Special Chapter 05

42 1 0
                                    

A/N: Guys malapit na ang pagtatapos nito. *le cries Han river* *drowns*
SAWA NA KAYO KAY TREB? MAS SAWA AKO. HAHAHA.

En Jae's POV

Malabo pa rin ang mga pangyayari sa mundong ibabaw ngunit pilit na lang iyong iniintindi ni Trebor at Denver lalong-lalo na't nang bahain na naman nila ng tanong si Rence ay tuluyan na sila napalayas sa mansion.

"Uwi ka mag-isa mo?" tanong ni Denver habang iika-ika pa dahil sa tinamong mga bugbog mula kay Rence. Well, hindi naman siya nag-iisa dahil nasapak rin naman nang ilang beses si Treb dahil sa walang sawa nilang pagtatanong.

Ayan tuloy, bugbog-sarado silang dalawang lumabas ng bahay na mistulang mga batang pinalayas sa bahay ampunan dahil wala talagang gustong umampon sa kanila.

"Mag-lalakad ako."

"Wait," pigil ni Denver dito. Huminga muna siya ng malalim bago lumunok. Kahit papaano ay medyo concerned naman siya about kay Treb kasi friends rin naman sila kahit 23% lang. "Gusto mo samahan kita pauwi sa inyo?"

Tiningnan siya nang matagal ni Treb bago siya inabutan ng isa sa mga magic pebbles niya saka naglakad papalayo.

"Hoy! Anong gagawin ko sa batong ito?!" Pahabol na tanong ni Denver habang sumusunod sa kanya.

"Lunukin mo o nguyain mo."

"Ha?! Nahihibang ka na ba?! Gusto mo ba akong mamatay, huh?!"

"Desisyon mo na 'yan kung gusto mo nang mamatay o hindi. Basta ang sinasabi ko sa 'yo, kahit sinasabi ng ibang tao na Weirdo ako, at least hindi ako 'yung taong nag-aalok na magprotekta ng ibang taong mas malakas pa nga sa kanya."

"Ako ba 'yang tinutukoy mo ha?!" Hinawakan niya sa braso si Treb.

"Oo," walang takot na sagot niya.

"Aba! Ang kapal mo! Ikaw?" turo niya dito,"Mas malakas sa 'ken?" sabay balik ng daliring nakaturo sa kanya saka tumawa nang malakas. "HAHAHA! Mangarap ka! Hindi porket injured ang isang balikat ko masasabi mo na 'yan! Tandaan mo! Ikaw diyan ang madalas ma-bully kasi wala kang alam ni-katiting na self confidence! Tama ako 'di ba?! Ayan tuloy sumusuko na ang nambubully sa 'yo kasi walang thrill kapag ikaw ang binubully!"

"At least hindi natutuloy ang pambubully at ligtas ako."

"Hoy--- aray langgam! Hoy wait!" Bigla siyang nagtatalon habang nakahawak sa kanang paa niya na kinagat ng isang langgam, sa kamalas-malasan nga naman. "Aaaahhhh! Malas! Tang*na! H'wag mo akong iiwan!"

"Bakit naman?"

"Baka ma-kidnap ka or baka ma-holdap ka or baka ma-wirdunap ka or baka ma-dognap ka or baka ma-carnap ka kahit wala ka namang kotse!" pahabol pa niya nang medyo makalayo na si Treb at kinakagat pa rin siya ng mga demonyong langgam. "Alam mo na! C-cute ka kasi! A-aah bwiseeet!" sumpa niyang muli.

Napantig ang tenga ni Treb nang marinig niya ang salitang cute. Marami kasing nagsasabing cute siya kapag birthday niya kaya iniisip niyang totoo 'yon(kahit medyo hindi) kaya naman nakangiti siya habang lumilingon ulit kay Denver na medyo tinubuan ng pag-asa. Maging siya ay hindi rin alam ang dahilan kung bakit nais niyang ihatid pauwi si Trebor kahit alam niyang sobrang layo pa ng bahay nila mula sa mansion nila Rence(siguro mga 18 kilometers pa) at saka kailangan niya pang bumalik sa ospital dahil for sure mapapagalitan siya ng sexy niyang nurse(AYAW NIYA 'YONG MA-MISS, kaya nga siya babalik, duh?) at ng parents nila kapag nalaman nilang tumakas siya.

Napawi ang ngiti ni Denver dahil hindi niya inasahan ang naging tugon ni Weirdo.

Nilabas nito ang isa na namang magic pebble at saka nagkunwaring nilunok ito, "DARNA! Lilipunin ko ang mga masasama at papatayin ko sila! YAAAAAAA!" saka siya tumakbo papalayo habang iniiwan ang kawawang si Denver.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now