forty-three [part two]

15 0 0
                                    

Nagising muli si Cha nang may maramdaman siyang gumagapang sa kanyang mga paa. Wala siyang nakikita kundi puros itim lang.

"Nasaan naman ako ngayon?" ang tanong niya sa sarili habang inililibot ang paningin subalit katulad ng kanina, malabo pa rin ito at imposibleng ngayon ay makakita siya nang malinaw pagkatapos ng ilang minuto. Hanggang ngayon ay nakatali pa rin ang kanyang mga kamay at paa ngunit sigurado siyang nailipat na siya ng kuwarto dahil ang kaninang kinaroroonan niya ay maliwanag samantalang ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay masyadong madilim.

Hirap na hirap itong pumikit at saka pinilit na hindi indahin ang sakit sa sibrang higpit ng lubid na nakapalibot sa kanya. Tulad rin kanina ay umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya alam kung nasaan siya at kung bakit siya naroon.

Nang muli siyang dumilat ay napansin niyang mas lumiwanag ang kuwarto at kahit papaano ay nakikita niya ang kabuuan nito. Nalaman niyang hindi tulad kanina na malinis at parang isang laboratoryo ang kuwarto kung nasaan siya, ito naman ay isang maruming bodega, at abandonado rin ito. Maraming mga insekto ang nagliliparan at nararamdaman niya ang putik sa mga paa niya. Pinilit niyang alisin ang mga iyon ngunit tanging ulo lamang niya ang kanyang naigagalaw.

Tumingin siya sa paa niya at ngayon niya lang napagtantong isang daga pala ang kumakagat sa mga kuko niya.

"Waaaah! Shooo! Shoo! Aba bastos kang daga ka--- aray!" Agad siyang napatili nang isang ipis naman ang gumapang sa mga braso niya ngunit hindi niya ito maalis. "Mama ko! Waaaaah! Tulungan niyo ako! Ipis! Mamamatay na ako!!!"

Napahinto siya nang makarinig ng parang may humihikab sa bandang tabi niya.

"W-waaah!" Muli niyang sigaw kaya lang kung kanina, dahil sa takot at pangamba, ngayon naman ay danil sa gulat. Nalaman niya kasing may kasama siya sa loob ng maruming bodegang iyon at hindi siya nag-iisa. "H-hello? S-sino ka?"

Suminghot naman ang taong katabi niya na para bang hinihila ang sipon pabalik sa kanyang ilong. Hindij maiwasang mapangiwi si Cha ngunit isang tao lamang ang alam niya gumagawa ng ganoon kadiring mga bagay at kung hindi siya nagkakamali...

"W-weirdo?"

Automatiko silang nagkatinginan at ganoon rin naman ang gulat ni Trebor dahil nandoon si Cha.

"M-multo! M-may multo! M-may kasama tayong multo dito! Tuloooooooooong!" Sa isang iglap ay nagmistula itong baboy na gustong makawala sa kanyang hawla(baboy kasi marumi ang place kung nasaan sila, kaya gano'n) sa pag-aakalang si Cha ay isang white lady. "K-kanina lang w-wala kaming kasama ngayon tapos ngayon m-meron na! H-hoy kaibigan! G-gumising ka! May multo!"

"Weirdo?! Ikaw ba talaga 'yan?!" Hindi pinansin ni Cha ang pagtawag sa kanyang white lady ni Trebor kaya naman agad ulit silang nagtinginan at isa lang mababasang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Gulat.

"Weirdo! Waaah! Sa wakas at may kasama rin pala ako dito! Hindi na ako forever alone kasi walang forever!" Kahit papaano ay nagpapasalamat si Cha at nabawasan ang kanyang takot nang malamang hindi pala siya nagsasalita.

Ngunit imbis na mag-react ay itinuloy na lamang ni Trebor ang pagtawag sa kanyang kasama habang humihiyaw. "MAY MULTO! Nagsasalita siya! Kamukha niya si Charys! Tulungan mo ako! Baka kainin niya ako!"

"Weirdo?! Treb?! Ano'ng pinagsasasabi mo?!"

Napahinto naman agad si Trebor sa pagiging bulate niyang muli at saka tiningnan nang masama si Cha na para bang isa itong mangkukulam, "Paano mo nalaman ang pangalan ko, ha?!"

"Chill okay?" panimula ni Cha kaya naman kumalma saglit si Trebor sa kanyang ginagawa. "Hindi ako multo. Ako nga ito, si Cha. Hindi ka nagkakamali. Huwag mo akong katakutan please kasi pati ako natatakot---hindi nga lang sa 'yo pero sa lugar na 'to! Treb nasaan tayo?! Bakit tayo nandito?! At bakit tayo kinidnap?!" walang tigil sa pagtatanong ang dalaga.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon