twenty-eight

143 9 140
                                    

***EnJae: Uwaaa sa tingin ko ang korni ng chappy na 'ters pero pinipilit niyo 'ko so yeah sana hindi kayo mairita sa aking mga sweet scenes. XD Tell me what you think after, okie? Kapag nagustuhan ko feedback niyo may ud ulit bukas :*

***

2 days later...

Sabi nila ang bilis ko raw gumaling. Sabi nila dapat raw two to three weeks pa bago maghilom 'yung mga sugat ko pero bakit 2 days lang? At bakit parang ang lakas-lakas ko na? Hindi ko pa rin naman ubos 'yung mga gamot na iniinom ko pero gumaling ako agad. What is happening to me? At saka nagagalaw ko na 'yung left hand ko. Hindi naman raw nabali 'yung buto pero napilayan lang 'yun kaya gumaling ako agad. Pero kahit na! Bakit parang ang bilis naman? Hindi naman sa gusto kong maging katulad 'yung mga OA na nagkakasakit na inaabot ng isang buwan bago gumaling kagaya nung mga may dengue pero bakit nga dalawang araw lang?!

Pero hindi naman ako nagkasakit. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. But wait. Kaya ba ako gumaling agad dahil dun sa--- doon sa pagkiss ni DM sa ch-cheeks ko?! Waaah! Hindi naman eh!

Pagkatapos nung araw na 'yun ewan ko pero parang may mga ewan na gumagalaw sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano 'yun pero ang weird kasi nung binisita ako ni Gaga hindi ko 'yun na-feel pero nung si DM na ulit ang nakita ko bumalik 'yung mga weird na bagay sa tiyan ko! May sakit na ba ako? Help! Baka ikamatay ko 'to!

'Nga pala, tinulungan ako ni Gaga kahapon na matawagan 'yung pamilya ko. Pati si Erine tumawag. And guess what? Binisita ako ni Erine kahapon at nagkwentuhan kami magdamag. Hm, siguro siya 'yung dahilan kaya ako gumaling kaagad? Tama, baka si Erine 'yung reason. May sakit pa nga siya nung dumalaw siya sa akin eh. Hay, napakabait talaga ng best friend ko!

"Bess! Sa totoo lang hindi lang 'yung sakit mo ang dahilan kaya bumisita ako dito," sabi niya habang nakatabi sa akin at nirereview ang notes ko nung wala siya.

"Eh ano?" sagot ko naman habang kinakalikot 'yung cellphone niyang malaki.

"Hindi ano! Sino! Kyaaaa! Nakita ko na rin sa wakas si kuya Harren at Garey na nakapambahay lang! Ang hot nila! Waaaah! Bess! Dito na ako matutulog para sisilipin ko sila habang nagbibihis! Ngayon ko lang na-realize na sobrang swerte mo pala! Sana nagpalit na lang talaga tayo ng posisyon! Kyaaaaaa!" halos i-occupy niya na 'yung buong kama ko sa sobrang kilig. "Kaya magpagaling ka na para sabay tayong gumaling tapos magi-sleepover ako!"

Sa totoo lang imbis na payuhan niya ako ng tips para gumaling agad, tinabunan pa siya ng kilig niya. Nung pumasok nga si Gaga sa kwarto namin pulang-pula siya. Mas lalo siyang nangamatis nung ihatid siya ni Gaga palabas ng mansyon. Hindi ko siya nakitang lumabas pero kinwento sa akin ni Gaga 'yung pangingnig ni Erine. Maasar nga 'yun mamaya sa text, wahahaha!

Sa ngayon, nakaupo lang ako sa kama habang nanonood ng tv. Ayoko pang lumabas kahit nakakatayo na ako at wala na 'yung benda sa kamay ko. Mas gugustuhin ko pang makipaglaro kay Hailey kaysa lumabas kasi boring lang. Ayoko pa ring pumasok kasi hindi ko feel. Tinext ko rin si Rence pero hindi siya nagrereply. Kumusta na kaya 'yun?

"Good morning!"

Napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo si Gaga at nakangiti. Tumango lang ako nung binigyan niya ako ng 'pwede-bang-pumasok' look. Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ko.

"Magaling ka na agad? Woah."

"Oo nga eh. Hindi ko rin alam kung bakit." Nginitian niya ako at ginulo 'yung buhok ko.

"Sa tingin ko alam ko na kung bakit."

"Bakit?"

"Panget ka raw kasi."

You're My EnemyWhere stories live. Discover now