Special Chapter 03 (part two)

64 3 31
                                    

Dahan-dahan ang pagnguya ni Gillian sa pagkain na binili ni Garey sa kanya. Ikaw ba naman ang ilibre ng lasagna from Greenwich with matching pizza pa with your favorite sweet chili sauce, from your idol pa for years since high school, edi malamang kahit na nahihiya kang ipakita ang way ng pagkain mo sa kanya mapipilitan ka pa rin dahil ayaw mong isipin niya na nasayang ang binili niya para sa 'yo---kahit sa totoo lang talaga gustung-gusto mong itago ang mga pagkain na 'yon dahil galing iyon sa pera ng idol mo at NAHAWAKAN niya ang mga ito bago mo kainin. Tandaan mo, NAHAWAKAN. Dumampi ang kamay niya doon. At alam mong maraming babae ang nagnanais na mahawakan ang kamay niya. Eh ikaw? Effortless. Na-clinic ka lang nahawakan pa niya--hindi lang siya ang humawak--at naalalayan ka pa. Malapit ang mga mukha niyo sa isa't-isa! At nag-uusap pa kayo! Nilibre ka pa niya! Aba malupet 'yan.

"Mmmm," nilalasap-lasap niya ang sarap ng pizza habang napapaikit pa habang nasa CR si Garey. Sinasamantala na niyang lumamon nang normal dahil mamaya magpapanggap na naman siyang demure sa harapan ni Garey. Masyado kasi siyang intoxicated right now kaya hindi siya masyadong makagalaw. Idagdag mo pa na nacu-cute-an siya kay Garey dahil SpongeBob ang design ng bag niya.

"Hindi ka pa rin tapos?" agad-agad naman niyang naibalik sa lalagyang box ang pizzang nilalamon niya habang ngumingiti kay Garey sabay nguya nang marinig niya itong papalapit sa kanya.

"Uhm...namush numan na...hehe," punung-puno ang bibig niya kaya dahan-dahan siyang sumungkit ng tissue sa side table ng kama at pinunasan ito. Natawa naman bigla si Garey sa hitsura ni Gillian kaya kumuha rin siya ng tissue para iabot sulit sa kanya. "Mmm whruaket?"

[Whruaket=Baket HAHAHAHAHAHA XD <3]

"Tingnan mo sa pisngi mo," nagpout pa si Garey para ituro ang matambok na pisngi ni Gillian na kanina pa namumula. "May sauce. Hahaha!"

"Ayy," napangiwi naman si Gillian habang tinatanggap ang tissue at dahan-dahan na ipinunas iyon sa pisngi niya sabay blush. Nakakahiya kasi ang ginagawa niya.

"Uh, Gillian?"

"Y-yes?"

"Can I...." lumapit ito hanggang sa magkapantay na ang mga mukha nila. 'Yung tipong kung hindi lang matangos ang ilong ni Garey kanina pa sila magkiss. Pero wala eh, pango si Gillian kaya nose to nose na lang ang pwede.

"B-bakit K-kuya Garey?" for the nth time naamoy ni Gillian ang hininga ni Garey at nagtaka na naman siya kung bakit ba masyadong mabango ang hininga nito at hindi pa rin nawawala ang kanyang fresh breath kahit kanina ay sinaluhan rin siya nitong kumain ng pizza. Eh siya, bago pa man kumain ng pizza mabaho na ang hininga. Nakalimutan niya kasing dalhin 'yung tic-tac niya na pampabago ng hininga na everyday niyang binibili sa kapitbahay.

"May tartar ka, HAHAHAHAHAHAHA!" sandaling itinuro ni Garey ang yellow na ngipin ni Gillian saka umatras para tumawa nang malakas.

Napatakip naman ng kanyang bibig si Gillian sa sobrang pahiya saka pilit na inalis ang tartar sa ngipin. "S-sorry! Nakalimutan k-kong gumamit ng t-toothpick..."

"Hahahahahaha!" maluha-luha na si Garey. Hindi dahil sa naiiyak or natouch siya ngunit dahil sa katatawa. At saka niya na-realize na umiiyak pala ulit si Gillian. "Oops, sorry. Gillian, sorry," nag-aalala itong lumapit sa dalaga na nakatakip ang mukha at saka umiiyak. "I didn't really mean to laugh, gusto ko lang sanang ipaaalam sa 'yo pero natatawa ako sa reaction mo."

"Huhuhuhu!" iyak pa ni Gillian kaya naman mas lalong nataranta si Garey. Kanina kasi ay naikwento sa kanya ni Gillian ang war freak na best friend at Kuya niya. Ang problema, baka magsumbong si Gillian pagkatapos at malagot siya. "Sumbong kita kay Bebs at Kuya!" Speaking!

"Look, I'm very sorry. Hindi ko nga kasi sinasdya at--" nahinto naman si Garey nang mapagtanto niyang hindi naman pala umiiyak si Gillian at peke lang ang mga ginawa nito kanina. Si Gillian naman ngayon ang tumawa nang malakas habang palaki nang palaki ang bunganga nito dahil sa tuwa.

You're My EnemyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz