eighteen ♚

394 15 255
                                    

(Pinalitan ko po yung portrayer ni Rence. Si Kai na ng EXO. Hihi)

Chapter 18. Cha's first day.

-

Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon.

As in...ibang-iba talaga.

Alam mo 'yung feeling na, college ka na? Yeah, college. Hindi na elementary, hindi na highschool. Akala ko nga nung bata ako, pagka-graduate ng elementary, magtratrabaho na agad. Akala ko rin, madali lang ang pag-aaral. Hindi pala.

Unang araw ko ngayon bilang isang estudyante sa V.A. Ang sarap nga sa feeling na hindi ako nagbayad ng ni salapi pero pang-mayaman ang school ko. Nakaka-proud lang. Alam kong hindi lang ako ang scholar pero akalin mo 'yun, isa pala ako sa mga topnatchers ng entrance exam. Good news nga 'yun kahapon. Kasi nakasingit pala sa I.D ko 'yung score ko sa exam.

Charys Aille Manlongat
Passer of 2012 V.A Entrance Exam for Colleges
One of the topnatchers, with the score of 98/100.
Congrats!

'Yan 'yung nakalagay doon sa maliit na papel. Malungkot na nga sana ako kagabi eh kaya lang pagkatapon ko ng BAGO kong bag sa may kama, may nahulog na papel. Nang tingnan ko yun, yan ang nakita ko.

Nagtatalon talon pa nga ako sa tuwa eh. Sinabihan ko rin agad sina Mama pati si Kuya. Proud na proud sila sa akin at magpaparty raw sila kahit wala ako para sa blow-out.

Psh, wala naman ako dun eh. Paano ako makikiparty? Ano, sasakay ulit ako sa SUV at maglalakbay ng 14 hours? Eh. Wag na. Mas mabuti pang humarap sa salamin at pagmasdan ang napakaganda kong mukha. Haay.

Excited ako na medyo kinakabahan. Excited kasi makikita ko na ulit si Erine at posibleng makita ko ulit ang mga bago kong friends at 'yung mga gwapo na nakita ko-except Rence. Urgh, I hate him kaya. Ewan ko rin kung bakit.

Tiningnan ko ang bag ko at chineck kung lahat na ba ay ready. Sinuot ko ito at tumingin sa salamin.

Ang ganda ko naman! Bagay na bagay sa akin ang uniform ko. Tapos 'yung kulay ng bag at buhok ko ay match. Siguro marami na naman ang maninibago doon sa V.A kasi first time nilang makakita ng maganda tulad ko.

Umikot-ikot ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang kabuuan ko. Mukha akong fairy. Fairy ng kagandahan.

"Salamin salamin... Maging aso ka!" Kumuha ako ng isang brush at nagkunwaring ginawang magic wand. Iwinagayway ko yun kaya paniguradong mukha akong baliw ngayon. Di bale na, baliw na maganda naman.

"Salamin salamin.... Maging kangaroo ka!"

"Salamin salamin... Gawin mo ang kama kong isang rabbit!"

"Salamin salamin... Sana hindi ko na makita si DM!"

"Salamin salamin.... May mas gaganda pa ba sa akin?"

"Salamin salamin... Mag-salita ka! Sino ang mas maganda, ako o si Vianca?!"

"Ako, malamang. Hmp!" I flipped my hair at nagposing ng kung ano-ano sa salamin. Kahit kailan talaga, ang cute ko. Lahat ng anggulo at oras ang ganda ganda ko.

Teka... Anong oras na ba?

Saktong napatingin ako sa orasan nang may marinig akong sigaw mula sa labas.

"CHAAAAA! Hindi ka pa ba nakabihis?!"

Lagot! May pasok pala ako!

Aish! First day na first day late ako! Urgh! Katangahan ko nga naman! Kainis, baka magalit ulit sa'kin si Gaga!

"Nandiyan na akoooooo!!!" alanganin kong sigaw habang nagtitirintas ng buhok. Medyo maingat ako sa pagtirintas kaya mabagal. Narinig ko na naman ang pangalawang sigaw niya.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon