam ko na kung sino makakatabi ko.

"Tahara, Stanley. Sit with Ms. Sanchez. Next--"

May nagusog ng upuan ko at nauna nyang ilapag yung gitara sa harap ng desk nya.

Sabi na sya makakatabi ko, sorry Josh kung nandito kalang siguro kanina mo pa tinititigan ng masama tong nakatabi ko. Wag ka magalala, hindi ako lalandi.

Hindi ako lalan--

"Hi, I'm Stanley, but you can call me Stan for short."

Nginitian nya ko at nilahad nya yung kamay nya na para bang nakikipagshake hands. Uso pa ba shakehands?

Nagdadalawang isip ako kung makikipagkamay ba ko, pakiramdam ko kasi nasa tabi tabi lang si Josh at tinitingnan ako ng masama pag nakipagkamay ako dito.

Shrek, makikipagkamay lang ako okay? No big deal.

Hinawakan ko yung kamay nya at nagpakilala din.

"Kimberly."

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon