eight {Girlfriend?}

318 23 36
                                    

Chapter 8

--

"Hmmp! Kainis talaga siya!" sabi ko sa sarili ko matapos naming magawa ni Garey 'yung robot. Mabuti nga at nandoon siya kasi kapag hindi, malamang hanggang ngayon naghihirap parin ako.

"Ayos lang 'yan! Haha! Ang sweet niyo nga eh!" natatawang sagot niya.

"Anong sweet 'dun?! Bwisit!" sa inis ko nag-walk out ako. Dalawang oras nang naghihintay sa akin si Hailey! Asar naman!

Bumalik ako doon sa kuwartong pinag-laruan namin ni Hailey kanina. Pagkabukas ko 'nung pinto, wala na siya. Hala, baka nagtampo 'yun!

"Ate Cha, why are you late?" napalingon ako sa likod ko at nakita si Hailey na nakapout.

"I'm sorry baby! 'Yung kuya mo kasi eh! May pinagawa sa akin!" pagpa-pout ko rin.

"Which kuya? Kuya Garey, Kuya Darey? Or my devil Kuya?" Huh? Devil rin ang tawag niya kay DM?! How come! Pareho kami!

"Your DEVIL Kuya! He made me repair a robot without reasons!" pagsisinungaling ko kahit alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang robot na 'yun.

"Really? He's so bad talaga!"

"Yeah, right!"

"C'mon Ate Cha! Let's play again nalang!" Ngumiti ako at pinag-patuloy namin ang paglalaro. Ang ipinagtataka ko lang, bakit ganun? DEVIL rin ang turing niya sa sarili niyang Kuya? Ganu'n ba talaga kasama si DM?

****

'Pagkatapos naming maglaro ni Hailey, dumeretso ako sa kusina para kumain. Nagugutom rin ako, 'noh. At saka sinabi na rin sa akin ni Ma'am Hanna na, "Eat whatever you want. Feel at home."

Matapos kong kunin 'yung banana cake at juice uupo na sana ang nang...

*swoooosh* Natapon 'yung juice!

"Ay siopao!!!" napapikit ako. Katapusan ko na ba?

Nadulas ako. Bakit hindi ako bumabagsak!

....

Saka ko lang naramdaman na may sumalo para sa akin..

>______<

>_____O

O_____O

"S-salamat..." sabi ko sa kanya. Pero bakit sa dinami-rami ng mga taong pwedeng makasalo sa akin, bakit si DM pa?

"Oy, hindi libre 'yan. Natapunan mo 'tong damit ko. Mahal 'yan. Bayaran mo."

"H-huh?" Napatingin ako sa damit niya. Natapon pala doon 'yung natirang juice sa baso. "S-sorry na! Wala akong perang pambayad niyan!"

"Anong sorry? Palitan mo 'yan," saad niya.

"Grabe naman! Pati 'yun babayaran pa! E pwede mo namang ipa-laundry 'yan eh! Ang dami niyong maid dito!" ayan, napasigaw tuloy ako!

"Ikaw pa ang may ganang sumigaw? Dahil natapunan mo 'to, magbabayad ka."

Grabe, ang sama!

"'Yung mura lang ah! Wala akong pera kung libo libo ang ipapabayad mo!"

"Kung wala kang pera, magbabayad ka parin."

"Paano naman 'yun?" tanong ko.

"Basta, sumama ka sa akin. Magbihis ka, hintayin mo 'ko. Magbibihis rin ako."

"Ha? Anong gagawin--" wala, umalis na siya.

Bakit ako magbibihis? Ano na naman bang gagawin niya sa akin, ha? Kainis.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now