forty-three [part three]

13 0 0
                                    

A/N: Hi guys. Sorry kung brutal na ang mga nagaganap ^___^V

***

Mistulang wala lang para sa kanila ang pagdating nito, kay Trebor at Denver ngunit si Cha ang gulat na gulat na nakatingin dito na para bang nakakita ng isang napakalaking butete sa harapan nila ngayon.

"B-bakit ka nandito?" ang tangi nitong nasambit nang siya ay bumalik sa kanyang sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita niya. "V-vianca?"

"Yes! Ako nga!" tila proud na proud na sagot nito matapos maglagay ng napakapulang lipstick sa kanyang labi. "And how's my lipstick? Bagay ko ba? Oh wait, hindi na dapat iyan tinatanong, alam ko namang lahat bumabagay sa akin, including---" hindi na ito natapos pa nang bigla na lamang sumabat si Denver.

"Dahil lahat na nga bagay sa 'yo, kahit na maglagay ng tae sa tuktok ng ulo mo madadala mo pa rin. Kasi nga, maganda ka, 'di ba? Lahat bagay mo," walang emosyon at buhay na sabi nito nang hindi man lang tumitingin kay Vianca at mukhang sanay na sanay na sa presensya nito.

Sinubukan ni Trebor na pigilan ang kaibigan subalit hindi ito nagpadala at nagpatuloy lang sapaglalabas nito ng galit.

"O baket? Bakit nakanganga ka riyan? Akala mo bagay mo ring mag-posing habang nakanganga?...o sige na nga, bagay mo na rin. Isara mo na 'yang bibig mo baka pasukan ng langaw. Trained kasi namin ni Trebor ang mga langaw dito at friends na kami. Ayaw mo maniwala? Sige, Potpot at OkOk, pasukin niyo ang tenga ni Miss---I mean Queen Vianca!" Wala pa rin itong emosyon kaya naman hindi inasahan ang sunod na ginawa sa kanya ni Vianca.

"How dare you to say that?! Unggoy ka! Shut up skeleton man! You look like a frog and it's literal!" pagkatapos iyong sabihin ay walang anu-ano'y sinampal nito nang pagkalakas-lakas ang mukha ng kawawang si Denver na halos mahimatay na sa rami ng sugat sa mukha at katawan nito.

"Wag mong gagawin 'yan! Ano ang ginawa mo?! Grabe ka Vianca! Ang sama mo talaga!" ang puna ni Cha sa kanya subalit hindi iti pinakinggan ni Vianca na ngayon ay galit na galit kay Denver.

"Ha? Ano'ng sinabi mo? Ako? Masama?" Ngayon ay nilingon naman ni Vianca si Cha na ngayon ay matapang na masama ang tingin dito. Si Trebor naman ay nagsimula nang mag-alala dahil maaring kung ano rin ang gawin nito kay Cha na malamang ay walang kalaban-laban dahil ito ay nakatali. "Alam ko! Sinasabi pa ba 'yan? Sino ba ang nagsabing mabait ako? No one! Wala 'di ba? Kaya common sense na 'yun! Hahaha! Weak!"

Napakagat ng labi niya si Cha sa sobrang galit, "Sobra ka na talaga! Ikaw ba ang kumidnap sa amin dito?! Bakit, ha?! Ano ang ginawa namin sa 'yo at dinukot mo kami at kinulong dito?! Trip mo lang?! At saka tingnan mo ang ginawa mo sa kanila!" Tinangka nitong ituro ang dalawa nitong kasamang punung-puno ng sugat ang katawan at doon niya lamang naalala na hindi niya pala ito maigagalaw. "Sila! Sila Treb at DenverUngas! Kawawa sila oh! Wala naman silang ginagawa sa 'yo pero tingnan mo ang ginawa mo sa kanila! Sinaktan mo sila! Kulang na lang at---"

"Wow, huh? Akala mo kung sino ka kung makapag-salita ka ha! Ano'ng walang ginagawa ang sinasabi mo? May ginawa sila! At mas matindi pa 'yon sa kabobohan mo, gaga ka!"

Napasinghap na lang si Cha sa narinig. Wala na lang siyang magawa kundi umiyak nang mahina at tanungin ang sarili kung kailan ba ito matitigil. Pare-pareho lang sila ng iniisip ng dalawa nitong kasama lalong-lalo na si Trebor na ngayon ay miss na miss na ang mga bato niyang inagaw mula sa kanya nang siya ay kidnapin.

"Oh ano?! Magsalita kayo! Ang boring dito oh! Ang init! Wala bang aircon diyan?!" walang pasabing reklamo ni Vianca kaya naman may dalawang alalay na bigang sumulpot at pinaypayan siya. "Ano ba?! Pwede niyo bang lakasan man lang ang pagpaypay niyo?! Para kayong walang mga kamay! Ang babagal niyong magpaypay! Kadiri kayo! Can't you just bring the rechargeable aircon here?! But siyempre huwag niyo nang idamay 'tong mga patong 'to, because they're boring! Ang lalaos nila! Kadiri!"

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon