Devil Monster

64 2 0
                                    

A/N: Sorry sa typos ^___^

****

"DM, sure ka bang hindi nakakahiya 'tong suot nating dalawa?" awkward na tanong ko sa kanya sabay subo ng kinakain kong carbonara. Hindi niya ako sinagot sa halip subo lang siya nang subo at mistulang hindi na ako papansinin kahit kailan dahil siya na ng fried chicken niya. "DM!!!!"

"Bakit? Gusto mo?" sabi niya sabay tapat ng fried chicken sa bibig ko. Tatanggi na sana ako pero naamoy ko 'yung masarap na amoy na 'yun... Kaya kumagat na lang din ako ng pagkalaki-laki. Narinig ko siyang nagmura nang mahina dahil d'un. "Ba't mo inubos?" Halatang medyo nainis siya sa akin.

"Tinanong mo kung gusto ko, e. Eh 'di nilubus-lubusan ko na," sagot ko na medyo hindi naging malinaw sa pandinig niya dahil duh, ngumunguya pa ako habang sinasabi ko 'yun.

"Ano?"

"Wala, mabuti nga napansin mo ako," sambit ko sabay irap at kain ng carbonara. "Pero DM, may tanong ako."

"Ano, na sigurado ba akong hindi nakakahiya 'tong suot nating dalawa?" turo niya sa t-shirt niyang may design na unggoy (kagaya niya!!!) na may headphones tapos 'yung sa akin naman na unggoy rin (na maganda) na may buhok halos similar din ng sa kanya. "Bakit kinahihiya mo ba?"

'Di ko alam ang isasagot ko. Kasi, kanina, pinagtitinginan kami ng mga tao at pinagbubulungan. Tapos 'yung iba natatawa pa sa t-shirt namin. Hindi ko naman ikinakahiya, actually. Naa-awkward-an lang ako kasi hindi pa naman kami ganap na couple pero naka-couple-shirt kami! Is that possible?

"Hoy, sagot ka!" sabi niya bigla at may nilagay sa ilong ko tapos tumawa.

"Hoy. Ano 'to?!" gulat na tanong ko habang tinitingnan kung ano 'yung bagay na malagkit na nilagay niya s ailong ko. "Ketchup?"

"Siguro. Kung 'yan ang interpretation mo. Pero paano kung dugo ko pala 'yan?"

"Ayos lang, 'di naman ako duwag sa dugo! Nye!" bawi ko saka nag-belat sa kanya. Pinunasan ko 'yung dugo-- I mean, ketchup sa ilong ko at saka binato sa kanya 'yung tissue na pinagpunasan ko. Napansin ko na may ketchup palang kasama doon sa order niyang fried chicken, kaya sure ako na 'yun ang nilagay niya sa ilong ko kanina.

At hindi dugo!

Yey!

"Pero, ikinahihiya mo ba 'tong suot natin? Gusto mo magpalit na lang tayo ng damit?" ulit niya sa tanong niya kanina.

"Hindi, ah!" Kamuntikan na akong mabilaukan sa kinakain ko. "Ang awkward lang kasi ng tingin ng tao sa atin kanina. Alam mo 'yun..."

"Inggit lang sila. Kasi ako, may kasamang pangit na babae. Minsan lang kaya nagkakagusto ang mga gwapo sa mga pangit," wika niya habang natatawa pa.

"P*ta ka naman! Akala ko pa naman nakakakilig 'yang sinasabi mo!" naiinis na sigaw ko sa kanya saka binato ng maraming tissue. Napansin nga kami ng isang waitress at sinita kami. Sinamaan ko lang ng tingin si DM saka pinakita sa kanya ang kamao ko pero alam niyo kung ano ang nakakaasar? Kasi binigyan niya lang ako ng 'hindi-ako-natatakot' look.

Nang lumabas na kami sa restaurant kung saan kami nag 'dinner date' na mukhang hindi naman ganoon ka-romantic, tinanong niya ako.

"May gusto ka pa bang puntahan?"

"Uhm.. Wala na," sagot ko.

"Sure ka? 'Di ka nabitin?"

"Oo, kasama naman kita, e. Ikaw lang sapat na! Hahaha!" Ako ata 'yung kinilig sa sinabi ko kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya. Hindi niya ako sinagot matapos 'yun at dahil natatakot akong makita ang reaksyon niya, hindi ko pa siya tiningnan agad. "Alam mo DM, kung nagtatampo ka kasi akala mo ikinakahiya kita, ta's 'tong suot natin, nagkakamali ka. Kasi alam mo ba, proud na proud na ako na kasama kita kanina! Bahala silang mainggit sa akin--" Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang siya sa akin.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now