Catherine

25 1 0
                                    


"Sina Hailey? P-pumunta rin ba silang America? A-ano'ng nangyari sa kanila? At saka, si Dada! Saan na sila napunta--at si Ga--- I mean, 'yung mga binaggit ko, nasaan na sila ngayon?" Pinipigilan kong umiyak. Nabigo akong madatnan dito si DM. E kasi naman! Bakit hindi pa kami sabay nagising?! Sabay ang birthday namin, kaya dapat sabay din kami ng paggising galing sa comatose! Kung mas maaga sana akong nagising, napuntahan ko siya agad at napigilan ko siya sa pagpunta sa America!

"Yung kapatid niya ba? Ah..." Nag-isip si Denver na para bang may inaalala. "Pumunta na ata silang ibang bansa rin... Pero hindi nila kasama si Harren, kasi ang kasama niya ay 'yung babae na sinasabi namin. Sa Korea ata sila nagpunta para na rin makasama 'yung isang anak ni Tita Hanna na babae."

"E sina Dada?"

"Dada?"

"Darey, I mean. Pumunta rin ba silang ibang bansa?"

"Ewan ko. Wala na kaming balita sa kanila dahil lumipat na rin sila ng school. Tanungin mo si Erine, baka may alam siya," sabi ni Denver na ikinainis ko naman agad.

"Pwede ba, huwag na huwag niyo na ulit babanggitin ang pangalan ng babaeng 'yun? Kanina pa kayo, ah!" nanggagalaiting sabi ko kaya naman napahawak si Cheng sa balikat ko.

"Ha, bakit?" nagtatakang tanong ni Treb pero kinurot siya ni Denver na mukhang may naalala. "A-ah.. Oo nga pala. Sorry."

"Ano'ng sorry?!" Pinigilan ako ni Cheng dahil tinangka kong sugurin sila. "Nanadya ata kayo, e! Alam niyo namang galit ako sa babaeng 'yun, bakit kanina pa kayo banggit nang banggit sa kanya?!" bulyaw ko.

"Sorry naman, nakalimutan namin na---"

"Puwes huwag kayong makakalimutin!" Naghanda na ako para magwalk-out pero pinigilan ako ni Treb sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"Wait!" pigil niya. "Alam mo bang nag-oopen na siya sa amin? Kaya alam namin ang lahat nang 'to. Kasi sinasabi niya sa amin ang lahat ng nararamdaman niya. Cha, nagsisisi na siya---"

"Ano'ng nagsisisi?!" pagwawala ko. "Wala akong pakialam kung nagsisisi na siya! Basta, hinding-hindi ko na siya mapapatawad! At wala akong pake kung nag-oopen man siya sa inyo o kung ano man! Wala akong pakialam kung siraan niya na ako sa inyo!"

"Cha, sabi niya sa amin, gusto niya nang mag-sorry---"

"Sorry?! Hahaha! Sorry?! Wow, is that a joke?!" sarkastikong tanong ko at nagpameywang. "Bingi ba siya? Bulag, o kung ano man? Kasi, hindi niya ba na-realize na sa sobrang grabe at sama ng ginawa niya sa akin, pati 'yung mga natitirang hibla ng buhok ko, sobrang galit sa kanya!" gigil na gigil na sabi ko. Wala akong pake kung naririnig na ako sa labas at puntahan ako ng mga nurses dito. Kahit na pulis pa 'yan, magpapa-aresto ako.

Nagkatinginan na naman silang dalawa at saka tumingin sa akin. "Well, isa sa mga hula mo ang tama but, hindi ka ba naaawa d'un sa tao...hindi mo na ba siya papatawarin?"

"No! At kailan pa siya naging tao, ha? Hayop siya! At hinding-hindi ko siya mapapatawad!"

Sa sobrang galit ko ay lumabas na ako ng private room na iyon at ibinalibag ang pinto. Huminga ako nang malalim at sinubukang pigilan ang galit ko. Pero hindi ko magawa. Kaya naman, kada step ko, parang padyak, para akong nagdadabog.

"Sabi ko sa 'yo, e, huwag ka nang tumuloy... Hay," sabi ni Cheng sa gilid ko pero hindi ko siya pinansin. Ewan ko kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kung lungkot ba, inis, o galit. Lungkot, dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita si DM. Miss na miss ko na siya, sobra. Inis naman, dahil kina Weirdo at Denver dahil sa pagpapaalala nila kay Erine. At galit, dahil Erine, Rence, lalong-lalo na kay Vianca.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now