Special Chapter 04

55 2 0
                                    

I had to divide this into THREE parts so I could have THREE updates but I'm too lazy to do it. And hey, this Special Chapter has somethings that makes it more special. I dunno what it is, though.

Hindi ka naman siguro gano'n katamad para basahin 'to. Kasi maging ako, kinikilig habang tinatayp 'to. HAHA. Mwamwa

*******

Cha's POV

Nagiging routine ko na ngayon ang pag-ikot sa kama araw-araw pagkagising ko. Actually, mga tatlong araw ko pa lang 'tong ginagawa pero mukhang habambuhay na ata 'to. Pa'no ba naman kasi, V.A. week ngayon kaya walang pasok. Gusto ko sanang tumawag ng party kaso bigla akong tinamad. Si Erine naman, sabi bibisita daw sa pamilya niya sa Batanes. Gusto ko sanang sumama kasi wala akong magawa dito sa bahay kaso tumanggi siya at sinabing baka mandiri lang daw ako sa bahay nilang munti. Pero sabi ko okay lang dahil munti rin naman ang bahay namin do'n sa probinsya kaso ayaw niya pa rin. Sabi ko, gusto kong makilala at ma-meet ang pamilya niya kahit for a day lang at isang overnight stay sa bahay nila, kahit umalis na ako pagkatapos no'n mag-isa. Pero ayaw niya pa rin pumayag.

Naisip ko nga na baka nasisiraan na siya ng ulo. Minsan na nga lang mag-slumber party, eh!

Minsan iniisip ko kung may nililihim ba sa 'kin 'tong bruhang 'to eh.

Sa ngayon ay nakatitig lang ako sa rainbow colored ceiling ko. Actually, pink polkadots ang design talaga ng kisame ko, kaso dahil sa aking malawak na imagination, naging rainbow.

*tok tok tok*

Ano ba naman 'to. Umagang-umaga nambubulabog ng tulog! Ang lakas pa talaga ng katok, eh! Pero kung sabagay, gising naman na ako.

"Walang tao!" mataray na sigaw ko pero hindi pa rin tumigil ang katok. Natakot ako agad nang maisip kong baka si Mommy ang nasa pinto at nagtataka na siya kung bakit ang sungit sungit ko. Omaygash! Sinugod ko agad ang pinto pero pagkabukas ko, wala namang tao.

"Mumu prank? Haha! Style mo bulok. Ulul," nakangising sabi ko na lamang at saka tumingin-tingin sa paligid para tingnan kung may nambabalak ba talagang gumulat sa akin. After one minute, mukhang wala naman kaya isinara ko ulit ang pinto. Pero bigla akong kinilabutan doon. Kasi saan naman magtatago ang kumakatok na 'yon kanina? Ang bilis niya namang magtago. Nakarating na kaya ako sa may pintuan pero kumakatok pa rin siya! Pero ba't nung binuksan ko wala na? At wala na ring katok? Ew.

"Guni guni ko lang siguro 'to," umiiling-iling na sabi ko kaya bumalik na ako sa pagkakahilata ko sa kama. Ang boring naman. Tinatamad akong lumabas. Tapos umalis rin sina Gaga pupunta daw silang Palawan kasama ang kanyang dalawang kapatid at daddy. Kawawa nga ang mommy nila eh, stuck sa abroad hindi makauwi. O baka may ibang lalaki do'n.

Hehe, joke lang. 'Wag mag-iingay!

Siguro okay na rin na may multo na magja-jumpscare sa akin ngayon para ma-thrill naman ako. Katok sa pinto, bumalik ka please!

Naalala ko bigla si Hailey kaya naman bumangon ako agad. Oo nga pala! Sabi ko maglalaro kami ngayon. Tumakbo ako papalabas ng kuwarto ko at saka pababa ng hagdan. Muntikan na nga akong madapa pero keri lang, hindi naman siguro ako na-video ni DM at pagtatawanan buong taon dahil naka-hundred thousand views ang video ko sa youtube.

With that thought, napahinto agad ako at napatingin sa paligid para magcheck. Ilang segundo rin bago ko marealize ang ginagawa ko. Para akong tanga! Bakit naman magigising si DM nang ganito kaaga. Parang paniki kaya 'yon.

So nang makababa na nga ako ng hagdan, tinanong ko agad ang mga yaya kung nasaan si Hailey. Kaso nakakapanlumo ang sagot nila sa akin.

"Umalis po si Donya kasama si Ma'am Hailey para sa isang trip na hindi namin alam kung ano. Umiiyak nga po ang bata kanina dahil gusto ka raw niya makalaro. Kaso nagalit ang mommy kaya walang nagawa," naka-pout na sabi ng isang ate.

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon