Special Chapter 01

372 11 72
                                    

First Attempt

_THIRD PERSON'S POV_

'Malas' bulong ni Erine sa sarili niya habang naglalakad papunta sa mga lockers. Recess na at mag-isa niya lang ngayon dahil wala pa ang so-called best friend niya na si Cha. Ang masaklap pa, napagtripan siya kanina nina Vianca with her alipores at dahil wala siyang kakampi ay hindi siya nakalaban kahit isang warfreak si Erine. Duh, ang rami kaya ng mga yun versus Erine na nag-iisa lang.

Pupunta siya sa locker niya para magpalit ng damit. Basa kasi siya dahil sa kagagahan ni Baby Vivi.

Habang naglalakad ay pinupunasan niya gamit ang kanyang panyo ang salamin niyang basang-basa ngayon. Ikaw ba naman ang buhusan ng isang litrong Coke sa ulo, malamang madadamay pati ang salamin mo. Kulang na nga lang eh maiyak siya eh, pero masyado raw siyang weak para umiyak.

Dahil masyado siyang abala sa pagpupunas ng salamin niya at masyadong malabo ang mata niya para tumingin sa paligid, hindi niya napansin ang isang balat ng saging na nakaharang sa dinaraanan niya.

Dahil nga pa-epal si balat ng saging sa moment ni Erine at ng salamin niya, nadulas si Erine at napadapa sa sahig.

Parang slow mo ang nangyari dahil unti-unting nabitawan ni Erine ang hawak niyang salamin bago siya sumalampak sa sahig.

Aray ko, masakit yun.

"Aaaaaaawwwww!!!" sigaw niya at napahawak sa pwet niya. "Sahig kung crush mo ang pwet ko wag mo akong idamay!" dagdag pa nito at pilit na tumayo kahit ang sakit-sakit na ng pwet niya.

Malabo ang paningin niya kaya nagulat siya nang hindi maramdaman ang salamin sa kamay niya.

'Oh my gee, my dear glasses?! Where have you been?!' tanong niya sa isip niya at biglang kinabahan. Sino ba ang hindi kakabahan kung malaman mong nawawala ang salamin mo na ang tanging bagay na magpapalinaw ng mata mo like duh? Ang mas mahirap, masyadong malabo ang mata niya para hanapin yun kaya wala siyang magawa kundi kumapa ng kumapa. Wala tayong magagawa, kapalaran yan ni Erine na 400-375 ang grado sa mata.

Nakadapa, pilit pa ring hinahanap ni Erine ang salamin niya. Mangiyak-ngiyak na nga siya dahil wala talaga siyang makita.

"Curse the one who threw this banana! Mabaog ka sana!" sigaw niya. Ewan niya rin kung bakit niya nasabi yun. Bigla-biglaan na lang kasing pumasok sa isip niya yun, duh?

Kanina pa siya nagdarasal na sana may makakita sa kanya dito sa locker room dahil recess naman. Maya-maya pa ay may narinig siyang isang click na tunog. Nagtaka siya nang mapansing parang tunog ng camera yun. Kinabahan siya bigla. May nanonood ba sa kanya ngayon at sa kahihiyan-slash-kabaliwan na nagawa niya? Kung kanina, hinihiling niya na sana may taong makakita sa kanya -- ngayon kabaligtaran nun ang wish niya.

"May t-tao ba diyan?" pinilit niyang umayos sa pagkakadapa at ngayon niya lang napansing nakataas pala ang palda niya kanina pa. Uh-oh. Namula siya bigla at dali-dali itong inayos at tumingin sa paligid kahit wala siyang makita.

"H-hoy k-kung sino ka man diyan! Magpakita ka! H-hindi ako natatakot sayo kaya tulungan mo ako dito! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas niyang sigaw at walang pake kahit na ang ingay ingay niya. Naramdaman niya ang taong iyon na lumapit sa kanya. Narinig niya rin ang maingay niyang pagnguya kaya napangiwi na lang siya.

"Nakita ko yung panty mo kanina, mahilig ka pala sa Tweety."

Napabalikwas si Erine sa narinig. Ano raw?

"WAAAAAAAAAAAH!!! ANG BASTOS MO!!!" pilit niyang hinanap kung sino yun pero hindi niya ito makapa at dahil malas nga siya ngayon, nauntog pa ulit siya sa isang locker dahilan ng pagkaupo niya ulit sa sahig.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now