Gotta Have Her (97)

876 18 0
                                    

WEDDING DAY

"Panic! Panic! Panic! Where is Miranda? She was supposed to be here ten minutes ago! Now who's going to do Kimberly's hair? Ugh we only have three hours! This is already disaster!"

Nakaupo lang ako at nakaharap sa salamin habang pinapanood ang Mommy ni Stan na nagpapanic dahil wala pa yung magaayos ng buhok ko.

"Um Tita, It's fine maybe she got caught on the traffic. She'll be here soon." Sinusubukan ko syang pakalmahin pero back and forth parin syang naglalakad sa likod ko.

"No. We need her now. Your make up is done, thanks to Samantha. Your dress is ready thanks to Alexandria. But your hair is nappy as can be! Argh!"

Natatawa nalang kami ni Heather sakanya, actually Heather can do my hair pero tuwing sinusubukan naming sabihin sa Mom ni Stan lalo lang syang nagffreak out. May pumasok sa pinto at laking pasalamat ni Tita ng dumating na sya.

"I'm here! I'm here, I'm sorry there was traffic."

"Atleast you're here now. She needs to be ready in three hours. Think you can get her looking presentable by then?" Kausap ni Tita si Miranda.

"Of course. I don't have much to do anyways. She already look beautiful, you were blessed with lots of natural beauty."

Napangiti naman ako, kahit may konting blush on na ko namula parin yung pisngi ko sa sinabi nya.

"Thankyou, that's sweet of you."

"I'm just being honest." She winked at me and waves me away. Pinaupo nya ko ng maayos at tiningnan ako sa harap ng salamin.

"Alright, let's get started."

--

Magisa nalang ako dito sa kwarto at nakahanda na ako para maglakad papunta sa altar. Sobrang lamig ng mga kamay ko kinakabahan ako, yung mga paa ko parang ayaw nila yung heels na suot ko. Nakaharap lang ako sa salamin habang tinititigan yung sarili kong nakasuot ng wedding dress. This dress is so beautiful, Stan's Mom did a really good job picking this for me. Yung buhok ko  ginawang messy bun but I still look beautiful in any angle. Ang haba ng wedding dress ko, at may hawak narin akong bulaklak sa mga kamay ko. This is it Kim, ikakasal kana ngumiti ka naman para sa mga taong umasikaso ng lahat para maging perfect yung dream wedding mo. Nakakaramdam ako ng ihi sa sobrang kaba ko, magbabanyo ba muna ako? E nakasuot na ko ng dress! Napayuko nalang ako, breath in breath out. Relax Kim at ngumiti ka mamaya pag naglalakad kana papunta sa altar ok? Ikakasal ka dapat masaya ka.

"Nervous?" Hindi ko sya naramdamang pumasok kaya medyo nagulat ako nung nagsalita sya.

"K-keith."

Lumapit sya sakin at hinarap ako sa salamin.

"You're getting married today, Kimberly. Can you smile a little bit?" Ngumiti sya sakin kaya napangiti narin ako.

"Nasa labas ba sya?" Tanong ko.

"Yep. He is already standing at the altar waiting for his bride." Sabay kindat nya sakin.

"Ah." Napayuko ako, hindi naman kasi si Stan ang tinutukoy ko. Mukhang hindi sya dadalo sa kasal namin, ok lang. Ayoko rin naman makita sya ngayong sa iba ako ikakasal at hindi sakanya.

May kumatok sa pinto at sumilip si Papa hababg nakasuot na sya ng tuxedo. Ang gwapo ng Papa ko haha.

"Sige Kim, I'll go ahead na. You really look beautiful." He kissed my hand and left. Binati pa nya si Papa bago sya lumabas.

"Handa kana ba anak?" Nilahad ni Papa yung kamay nya at hindi ako nagdalawang isip na hawakan yun.

"Ang lamig ng kamay mo anak, wag kang kabahan nandito si Papa."

Biglang bumigay yung bigat ng pakiramdam ko, nagsisimula ng magtubig yung mga mata ko.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Agad na kinuha ni Papa yung panyo nya at pinunasan yung mga luha ko.

"Patay tayo sa Mommy ni Stan pag nasira yang make up mo tahan na anak." Natawa naman ako sa sinabi ni Papa. Oo ngapala baka masira yung make up ko, lagot ako kay Tita. Pagkatapos punasan ni Papa yung mga luha ko agad ko syang niyakap.

"Pa, thankyou ha? Sa lahat lahat."

Nakasandal lang yung ulo ko sa dibdib ni Papa ng yakapin nya rin ako.

"Basta para sa prinsesa ko, lahat gagawin ni Papa para sayo." Naiiyak na naman ako pero this time pinipigilan ko.

Bumitaw si Papa sakin at kinatok kami ni Samantha yung wedding planner namin.

"We're all set. Kimberly dear, are you ready?"

Ngumiti at nagnod sakanya.

"And Daddy are you ready?" Tanong naman nya kay Papa.

"Ready." Sagot ni Papa at hinawakan na nya yung kamay ko at nilagay nya yun sa braso nya.

Naglakad kami sa harap ng pinto at nagsimula naring tumunog yung wedding march. Bumukas yung pinto at halos lahat ng kakilala ko ay nandun.

Eto na yun, wala ng atrasan to.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon