Gaga; Garey

41 1 0
                                    



"Hoy! Hindi ka ba napapagod?! Saan ba talaga tayo mag-uusap? Baka may balak ka namang gahasain ako! Baka sobrang liblib niyang kwarto na pagdadalhan mo sa akin!" reklamo ko kay Garey habang hinihingal na naglalakad pasunod sa kanya. Pagkatapos niyang sabihin na, 'Tara na' after niyang magbihis, hindi na siya tumigil kalalakad. Ewan ko kung sinasadya ba niyang tagalang maglakad at layuan ang sinasabi niyang tahimik na place kung saan pwede kaming mag-usap nang matino.

"Stop assuming, lady. Kasasabi ko nga kanina, I've never liked you," casual na sabi niya kaya inirapan ko siya. Kung kakaunti lang talaga ang pasensya ko, kahit wala akong balak na patayin at ipapulis siya, gagawin ko! Papatayin ko siya tapos sasabihin kong self defense kasi balak niya akong i-rape!

"Oo na! Edi wow. Pero maawa ka naman sa na-comatose!" pagmamakaawa ko at huminto saglit. "Kanina ka pa. Third floor na 'to pero mukhang wala ka pang nahahanap na matinong place! Bakit hindi na lang doon sa sala tayo mag-usap!!!" pagpapatuloy ko pero hindi man lang siya naaawa sa akin at hindi siya tumitigil sa paglalakad. "GANYAN KA BA TALAGA KASAMA?!"

"Wait lang! Marunong ka bang maghintay?" inis na sabi niya at may binuksan na pinto nang makarating siya sa dulo ng third floor. Siyempre wala pa ako d'un sa dulo, ang bagal ko e. Nabigla ako nang malamang balcony pala 'yun. At kahit malayo ay nakikita ko ang magandang view. Hindi ko napigilan ang pagkamangha ko at napatakbo ako papunta doon sa hidden balcony na 'yon.

"Wow!" manghang sabi ko habang nakatingin sa view. Para tuloy akong tanga na nakanganga. Pero wala siyang magagawa. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito kagandang view, except kina DM. Iba kasi ang nakikita mula dito at mula sa kanila.

"Tara na pala sa sala, ayaw mo ata dito, e," asar ni Garey pero nagdabog lang ako para ipaalam na gusto ko na dito.

"Dito na tayo!!!"

"Ok, sabi mo, e." Umupo siya sa isa sa mga bakal na upuan doon at nagcross-legs. Nang ma-realize ko na hinihintay niya ako, umupo na rin ako doon sa isa at saka huminga nang malalim. "So---"

"Totoo ba'ng ni minsan hindi mo ako nagustuhan?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin nang diretso at saka tumango nang dahan-dahan. Ngumiti na lang din ako nang mabilis at magtatanong na sana ulit pero may sinabi pa siya.

"I had a crush on you noong unang araw na nakitira ka kina Harren. Pero pinilit kong alisin 'yon nang mapansin kong may pagtingin siya sa 'yo," sambit niya kaya natigil ako sa pagkagat ng kuko sa daliri ko.

"May gusto siya sa akin?" paninigurado ko.

"Oo. Dati pa. 'Di mo napapansin? Naaalala ko pa ang unang niyang sinabi sa akin noon."

"Ang cute niya kapag naiinis at galit."

"T-teka, nalilito ako. Bakit hindi ko napapansin? At bakit, bakit ikaw ang pumuporma sa akin noon at hindi siya?" naguguluhang sabi ko. Ewan ko kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Kung kikiligin ba ako o hindi. Kasi naman, INIS ang nahahalata kong nahahalata kay DM! Hindi niya naman pinapakita na gusto niya ako noon!

"Kasi, manhid ka. Tapos siya, torpe. Hindi mo nahahalata na kaya ako nagpanggap na gusto kita e kasi gusto ko na mapaglapit kayo? Kasi alam ko, kapag inakala niyang nauunahan ko na siya sa 'yo, aamin na siya ng diretso at sasapawan niya ako. Kapag nagseselos kasi siya, hindi niya na pinapalampas ang mga bagay-bagay. Tingnan mo 'yun, umamin na siya sa 'yo agad nang hindi niya na ma-take 'yung mga ginagawa ko," proud na sabi niya pa na parang hindi niya pinagsisisihan na paasahin akong ang haba-haba ng hair ko kasi ang daming nagkakadarapa sa akin. Duh!

"Manhid mo."

"Naalala ko tuloy 'yung hinalikan niya ako dati... Second kiss ko 'yun. At napaka-memorable n'un sa 'kin lalo na't siya ang humalik," nangingiting sabi ko habang kinikilig.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now