Special Chapter 02

70 7 11
                                    

En Jae's POV

"Kuya! Kuya!" kalabit ni Hailey kay Darey na naglalaro ng cellphone niya sa may gilid.

"What?" inilapit nya uung tenga niya dito pata marinig siya nang maayos.

"Look!" Tinuro ni Hailey si Cha at DM na naghihilaan. Wait, mali. Hinihila pala ni DM kung saan si Cha at gusto silang panoorin ni Hailey kung ano ang gagawin nila.

"O tapos?"

"Let's follow them!" hindi na nakatanggi pa si Darey dahil nahila na agad siya ni Hailey. Nagtago sila sa likod ng isang malaking lamesang makikita sa tapat ng pintuan ng balcony.

Napansin nilang galit si DM kaya medyo kinabahan si Hailey, "H-he might beat Ate Cha!"

Tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Darey at pinaupo ulit, "Shhhh." Pati siya ngayon interesado nang masaksihan(SO DEEP GET OUT!) ang mangyayari na susunod.

"DM? Bakit?" nag-aalalang tanong ni Cha nang mapansin niya ring galit si DM. Nakita ko rin nila 'yung benda sa kamay ni DM na dahil doon sa pagsuntok niya sa glass kanina. "Hala! Anong nangyari diyan? Bakit may benda? Ano na namang ginawa mo?" akmang kukunin niya na yung kamay ni DM pero nilayo niya ito.

Sa ngayon maririnig niyo na yung utot ng langgam sa sobrang tahimik. Yung dalawa, seryoso rin.

"Uhm...kung hindi ka sasagot....thank you doon kay Charren-- I mean kay Baby Bear at doon sa bagong cellphone..." mahinang sambit ni Cha kaya nagkatinginan si Hailey at Darey.

"So Kuya is the one who told you to buy that bear? Kuya you should've bought one for me too!" nakapout at may halong pagtatampong sambit ni Hailey.

"Shhhh, don't talk."

"Still?! But I also want that be---asdfghjkl!" natakpan ni Darey yung bibig ni Hailey dahil makulit ito.

"Next time I'll buy you one." mahina niyang bulong para kumalma ang bata. Kumalma naman ito pero nagtatampo pa rin kasi hindi siya binilhan ni Kuya Darey niya.

"Bakit mo 'to ginagawa sa akin?" Nagulat silang dalawa nang biglang magsalita si DM.

"H-huh?"

"Bakit?!" sigaw niya ulit kaya mas naging tense yung panonood ng dalawa. Pero ayaw nilang tulungan si Cha. Ewan ko sa mga yan.

"H-hindi ko alam! Ano ang sinasabi mo--"

"Kasalanan mo kung bakit ako nagkakaganto!" Bigla niyang sinipa 'yung upuan.

"DM! Bakit?!"

Tinitigan niya si Cha bigla. Ang lalim nung titig niya. Pati si Hailey malakas ang tibok ang puso.

"Is he going to confess his feelings to Ate Cha?!" medyo kinikilig na bulong ni Hailey. Kebata-bata, ang raming alam.

"He has?"

"Shhh! Yes!" humagikgik si Hailey. Napalingon ulit sila doon sa dalawa nang sumigaw na naman si DM.

"Bakit ka ganyan?! Ano ang ginawa mo sa'kin?!"

Umiking si Cha, "H-hindi ko nga alam! Hindi kita nagegets! Tumigil ka na! N-natatakot ako sa'yo!"

"ARGH!" bigla niyang binalibag 'yung lamesa. "Hindi 'to pwede." bulong niya. Napakunot-noo yung dalawa. Hindi na rin nila ma-gets pati si DM.

"Ang alin?! Magsalita ka nga! Diretsahin mo na sa akin! Ang rami mong arte! Sa tingin mo nakakatuwa ka?! Siguro nga ikaw 'yung may kasalanan! Kasi ganyan ka! Guilty ka siguro!"

"Bakit, kasalanan ko bang nagugustuhan na rin kita?!"

Katahimikan ang bumalot pati sa mga gulat na gulat na si Hailey at Darey.

"I knew it," sabay nilang bulong at hindi pa rin makapagsalita nang maayos, kagaya ni Cha.

"Ano?! Sumagot ka! Ngayon hindi ka makapagsalita! Ganyan! Ganyan na ang aasahan ko! Ikaw kasi! Ikaw ang may kasalanan!"

"DM..."

"DM, DM! Wala akong pake kung hindi mo ako gusto! Ang mahalaga nasabi ko ang nararamdaman ko. At least hindi ako torpe o duwag. Basta kasalanan mo. Hindi ko naman ginustong gustuhin ka. Kasalanan mo," paulit-ulit nito sinasabi.

"DM, h-hindi ko alam... B-bakit--" hindi na natapos ni Cha ang sinasabi niya dahil mabilis siyang nahalikan ni DM.

Parang nagyelo si Darey at Hailey sa nakita. Pero mas lalo na si Hailey kaya bago pa man siya makasigaw ay nabuhat na siya ni Darey papalayo.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now